CHAPTER 13

8.6K 167 17
                                    

CHAPTER 13

UMIKOT at nahulog sa sahig si Belle dahil sa sobrang likot niyang matulog. Bumagsak ang likuran niya kaya naman mas dumami pa ang sakit niya sa katawan.

"Pambihira! Hay naku naman! Saan kaya ko kukuha ng dalawang libo? Wala akong uniform? Hindi pa ako nakautang kagabi!"

Nagkakamot ng ulo si Belle at dinampot ang kanyang damit. Kakapalan niya muli ang mukha para makapasok ng paaralan kahit na pagalitan pa siya ng paulit-ulit.

"Sana talaga may milagro at magkaroon ng pera sa wallet ko!" Bulalas ng dalaga habang siya'y naliligo.

Ilang minuto ang nakalipas, nakapag-ayos at bubuhatin na lamang ni Belle ang kanyang bag nang bigla niyang kalkalin ang pitaka.

"Oh my! Oh my gosh!" Tili niya nang makita ang limang libong pera. "May milagro nga?! Totoo ang milagro!"

Kahit masakit ang kanyang mga paa, kumaripas sa paglalakad si Belle upang makabili ng kanyang uniporme.

Ang pagmamadali ng dalaga pasakay ng jeep ay nakikita ni Hugo. Panay ang sunod ng binata kaya naman hanggang paaralan ay nandoon din ito.

"Sawakas naman at nakakapag-uniform ka na," giit ng school librarian.

"Naman! Tatlong pares na ang bibilhin ko!"

Parang estudyante ang dating ni Hugo dahil sa puting polo na kanyang suot. Panay ang libot ng binata sa paaralan hanggang sa mapansin niya ang dalawang binata na nakita nitong nanggulo sa bar kagabi.

Nagmadaling maglakad si Hugo at sumunod sa likod ng Chapel. Doon niya nakita ang ilang tambay na kabataan. Naamoy ni Hugo ang usok at hindi siya nagkakamali na iba ang sigarilyo na ginagamit nila.

Hugo took a picture and immediately sent it to Gael.

"Report these college students."

Mabilis lamang ang reply ni Gael. "Sir, mga anak po sila ng may-ari ng school."

"I don't fucking care. Report it now! Let us see if they will make an action. Kung hindi, madali lang ipasara ang paaralan na ito!"

Para bag nabingi si Gael sa galit ni Hugo lalong catholic school pa ito. Sumagi sa isip ni Hugo ang nakaraan laban sa kanyang magulang. Iniisip niya kung paano nagawang pinagtaksilan ng sariling ama at ina ang bansa. Ang magulang lamang niya ang nagsimula ng ganitong kalakaran sa mga ampunan kaya malaki ang epekto kay Hugo na makita ang mga paslit na ginagamit ng sindikato para lamang makapagnakaw.

Habang naglalakad si Hugo. Halos lamunin siya ng malaking puno dahil sa pagtatago nang makita si Belle na naglalakad. Nakangiti lamang ito at kumakain ng ice cream. Umupo ang dalaga sa covered courts at pasimpleng lumapit si Hugo. He put on his earpods into his ears.

"Hay, hulog ng langit. Lord, baka naman next time boyfriend na ang ibigay mo sa akin?" Saad ni Belle.

Nagsitaasan ang balahibo ni Hugo nang marinig ang boses ni Belle. Para bang umagos sa dugo niya ang malambing nitong pananalita.

Hindi nagtagal si Hugo at umalis din siya ng paaralan. Muli niyang kinuha ang cellphone at doon ay tinawagan si Jamie.

"Jam, please buy me some bouquet of flowers. I will text you the address."

"Ah-eh, copy po," pautal na tugon ni Jamie.

**

"BAKIT kailangan mong magtago?!" Isang dagundong na parang kulog ang narinig ng lahat nang makita nila kung paano magalit si Henry habang kausap ang ama.

"Of course?! Papatayin ako ni Vito! Pati ang mama mo!"

"She's not my mom! Nanay 'yan ni Joseph!"

"You son of a bitch! Kailangan kong magtago dahil natuklasan na nila ang baho ko! Bakit ikaw? Nagtatago ka pa rin hanggang ngayon? Maliit na sindikato ka pa rin at iyan pa rin ang negosyo mo! Kaya ka nahigitan ng Black Umbrella dahil magaling si Tobias at Russ!"

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum