CHAPTER 49

1.4K 83 16
                                    


CHAPTER 49

TUMIGIL ang sasakyan sa tapat ng simbahan at doon tumakbo si Belle. Walang tigil sa pag-iyak ang dalaga. Dito siya nanggaling kaya naman napagdesisyonan niyang tingnan ang paligid.

"Bakit kahit saan ako pumunta parang hindi ako nababagay doon? Ang laki ng pader bago ko siya makilala? Gusto ko lang naman siyang mas makilala pa."

Belle thought that Hugo will not find her pero hindi alam ni Belle na lahat ng sasakyan ng El Hombre ay may tracker. Para bang may kuryente sa binti ng binata nang bumaba siya sa simbahan kung saan nagsimula lahat ng kasamaan ng kanyang ama.

"She's an orphan... bakit hindi ko kaagad iyon naisip? This orphanage is a hell. Buhay pa ba ang mga kaibigan ni dad?"

Tuluyang pumasok si Hugo sa simbahan hanggang sa makita si Belle na nakatayo habang nakatanaw sa orphanage.

"I'm sorry, Belle."

Biglang humarap si Belle kaya naman pinunasan niya ang kanyang pisngi. "I want to move out."

"No, delikado. Huwag ka naman matigas ang ulo, Belle."

"Mas gugustuhin ko na lang na tumira mag-isa kesa ipagsisikan ko ang sarili ko sa iyo. Hindi kita maintindihan. Ano pa ang lahat ng pinakita mo sa akin nu'ng umalis tayo? Pagkatapos ganyan ulit ang ipapakita mo sa akin na may isang malaking bakod dahil ayaw mong sabihin ang tungkol sa mga ginagawa mo?"

"Belle, I'm sorry. Please let's go home, doon tayo mag-usap."

"Ayoko, Hugo. I want to be transparent. Lahat ng tungkol sa akin ay gusto kong sabihin sa 'yo pero bakit ikaw napaka ilap mo? Ano ba ang kinatatakutan mo na malaman ko? Bakit ganoon ka makipag-usap? Dapat ba kitang pagkatiwalaan? Tama ba na sumama ako sa iyo?"

"Let's talk inside my house if you want to know me," pakikiusap ni Hugo at hinawakan ang kamay ni Belle. "Look... I'm sorry, I am not a romantic guy in fairy tale books. I am not a perfect guy, maraming kulang sa akin, my attitude, the way I think, my decision and my life is dark. Hindi biro ang buhay ko, Annabelle. So please, let's go home."

Tumango si Belle at sumunod kay Hugo. Ipinasoot lamang kay Belle ang spare helmet pagkatapos ay dumiretso sila pauwi.

Isang mata ang nakakita sa pag-uusap ni Belle at Hugo. Hindi ito kilala dahil mata lamang ang nakalitaw sa kanya habang pinanonood kung paano umiyak si Belle sa harapan ni Hugo.

"It looks like Vito and Cassandra have the same love story," bulong nito. Ngumiti lamang ito habang natatakpan ng maskara ang mukha.

Pagtapak ng bahay ni Hugo at Belle, isinama ni Hugo si Belle sa loob ng secret room niya.

"I am concerned about our country. Hindi ako public servant katulad ni Vito, na pwede niyang gamitin ang posisyon bilang sundalo para malaman ang mga kalaban sa loob ng gobyerno. I am a private individual who wants to stop the crimes in our country. Walang bayad, walang medalya at walang kahit anong parangal ang makukuha ko rito."

"Kaya ba magkaibigan kayo ni Vito?"

"Hindi. Wala siyang alam tungkol sa akin. Malaki ang negosyo ko, Belle. Real estate and mining are a huge businesses, dagdag pa ang mga alahas, marami ang tinatamaan na tycoons, kalaban sa negosyo kaya hindi basta-basta ang buhay ko. That's why I am protecting you. Dahil kapag nalaman nilang konektado ka sa akin, bilang girlfriend ko. Siguradong idadamay ka nila. Please... I am begging you not to be so stubborn. Hindi ko rin ginusto na mabuhay ng ganito, but this is my promise to my family. To my mom, to my ex," malungkot na sinabi ni Hugo habang nakatingin kay Belle. "They were a victim of syndicates. Kaya pailalim akong kumilos."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now