CHAPTER 47

1.5K 112 17
                                    

CHAPTER 47

    Alas tres ng hapon nagising si Belle at nauna siyang bumaba. She left Hugo dahil halatang pagod pa rin ito. Nilibot ni Belle ang paligid hanggang sa makilala niya ang matanda na naghuhulma ng banga. Napangiti si Belle dahil kahawig ito ni Manang Karing.

    “Hello po!” Bati niya.

    “Hi, Hija. Halika at maupo ka rito.”

    Sumunod naman si Belle hanggang sa pinagmasdan niya ang matanda. “May kamukha mo kayo na kilala ko.”

    “Aba’y sana maganda iyon ha!”

    “Ay opo!” Tumawa si Belle pagkatapos ay pinagmasdan ang paligid. “Marami rin po bang turista ang bumibili rito?”

    “Oo naman, itong bahay na ito ay dinarayo dahil antic na pagkatapos lahat ng ethnic arts ay nandito.”

    Tumango naman si Belle pagkatapos ay nakita ang isang kulay puti na paso na may kasamang sunflower. “Ma’am, binebenta niyo po ba ito?” tanong ni Belle.

    “Hindi, pero gusto mo ba? Ibibigay ko na lang sa iyo.”

    “Naku, bibilhin ko na lang po.”

    “No, it’s okay. Ibibigay ko na lang sa iyo. Sa lahat ng turista na dumalaw dito, ikaw lang ang nagkagusto sa kanya.”

    “Bakit naman po? Eh ang ganda naman?”

    “Ayaw nila kasi puti lang at wala namang art. Napaka simple kumpara sa mga naka display,” tugon nito pagkatapos ay inabot kay Belle ang paso na may sunflower.

    “Salamat po, Ma’am.”

    “Naku, Manang Lani na lamang. Ikaw ba? Anong pangalan mo?”

    “Belle po… salamat po rito. Ibibigay ko po kasi sa boyfriend ko, sabi niya po kasi favorite niya iyan dahil naaalala niya ang mama niya.”

    “Napakabait naman na nobya. Kapag kinasal kayo, dito na lang kayo mag honeymoon ha?!”

    “Naku, malayo pa po iyon! Pero sige po, sigurado iyon.”

    Mula sa loob ng silid, tumagilid si Hugo at nakapa ang kama. Wala si Belle kaya naman bumangon siya. Sa kanyang pagtayo, natagpuan niya ang nakahandang damit kaya napangiti siya. Sinuot niya ito pagkatapos ay inayos lang ang buhok gamit ang kamay. Bago tuluyan na lumabas si Hugo ng kwarto, napatingin siya sa cellphone at nakita ang report mula kay Gael.

    “Sir, panay po ang party ni Ms. Jaica,” mula sa text message ni Gael.

    “Just follow her. Huwag mo siyang pababayaan,” tugon ni Hugo.

    “Sir, where are you? Sabi ni Manang Karing hindi raw po kayo bumalik?”

    “I’m with Belle, we are having a babe time.”

    Mula sa Cebu, napangiti na lang si Gael sa huling reply ng amo. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o kikiligin sa sinabi nito. “He’s madly in love with her. Sana hiding-hindi sila matulad sa pagmamahalan ni Don Vito at Cassandra. At sana si Belle na nga talaga ang nagpapatibok ng puso ni sir. Sana’y tuluyan ng nabura si Sister Myla.”

Sa pagbaba ni Hugo, panay ang tingin niya sa paligid hanggang sa marinig niya ang tawanan ng mga bata. Nakita niya si Belle kasama ang dalawang bata na may hawak na libro.

“Ay, huwag mong gawin biro ang pag-aaral. Alam mo bang iyan ang magiging susi para maabot ang pangarap? Mas mabuti na mag-aral kang maigi para pagtanda mo, wala kang pagsisihan na hindi mo pinagbutihan noon,” wika ni Belle.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon