CHAPTER 82

1.3K 117 15
                                    

 CHAPTER 82

Three days ago, pagbalik ni Franklin sa bahay na kanyang tinitirahan. Nagulat na lamang siyang nandoon si Belle sa labas. Hinihintay siya nito kaya naman nilapitan din niya ang dating nobya.

“Juan? Ikaw na ba iyan?” Belle asked.

“Ah oo.”

Inabot ni Belle ang kutsinta  habang nakangiti. “Sorry. Hindi ko naman sinasadya na masungitan ka. Baka kasi akala mo hindi welcome ang bisita rito sa amin.”

“Thanks fo—ah salamat,” biglang pagtatagalog ni Franklin kaya mas kunot ang noo ni Belle.

“Gusto mo bang sumama sa amin ni Sita sa pottery?”

“Hindi na, dito na lang ako. Salamat,” umiwas si Franklin hanggang sa makapasok siya ng bahay. Iniiwasan niyang mahalata ng tuluyan kay Belle dahil alam naman niya sa sarili na hinding-hindi makakalimutan ng dating nobya ang boses niya.

Umupo lamang sa kama si Franklin habang pinagmamasdan ang litrato ni Belle. Pinunasan din niya ang luha hanggang sa napatingin siya sa labas dahil sa malakas na ulan. Napatayo na lamang si Franklin upang buksan ang pintuan. Nakita niya si Belle na nagmamadali na kapain ang dinadaanan gamit ang tungkod. Basa ang buong katawan nito at nanginginig na rin sa sobrang lamig.

He immediately went out to lift her. Kaya naman nabigla si Belle sa ginawa nito sa kanya.

“Naku! Juan! Nakakahiya naman!”

“Maulan na at malamig,” wika ni Franklin hanggang sa ipasok siya sa loob ng bahay.

Inabutan niya ng tuwalya si Belle hanggang sa alalayan papasok ng banyo.

“Okay na ako. Kaya ko na. Salamat,” wika ni Belle.

“Sige.”

Sa pagsasara ng pintuan ni Belle, nanatiling nagmamasid si Franklin sa paligid hanggang sa makita niya ang ceiling nito na tumutulo. Kumuha ng stainless basin si Franklin dahil siguradong mabubulok ang sahig ng bahay at kumuha rin ng basahan para lampasuhin ito.

“Anong ginagawa mo Juan?” Nagtatakang tanong ni Belle dahil narinig niya na kumalansing ang stainless basin. 

“May tumulo kasi at baka madulas ka,” kinakabahan na sinabi ni Franklin dahil hindi siya makatingin ng maayos kay Belle.

Belle didn’t know that she was just wearing a thin white duster. Kahit may bra at pantay man siya na panloob, bakas pa rin ang katawan niya at wala siyang malay na ito ang nadampot niyang damit kakamadali.

“Maupo ka na rito at magkape,” aya ni Belle pagkatapos ay kinapa ang takure. Akmang mahuhulog kay Belle ang bote na nasa itaas ng kitchen cabinet ngunit maagap si Franklin at sinalo ito nang hindi pinapahalata kay Belle.

“Maupo ka na, Juan. Tsaka nabasa ka rin diba? May tuwalya ako sa kaliwang cabinet. Hiramin mo muna, iyon lang medyo maliit dahil sa anak ko iyon.”

“Sige, salamat.”

Dali-dali naman na kinuha ni Franklin ang tuwalya hanggang sa makita niya ang burda. “Franco and Filip, our sons,” he whispered. Tila naging emosyonal si Franklin hanggang sa punasan niya ang luha. Gustong-gusto niyang yakapin si Belle. Ang malamig nitong balat na gusto niyang painitin. “I want to kiss you, Belle,” bulong niyang muli. 

Ilang saglit lamang ay inilapag ni Belle ang kape kaya sumunod si Franklin sa kanya.

“Nasaan ang tatay ng mga anak mo?” wala sa wisyong tanong ni Franklin.

Nasamid at pinunasan kaagad ni Belle ang kanyang bibig. “P—patay na. Wala na.”

“Buhay pa ako,” mahinang sinabi ni Franklin.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now