CHAPTER 81

1.4K 127 34
                                    

CHAPTER 81

BANGUNGOT ang nagpagising kay Franklin kaya naman napabalikwas siya mula sa kinauupuan. Napatingin siya sa paligid hanggang sa marinig ang flight attendant. 

Ilang minuto na lamang ay pababa na sila ng Pilipinas. Kinakabahan si Franklin dahil sa muling pagbabalik niya sa bansang ito. Tinanggap niya rin ang imbitasyon mula kay Gael at Jaica para sa kanilang kasal. Pero ang pagpunta niya ay sa reception na lamang dahil last minute nagbago ang isip niya.

After a few minutes, he finally reached the destination. Nakita niya lahat ng dating tauhan. Nabigla siya dahil parang walang nabawasan.

"Si boss!" bulalas ng mga gwardya pagkatapos ay sinalubong siya. 

Pinigilan ni Franklin na maluha dahil nasa maayos na buhay pa rin ang mga dating tauhan.

"Mabuti at nadito pa kayo?" Tanong niya.

"Si sir Gael po ang humawak sa amin."

Nahihiya man si Gael pero kailangan niyang aminin. "From El Hombre Mafia to El Hombre organization. Kasama na po tayo sa mga private sectors sa government kapag may sakuna, at ano pang mga charity," tugon ni Gael.

"Sorry, Frank ha? Pero hindi ko pa rin talaga binitiwan ang Jewelry business mo," sabat naman ni Jaica.

Nagkakamot ng sentido si Franklin pagkatapos ay ngumiti. "Akala ko na kay Vito na? Well anyway, hindi ko naman babawiin iyan sa inyo. Just take good care of my legacy."

Inaya siya sa loob ng reception hanggang sa nagkakatuwaan ang lahat. Lasing na lasing na si Manong Boyet habang kasama si Chino na righthand naman ni Vito.

"Father Frank. Mukhang malakas na ang tama nitong si Manong Boyet," wika ni Chino at ipinasa kay Franklin ang matanda.

Kaagad naman itong sinalo ni Franklin. "I'll bring him inside the car."

Inalalayan ni Franklin ang matanda hanggang sa maihiga ito sa van. Tawa nang tawa ang matanda at kung ano-ano na rin ang sinasabi.

"Manong, mag-aaway na naman kayo ni Manang Karing!"

"Hindi! Masaya ako dahil nakauwi ka na! Marami talaga akong atraso sa iyo, Hijo!"

"Manong matulog ka na."

"Hindi! Wait a minute!" Asik nito pagkatapos hinugot sa kanyang bulsa ang lumang pitaka. Kung ano-ano ang inilalabas nito mula sa resibo, pera hanggang sa isang litrato. "Ito!" sigaw ng matanda pagkatapos ay tinapal sa mukha ni Franklin.

Mukhang maiinis na ang binata sa ginawa ni Manong Boyet ngunit nawala na lamang ito dahil nakita niya ang litrato.  Ilang segundo na natulala si Franklin habang pinagmamasdan ang mukha ni Belle.

"Para saan ba ito? Pinauwi mo ba ako para saktan?" Asar na sinabi ni Franklin sa matanda.

"No! Sssh! Masungit ka, Hijo! Makinig ka muna!"

"She's dead. Matulog ka na."

"She's alive."

Napalunok na lamang si Franklin hanggang sa makita niyang lumuha si Manong Boyet. Umiyak na ito nang umiyak  pagkatapos ay pinaghahampas ang sariling dibdib.

"Patawarin mo ako, Hijo. Buhay na buhay si Belle. Na ipit lang ako sa kagustuhan niya na huwag nang magpakita sa iyo. Tunay siyang nasaktan at ayaw ka nang madamay pa. Pinili niyang magpaka layo-layo."

"Where is she?!" 

"Sagada, you can find her in the pottery."

Biglang lumabas si Franklin at basta na lang kinuha ang sasakyan sa dating gwardya. Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa manibela. Inayos din niya ang mapa para kaagad siyang makapunta. Kahit gabi na ay tinahak pa rin niya ang matarik na kalsada  paakyat sa bundok ng Sagada.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now