CHAPTER 2

14.2K 206 16
                                    


   
CHAPTER 2

WALANG gana at napaka tamlay na bumangon ni Belle dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Kumikirot din ang kanyang pagkababae  kaya hindi maintindihan ng dalaga ang kanyang nararamdaman.

Naglakad ng dahan-dahan ang dalaga papasok ng kanyang banyo hanggang sa gumising ang kaluluwa dahil sa malakas na pagbabasag at sigawan.

"Walang hiya ka! Makapal talaga ang pagmumukha mo Joseph! Buong akala kong nagbago ka na! Buong akala ko hindi ka na nagugutom sa laman!"

"No! I changed, Marga! Inakit ako ni Belle! Can't you see? Bumagsak siya sa akin. Putol ang kuha ng CCTV kaya hindi nakita ang katotohanan!"

"Ipakukulong kita! You raped a minor! Hindi kita makilala, Joseph!"

"No, babe... Belle did that on purpose. Natatakot kasi ako na iwan mo ako kaya hindi ko maamin na nilalandi ako ng batang iyon!"

"Joseph, kitang-kita sa CCTV ang ginawa mo! Minolestya mo si Belle!"

Napatakip ng bibig si Belle at hinawakan ang katawan. Para bang nandiri ang dalaga sa kanyang sinapit. Tumakbo papasok si Belle ng kwarto at hindi alam kung paano siya tatakas ng bahay.

"Ahh!"

Isang malakas na tili ang kanyang narinig kaya naman nanginig ang buong katawan ng dalaga at hinatak ang mahabang kuritina. Pinagdikit-dikit niya ito pagkatapos ay itinali sa precast.

"Joseph! Tama na!"

Tila parang demonyo ang pagtingin ni Joseph sa kanyang asawa na si Marga. Pinagsusuntok niya ang katawan nito upang hindi makapagsumbong sa pulisya.

"Tama na! Maawa ka!"

"Papatayin kita! Manahimik ka!"

Pilit pa rin nanlaban si Marga hanggang sa madampot niya ang babasagin at hinampas sa sentido ni Joseph.

Duguan si Joseph kaya naman mas lalo siyang nagalit sa asawa. Dinampot niya ang kapirasong bubog at mahigpit na sinakmal.

"Papatayin kita at aasawahin ko si Belle!"

Napatingin si Marga sa pintuan ni Belle kaya naman nagsisigaw ito ng paulit-ulit. "Belle! Labas! Tumakas ka na!"

Walang pakundangan at tuluyang inatake ng pagsaksak ni Joseph ang asawa. Nagdilim ang paningin nito at parang baboy na kinatay si Marga.

"Maawa ka! Jose—"

Hindi pinatagal ni Joseph ang lahat dahil pinuruhan na niya ito. He stabbed his wife fifteen times to death. Pinunasan ni Joseph ang kamay pagkatapos ay inalis ang suot na t-shirt. Diretsong umakyat si Joseph sa ikalawang baitang ng bahay hanggang sa sipain niya ang pintuan ni Belle.

"Belle, wake up baby girl."

Nanginginig ang paa ni Belle at 'di alam kung tatalon na ba siya ng diretso sa likuran bakod.
"Belle, baby girl. Huwag mo akong paghintayin!" Sigaw ni Joseph hanggang sa mabuksan na nito ang pintuan ng kwarto.

Kumaripas sa pagbaba si Belle hanggang sa mabitiwan niya ang kuritina. Bumagsak man ang likuran niya, hindi pa rin niya ito inalintala. Kahit kumikirot ang likod at balakang nanatili pa rin siya sa patuloy na pagtakbo.

"Belle! Belle!" sigaw ni Joseph nang makita ang ginamit ng dalaga upang tumakas.

Mabilis na tumakbo si Joseph upang hanapin si Belle. Hayok na hayok ito sa laman kaya naman parang pagkain na inilatag ang dalaga at gusto niyang tikman muli.

Umiiyak nang umiiyak si Belle habang tumatakbo sa napakadilim sa kalsada. Duguan ang mga paa gawa ng mga matutulis na batong tumutusok sa kanyang  mga paa

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now