CHAPTER 63

1.3K 95 15
                                    


CHAPTER 63

NAGDAAN ang bagong taon, walang Franklin Hugo na nagpakita at umuwi sa kanilang tahanan. Ilang linggo na rin magmula tumapak ang buwan ng Enero, hindi nakuhang pumasok ni Belle. No personal message from him, no information from Manang Karing at hindi pa rin nakikita ni Belle si Manong Boyet pati na ang right hand ni Hugo na bumabalik sa bahay.

"Belle, kumain ka na..."

"Babalik pa ba siya?" tanong ni Belle habang nakayakap sa jacket ni Hugo.

Lumapit naman si Jaica at hinimas ang kanyang likuran. "Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit hindi ka na nagsasabi sa akin? Hindi ba't dati-rati'y nagsasabi ka kung may problema kayo? Belle, naging busy lang ako sa posisyon na binigay ni Hugo sa akin—pero may oras pa rin naman ako na pakinggan ka. Alam ko, alam naming lahat na wala pa rin balita kay Hugo kung bakit hindi pa ito bumabalik sa bahay, ni hindi nga rin siya nag-update sa opisina dahil ang palaging nandoon ay ang representative niya. Hindi ko na rin kasi nakikita si Ms. Charm at Gael na bumibisita. Totoo lang, sinusubukan ko rin tawagan si Gael... hindi ko lang din masabi ng diretso sa iyo, pero nagagalak ako na makilala ang right hand ni Hugo. Hindi dahil trabaho niya na protektahan ako pero iyong respeto niya sa akin, iyon ang gustong-gusto ko. Totoo rin na umaasa ako na magustuhan niya ako pero imposible kasi hindi naman pare-pareho ang love story diba? Iba ang sa iyo, iba ang sa akin... kaya kung may bitbit kang problema... sabihin mo sa akin dahil handa akong makinig," wika ni Jaica.

Umiling lang si Belle at pilit na ngumiti. "Nahihirapan lang ako, dahil bakit parang hirap pa rin akong pagkatiwalaan ni Hugo. Buntis ako Jaica, magkakapamilya kami. Pero ni minsan hindi siya nagsabi sa akin kung saan siya pupunta. Lalo na't ngayon na hindi siya nagpaparamdam. Wala rin akong mapala kay Manang Karing dahil isa lang ang sagot niya. Minsan naiisip ko na umalis na lang kasi pakiramdam ko, pinakikisamahan lang ako ni Hugo dahil may gusto siyang—"

"Ano?"

Umiling si Belle at pinunasan ang luha. "Siguro nag-over think lang ako. Sige na, iwan mo na muna ako. Okay lang naman ako, Jai."

"Hindi ka okay. Hindi ganyan ang nakilala kong Belle. Matapang ka, palaban ka. Pero bakit para kang papel na tumiklop magmula nakilala mo si Hugo?"

Ngumiti lang si Belle at hinaplos ang kamay ni Jaica. "Hindi ko rin alam ang sagot dahil hindi ko rin kilala ang sarili ko... sige na, iwan mo na lang muna ako."

Bilang isang kaibigan ni Belle, tumayo na lamang si Jaica upang respetuhin ang sinabi nito. Sa pagsara ng pintuan, bumuntong-hininga si Jaica at dumiretso sa kwarto. Nakita niya ang mga bagong gamit, paper works, company uniform at bagong pormal na litrato. "Bakit kung kailan nabigyan kami ng bagong buhay at oportunidad, bakit doon pa naging komplikado? Bakit parang hindi kami nababagay sa tinatapakan namin ngayon? Bakit hindi pa rin kami masaya ni Belle?"

LINGGO na ang nakalipas ngunit wala pa rin napapalang sagot si Charm at Gael kay Hugo. Nakakulong lamang ito sa loob ng opisina at walang kausap. Kakain lamang ito at iinom ng gamot pero walang kahit anong aksyon para sa El Hombre.

"Don Vito was asking, kung nasaan na si sir? Nagkakaroon na naman ng illegal transactions sa mga pier," wika ni Gael.

"Ito na ang kinatatakutan ko, Gael. Ang pagbabalik ng trauma ni Hugo. Ang pagkamatay ng magulang at ni Myla ay may malaking impact sa buong pagkatao niya. Lalo na't ngayon na wala siyang alam na sagot kung bakit nabuhay si Myla at nagpalit ng ibang identity. Para ano? Para iwasan si sir? Wala siyang alam tungkol sa pagkatao nito. Walang ni isang nakakaalam na si Hugo ang anak ng dating lider ng child trafficking sa Pilipinas. Dahil mismong si Father Sandigo na dating kapwa lider ng El Padres ay hindi nakilala si Franklin. Kaya wala rin akong makuhang ideya kung bakit nagawa ni Sister Myla na iwan nang ganoon si sir at palabasin na siya'y namatay sa trahedya. Ang masama pa nito, naging live in partner niya ang sindikato na bumaboy sa pagkatao ni Ms. Annabelle."

