CHAPTER 41

1.9K 125 27
                                    

CHAPTER 41

No official relationship, pero pakiramdam ni Belle na silang dalawa lang ni Hugo ang nasa mundo. She is like a princess, the way he treats her. Lahat ibinibigay iyon lang huwag lang siyang magkakamali.

"Bakit seryoso ka ulit? Tanong ni Belle habang nakasawsaw ang dalawang paa sa pool at si Hugo naman na nakababad ang buong katawan sa pool.

"Why do people betray their love once or their masters?"

"Kasi may hidden agenda. Iyon lang naman. If you have conscience and kindness, hindi mo magagawang pagtaksilan ang mga taong alam mong wala naman ginagawa sa iyo."

"Kaya hindi mo ako nilason kasi mahal mo ako?"

Hindi nakakibo si Belle dahil nahiya siya sa sinabi ni Hugo.

"No… I'm not teasing you. I'm not mad, baka ma-misunderstood mo," buong loob na sinabi ni Hugo at binuhat si Belle para sumama sa kanya.

"Ang lamig!" Tili niya.

"Hug me again para uminit."

Ngumisi si Belle kaya tumawa si Hugo. "I saw it! You smiled!" Bulalas ni Belle.

"So? Ngumingiti naman ako?"

"Nope… madalas ngising aso ka. Never kang ngumiti na kasama ang mga mata mo. Sus crush mo talaga ako!" Lakas loob na sinabi ni Belle.

"Confidence overload, Ms. San Jose."

"Iyon na lang ang meroon sa akin. Huwag mo ng harangin," asar na sinabi ni Belle at hindi naiwasan na irapan si Hugo.

"You look hot when you roll your eyes."

Nagdikit ang kilay ni Belle at doon niya napansin na napakalalim pala ng pool.

"How can I swim? Ang lalim pala nito?! Wala bang pang bata lang ha?"

Umiling si Hugo at naglakad papunta sa dulo ng infinity pool habang buhat-buhat si Belle.

"Look at the dark clouds."

"Madilim walang moon, wala rin stars. Sayang," panghihinayang ni Belle pagkatapos ay yumuko para subukan lumangoy.

"Wait, baka malunod ka!"

"How can I learn if I will not take risks? Parang pakikipagkilala ko lang sa iyo. I risked it, even if I get drowned by your mysterious attitude."

Tumawa si Hugo pagkatapos ay binitawan si Belle.

"Ang lalim! Help!" Bulalas ng dalaga hanggang sa sumabit ito sa pader ng pool. "Alam mo! Sweet ka na kanina! Tapos biglang mawawala! Pinagtitripan mo ba ako dahil nag confess ako ng feelings sa iyo ha?"

"I just love it when you get mad at me. I'm sorry again."

"Ewan ko sa iy—"

Hindi natuloy ni Belle ang pagsasalita nang magulat siya sa biglang pagsabog at umilaw ang kalangitan. Napatingala ang dalaga nang makita ang sunod-sunod na fireworks sa ulap. 

From her side, Hugo is watching her. "Her eyes, I can't deny. I love this woman in front of me. Is it normal to fall in love so fast? Iyong gabi na makita ko siyang pigilan ang iyak para lamang makuha ang gusto ko sa kanya, that was the day I started to change myself into a better man. I wanna try to be a gentleman. I am harsh, I always say foul words, I don't fucking care about someone's feelings. All I care about is what I say. But Manang Karing enlightened me. She's right, iba't iba ang ugali ng babae. Belle is fragile. I need to take good care of her even if I don't have an assurance to be still alive and be by her side after this Mafia war. I will make a promise again to myself. Babalik at babalik akong buhay para kay Belle. Even if it takes a mountain to climb on,  I will always come home to be with her.”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon