CHAPTER 53

1.4K 124 21
                                    

CHAPTER 53

IKA-IKA habang nakatingin si Henry sa litrato ng  lumang warehouse bago sumabog. Galit na galit siya dahil hindi man lang niya nalimas ang pera sa loob ng vault bago tinupok ng apoy.

"He killed my loyal guard. Maghihiganti ako kung sino ka man! Hayop ka! Sinira mo ang warehouse ng pamilya namin!" Sigaw ni Henry. Sa sobrang galit niya'y bigla nitong sinipa ang lamesa kaya naman bumagsak si Henry sa sahig.

"Who do you think will do that, Henry?" Mapangasar na tanong ni Joseph.

"Pakiramdam ko na si Hugo ang gumawa nito!"

"Stay here in my office, ako ang kikilos. Look at you, mukhang nilumpo ka ng lalaking hindi natin kilala," wika ni Joseph.

Napairap na lamang si Henry dahil wala naman siyang matakbuhan kung 'di si Joseph lamang.

Patuloy nilang iniimbestigahan ang lalaking gumawa nu'n kay Tonio ngunit wala silang mahanap. Kaya naman napagdesisyonan ni Joseph na magsanib pwersa silang magkapatid.

"Joseph," tawag ni Henry.

"What?"

"Hanapin mo ang babaeng pinatamaan ni Tonio. Malakas ang pakiramdam ko na ang pagsugod sa warehouse ay isang paghihiganti."

"Copy, baka magustohan ko pa ang babaeng iyon."

******

Nalalapit ang pasko, bilanggo at walang ibang makitang tao si Jaica sa loob ng isang silid. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ikinulong sa isang lugar na hindi naman niya alam. Hindi rin siya sinasaktan dahil pagkain at panligo lang ang palaging inaabot sa kanya.

"Sinong baliw ang magdadala sa akin dito? Inip na inip na ako, baka nag-aalala na si Belle?" Saad ni Jaica at sumilip sa bintana.

Napakataas ng paligid at dagat ang ibang nasa paligid. 

Walang kamalay-malay si Jaica na hindi pa rin tumitigil si Gael at Charm sa paghahanap sa kanya. 

From the warehouse, "Watch this out!" Asik ni Hugo kaya tumayo si Charm at Gael upang tingnan ang ipinakita ng amo.

"Our last resort for Jaica is this tower."

"Saan niyo po ito nahanap?"

"The private plane they used. Sa aviation system ako pumunta. Lahat ng mga lumilipad sa eroplano ay nakukuha nilang matrace by signal. And that day and time noong nawala si Jaica, this was the plane that landed here."

"Ako na po ang pupunta for Jaica," prisinta ni Gael kaya naman napatingin Hugo sa kanya at bahagyang namangha.

"Ayaw mo kaming isama?" Tanong ni Charm.

"I was one of the reasons why she was kidnapped. Kaya ako ang magbabalik sa kanya rito."

"Okay bring El Hombre, hihintayin ko kayo pabalik ng opisina ko. I will wait for you and Jaica."

Tumango naman si Gael at dali-daling lumabas upang tipunin ang mga kasamahan. Ihinanda nila ang mataas na kalibre ng baril pati bomba na pwedeng ipanglaban. Para bang nauubusan ng oras si Gael dahil bitbit niya ang konsensya kay Belle na nawawala ang kaibigan nito.

Five hours later, nakarating sila sa isang liblib na lighthouse. Walang nagbabantay kaya naman heto at walang pagod na inakyat ni Gael ang pinakatuktok. As he found out triple ang lock ng pintuan kaya naman pinasabog niya na lang ito.

Napabalikwas si Jaica nang marinig ang pagsabog. Takot na takot ang dalaga hanggang sa makita niya ang pamilyar na mga mata ni Gael.

"Gael!" Tumakbo ang dalaga at hinagkan niya ito.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now