"Paano gagaling si sir, Charm? Buntis si Ms. San Jose. Palagi akong kinukulit ni Manang Karing kung kumusta na si Hugo. Wala naman akong ma-isagot na maayos dahil siguradong mag-aalala siya sa alaga niya."

"Kailangan nating tulungan si Hugo... hindi madali na bumalik ang complex post traumatic stress disorder niya. Dahil kapag nagtuloy-tuloy iyon, baka iwan niya si Annabelle. Ayoko naman na mangyari iyon, dahil malaki rin ang pinagbago ni sir, magmula nakasama niya si Belle."

"Pero si Belle din ay isa sa mga rason kung bakit siya nagkakaganyan. Pareho silang nanggaling sa mapait na nakaraan. Ang kay Annabelle abusive childhood. Si sir naman pwedeng maging bayolente."

Umiinom ng alak habang nakatingin sa computer monitor si Franklin sa mga litrato ni Mylafor at litrato ni Marga. She undergo to a major surgery, from her nose, lips, jawline to forehead. Pero ang hindi magawang makalimutan ni Franklin ang pagmasdan ang mata nito. She may went to a major plastic surgery pero hindi kailanman magbabago na iisa lang ang DNA nito.

"Why did you leave me? Why did you hide? You left me empty handed. I mourned with a fake body, for what Myla? What was the reason why you left me... what was the fucking reason why did you ended up with Joseph? Ano ang meroon sa iyo na kailangan ko pang malaman?"

Tumayo si Hugo hanggang sa mapalingon siya sa malaking litrato ni Belle. "Paano kita haharapin, Belle? You were hurt because of Myla. She abused you. Fuck, I am stuck in the past and present. Hindi ko kayang harapin ka, Belle. I need to fix everything. Hindi ko matanggap... hindi ko matanggap na ang unang babae na minahal ko ay iiwan ako ng walang kadahilanan. And everything is related to each other."

Napatingin si Hugo sa kanyang radyo at sinimulan itong kunin. "Charm, I need you here."

Napabalikwas mula sa kinauupuan si Charm kaya naman dali-dali siyang pumasok sa opisina ni Hugo.

"Sir, what can I do for you?"

"I need you to cooperate. I want to know how Myla survived the huge fire. Who the fuck changed her identity and what was the reason behind. Kailangan kong pumunta ng ibang bansa para malaman lahat ng sagot na ito."

"Sir, but how about our mission in El Mafias?"

"This is part of my mission. Hindi ko alam kung may alam si Myla or kung sinong Marga man siya na related kay Joseph. Please take good care of the laboratory. Ingatan niyo ang warehouse natin habang wala ako. I've deleted my real identity. Lahat nilinis ko."

"But Ms. Belle? How about her? Sir, she's pregnant at umaasa siya na babalikan mo siya."

"How can I face her?! I know how Myla hurt her! She became her foster mom at si Joseph pa ang bumaboy kay Belle. At hindi ko alam kung paano ko haharapin si Belle? Dahil kapag nalaman niya lahat ng ito, sa palagay mo magkakagana siya sa akin? Kailangan ko na munang malaman ang lahat dahil kapag nalaman ito ni Belle at wala akong sagot sa mga tanong niya, baka iwan niya ako... hindi niya basta maiintindihan ang gulo ng buhay ko. She was a victim at kapag nalaman niya na isa akong Mafia boss, siguradong matatakot siya. Kilala lang niya ako bilang... bilang putang ina na city hunter na galit sa mga illegal. Pero iba ang Mafia Boss, Charm. I came from a legitimate Mafia Lord whose business was child trafficking. Gusto kong linisin tigilan na ang lahat kahit alam kong nananalaytay na sa buong pagkatao ko ang pagiging marumi!"

"But if Belle loves you genuinely, maiintindihan ka niya."

Halos mapatalon si Charm nang biglang suntukin ni Hugo ang lamesa. "You follow me!"

"Sir, susunod naman ako. Pero concern lang ako sa kalagayan ng mag-ina mo. Hindi ka na nagpapakita sa kanya, you left her hanging, empty handed or no idea. Do you really love her? Or you are just longing for Sister Myla's love kaya heto at kasama mo si Belle?"

"Who the fuck are you, Charm?! Alagad lang kita at wala kang karapatan na manghimasok sa buhay ko!"

"I know sir... you and Belle have traumatic disorder mula sa magkaibang abuse sa childhood niyo. She is more fragile."

"You know what—you get out! Maiwan ka talaga sa Pilipinas! Be with her at ayaw kong makita o malaman na nakikialam ka sa misyon ko!"

"Pero sir..."

"Get out!"

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now