CHAPTER 21

1.6K 94 13
                                    

CHAPTER 21

PAGDATING sa bahay,  nagulat ang katulong ni Hugo nang makita ang itsura ni Belle. Nanginginig ito sa sobrang lamig lalong napakadungis. 

“Manang, dress her up,” maikling sinabi ni Hugo at diretsong pumasok ng kwarto.

Lumapit naman ang katulong kay Belle at inabot pa ng isang kasambahay ang damit para sa kanya.

“Halika at tutulungan na kitang magpalit ng damit,” pag prisinta nito.

“Naku, hindi na po. Okay lang ako.”

Nagmadaling tumakbo si Belle papasok sa kwarto na una niyang tinuluyan. Basta na lamang siyang naghubad dahil sa makating pakiramdam.

Her innocent body showed up in front of Hugo. Hindi niya naisara agad ang transparent wall at kitang-kita niya ang hubad nitong katawan. 

Tila humupa ng paunti-unti ang galit ng binata hanggang sa nagsuot siya ng maayos na damit. He closed the wall, including his eyes. Ilang beses niyang kinalma ang sarili hanggang sa bumangon na lang ito. 

Sa paglabas ng silid, suaqmalubong sa kanya si Manang Karing. “Kumusta ka? Balita ko at may tama ang braso mo? Kumain ka na ba, hijo?”

“Okay lang po ako, Manang.”

“Anong gusto mong pagkain? Tsaka bakit pala ang dumi ni Belle?”

“Ewan ko sa kanya.”

Biglang ngumiti si Manang Karing pagkatapos niyang makita ang gwapong mukha ng alaga. “Sige na at ipagluluto kita.”

“Ako na lang po ang bahala. Magpahinga na po kayo.”

“Sigurado ka ba?”

“Yeah.”

Dumiretso si Hugo sa kusina at kung ano lang ang madampot na pagkain, iyon ang niluto. 

Mula sa loob ng kwarto, sumilip si Belle sa paligid dahil buong akala niyang wala ng tao. Dahan-dahan lumabas si Belle ng kwarto at pasimpleng naglakad papunta sa kusina.

“Ano ba naman meron sa t’yan ko at laging nagugutom?”

Belle decided to sneak a food to Hugo’s kitchen pero sa pagkakataon na ito, muling nagkamali ang dalaga.

“Ay Mayor!” Bulalas ni Belle at na itapon kay Hugo ang sabaw na papalapit pa lang niyang higupin.

“You are such a disaster!” Singhal ni Hugo sa kanya.

Biglang lumapit si Belle at basta na lang dinampot ang tissue para punasan ang bibig ni Hugo.

“I’m sorry! I’m sorry! Hindi ko sinasadya!” Mangiyak-ngiyak na sinabi ng dalaga dahil namula ang balat ni Hugo. Sa sobrang panic ni Belle, she even wiped his breast part going to his tummy.

Hugo felt weird, so he decided to push her. “Stop. I’m not a kid, I can wipe it. Thanks.”

“Sorry, hindi ko talaga sinasadya. Nabigla rin kasi ako sa biglang paglabas mo,” hindi mapakali si Belle at paulit-ulit na kinagat ang ibabang labi habang nakatingin kay Hugo.

“Damn, stop bitt—nevermind,” masungit na sinabi ni Hugo at iniwan lamang si Belle sa kusina.

Hindi nagpatinag ang dalaga at sumunod muli sa binata papunta sa kwarto nito.

“What, Ms. San Jose?!” Bulalas ni Hugo dahil lumusot si Belle at nauna pang nakapasok sa kanya.

“Sorry! Hindi ko naman kasi talaga sinasadya. Pati iyong murahin kita kanina. Nakakapikon ka kasi, imagine naghintay at nagutom ako tapos makikita pa kita mukhang bagong gising tsaka may muta pa sa mata, tapos tatalsikan mo ako ng putik. Kaya na bwisit na ako sa iyo. Hindi ko naman kasi gusto na hindi ka respetuhin, pasensya na talaga,” dire-diretsong sinabi ni Belle pagkatapos ay yumuko.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now