CHAPTER 58

1.6K 119 19
                                    

CHAPTER 58

“Sir, hindi mo muna kailangan umuwi. We can still wait to celebrate your birthday.”

“But Belle is waiting for me, magtataka siya kung bakit hindi ako makakauwi.”

“Sir! Sir!”

Natigil sa pag-uusap si Manong Boyet at Franklin nang biglang dumating ang isang gwardya na hingal na hingal.

“What’s the problem?” tanong ni Franklin.

“Sir! Nasalisihan po ang mansyon! Maraming sugatan!”

“Sir, we sent our men to your house! Walang nagawa ang mga Pulis!” Sigaw ng mga tauhan ni Franklin.

“Belle!” Bulalas ni Franklin at biglang tumayo kahit na hindi pa tapos ang pagkakatahi ng kanyang likuran.

“Sir! I can manage this! Pagalingin niyo ang sugat!” wika ni Gael.

“Get out, fucker!” Sigaw ni Franklin at tuluyang tumayo upang kunin ang mataas na kalibre ng baril. Walang pakialam kahit na pigilan pa siya ni Gael. Tumutulo pa ang bagong tahi na sugat.

“Manang Karing is injured! Hindi nila mahanap si Belle!” Bulalas ng isang gwardya kaya naman mas lalong nag-init ang tainga ni Franklin.

“Sana hindi mo na pinarinig kay sir, dahil siguradong hindi magpapaawat iyon!” sigaw ni Charm sa gwardya na nagtimbre sa kanila.

Wala silang nagawa kung ‘di sugurin ang nagliliyab na paligid ng bahay niya  Basta na lamang ibinalandra ni Franklin ang kanyang motor at sumugod papasok. As he found out, napaka gulo ng bahay, ang hinandang pagkain at mga regalo ay nagkalat lalo na ang dugo sa paligid.

Gigil na gigil si Franklin dahil basta na lang iniwan ng sira-sira ang bahay. His room is locked kaya sigurado naman siyang walang mawawala sa kanyang mga gamit.

Ang litrato niya ay nagkalat dahil mukhang pinagdiskitahan ito ng kalaban. Naglakad pang muli si Franklin at hanggang sa makita niya si Manang Karing na nasa hagdanan ng septic tank.

“Manang!” Sigaw ni Franklin.

“Hijo! Belle is here! Hindi ko siya mailigtas! Dumaan ako sa ibang lagusan para magtago habang si Jaica at ilang katulong ay nasa basement!” Sigaw ni Manang Karing kaya naman heto at mabilis na umakyat si Franklin. Hindi niya ininda ang sugat sa likuran at tumalon upang makita si Belle. He opened his waterproof flashlight hanggang sa makita si Belle na walang malay.

“Belle! Belle! Wake up, please don’t leave me,” his words were like knives. Naririnig ito ni Manang Karing na parang hinihiwa ng pira-piraso ang puso niya habang sinasalba ni Franklin ang nobya.

As he finally let her down on the flooring, he immediately did CPR. Panay ang pagbibigay hangin kay Belle upang magising.

“Belle! Wake up! Please! Wake up!” Sigaw ni Franklin at hindi pa rin tinigilan ang nobya hanggang sa bumuga si Belle ng tubig.

“Frank!” She screamed from death.

“Belle, I’m sorry! Belle.”

“Hmm, ahh,” mahinang ungol ni Belle hanggang sa maramdaman niya ang mainit na likido na umagos mula sa kanyang pagkababae. It was blood coming inside her.  “Our baby!” Sigaw ni Belle habang nakatingin kay Franklin.

Kahit makirot ang likuran ni Franklin, he managed to lift her up hanggang sa ma-itakbo sa ambulansya na sumalubong sa kanila.

Few minutes later, payapang nakahiga si Belle sa ward habang si Franklin na matigas ang ulo at nakaupo pa rin sa tabi ni Belle. Si Manong Boyet mismo ang patago na gumamot sa kanyang sugat. Belle is still sleeping due to medicine. Labis din ang pagkakahilo niya kaya naman walang lakas si Belle na bumangon.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon