CHAPTER 14

9.2K 188 13
                                    

CHAPTER 14

NAGING aligaga si Belle dahil sa dami ng tao sa loob ng bar. Pagod na pagod ang dalaga dahil kaliwa't kanan ang utos sa kanya.

"I'm back!" Salubong ni Jaica.

"Walang hiya! Saan ka galing?!" Bulalas ni Belle at tinapunan ng basahan si Jaica.

"Alam mo ba? Konti na lang magkakajowa na ako ng cano!"

"Sus?! Seryoso ba iyan baka naman parausan ka lang?" Saad ni Donya.

"Eh hindi po! Sigurado ito! Kapag nagkataon, dadalhin niya ako sa Canada!"

Biglang nalungkot ang mga mata ni Belle habang nakatingin sa kanyang kaibigan.

"Hindi ka ba masaya para sa akin?" Tanong ni Jaica.

"Jai, masaya. Pero malungkot kasi kung nagkataon, ako na lang mag-isa. Wala bang kapatid iyan? Iyong blue eyes, maputi, hot tsaka dako?" Malokong sinabi ni Belle.

"Gaga! Lakas mong magsalita ng ganyan pero no match ka naman kanina! Alam mo ba, Jai… in-o-offeran 'yan ng one night stand!" sabat ni Donya.

"Ha?!" Bulalas ni Jaica.

"Ayoko nga!” Asar na tugon ni Belle.

"Ayoko rin baka naman may sakit pa iyan! Delikado kay Belle!" Asik ni Jaica kay Donya.

"Ay bahala kayo! Basta ako ang mabuting loob. Osya na! Aasikasuhin ko lang ang mga kapatid niyo!" Paalam ni Donya upang mapuntahan ang susunod na set of dancers.

Nang maiwan ang dalawang dalaga, sayad pa rin ang mukha ni Belle.

"Huwag ka nang malungkot, promise… makakahanap ka rin ng sa iyo dahil alam ko naman na gusto mo ng mag-asawa," mapangasar na sinabi ni Jaica.

"Wala akong mabungi, masama kasi ang ugali ko. Suplada tsaka maarte. Tsaka hindi ko pa naman pinapangarap na mag-asawa no?! Kailangan ko pang grumraduate ng college."

"Talaga ha? Basta, kapag pinalad ako sa jowa kong ito, hindi pa rin naman kita pababayaan. Magkapatid tayo hindi sa dugo pero sa puso."

Parehong kinilig ang dalawang dalaga at nagyakapan. Papasok na sana sa likuran parte ng entablado si Donya nang harangin siya ng isang lalaki na singkit at maputi.

"Bakit puro singkit ang lumalapit sa akin ngayon gabi?" Bulong ni Donya sa sarili.

"Miss, they said that you are they're boss."

"Oo ako nga."

Bahagyang yumuko si Gael at binulungan si Donya para sa kanyang offer.

"He only needs a companion while drinking. No kissing, no touching and no sex. Gusto lang ng kainuman for twenty-five thousand pesos."

"Really?! Teka i-hahanap kita!"

"No—no. I want that girl." Tinuro niya si Belle kaya naman napangiti si Donya.

"Sige, d'yaan ka lang pogi! Siguradong papayag ito! Basta huwag hahalikan ha?!"

"Opo."

Nagmadaling tumakbo si Donya papunta sa pwesto ni Jaica at Belle.

    “Belle!” Isang malakas na sigaw mula kay Donya. 

    Agad binitiwan ng dalaga ang hawak na tray at lumapit sa kanyang boss.

    “Ano po iyon, Donya? May problema po ba?”

    Tumaas ang kilay ni Donya at ang nguso nito na ginamit panturo sa ikalawang baitang ng bar.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon