CHAPTER 74

1.2K 93 9
                                    

CHAPTER 74

KINABUKASAN papasok nang private room ni Jacob si Vito ngunit isang doktor na hindi kilala ang kanyang nakasalubong.

“Ah, wait… you are?”

“Ah…D—Doctor Agustin!”

Kunot noo si Vito hanggang sa tinalikuran na lamang niya ito. Papalapit nang papalapit ang kanyang mga paa hanggang sa mapansin niyang mangisay si Jacob.

“General!” Sigaw ni Vito hanggang sa mapansin niya na may kalat ng injection sa ilalim ng kama. Kaagad niyang nakita ang dextrose at hinugot ito sa dating heneral.

“Emergency! Emergency!” Sigaw ni Don Vito kaya naman naglapitan ang mga nurses at Doctor. 

“Bakit sir?!” Pagpapanic ni Chino.

“Someone entered his room! Pekeng doktor iyon! Sige at bantayan mo si Gen!”

Mabilis na tumakbo si Vito upang tumawag ng backup kay Franklin bilang respeto sa El Mafias under their contract.

“Vito? I’m heading to my El Hombre, napatawag ka?”

“Emergency! May gustong pumatay kay Jacob. Bigla siyang nangisay at alam kong may kinalaman ang doktor na nakasalubong ko.”

“Okay! Copy, thank you for notifying me!”

Dali-daling nag-iwan ng mensahe si Franklin kay Manang Karing na huwag panoorin ng telebisyon at hindi maka-access ng network si Belle upang hindi niya malaman ang isisiwalat niyang balita laban kay Joaquin.

“Charm, get ready. Even you, Gael. Please protect, Jaica,” paalala ni Franklin sa isang conference call.

“Duly noted, sir!” Tugon ni Charm.

“Yes sir!”

Mabilis na tinrabaho ni Charm na ikalat sa media ang naging imbestigasyon nila laban kay Joaquin. Ang pagpapainom nito ng ilegal na abortion drugs kay Belle. Naghihintay lamang si Charm sa harapan ng monitor hanggang sa sumagot ang kanilang mga kasamahan na nakapasok sa system ng media.

“Presidential candidate Jacob ay mukhang namimiligro dahil sa kanyang anak? His son Joaquin, kidnapped the fiance of the business tycoon Franklin Hugo. Ayon sa imbestigasyon, si Joaquin ang dahilan kung bakit nalaglag ang anak ni Franklin Hugo at kanyang nobya dahil sa pagpapainom nito  ng illegal abortion drugs na hindi kailanman matatagpuan sa Pilipinas. Abangan ang iba pang detalye sa news patrol.”

Humalakhak ng husto si Gael pati si Charm habang sila ay magkausap sa telepono.

“Let’s see kung makakalabas pa iyan ng bahay,” mayabang na sinabi ni Charm.

“I guess no. Mahahamugan siya. Batang-bata pa siya para gumawa nang katarantaduhan.”

“Fine, be ready, siguradong maraming reporters mamaya sa event center,” babala ni Charm kay Gael.

“Okay, you too. Be careful!”

Walang nagawa si Joaquin kung ‘di sumigaw dahil sa mga kumalat na balita. Hinalungkat ang naging kaso niya sa pagpupuslit ng droga sa paliparan ng Italia kasama pa ang rehab case niya noon. 

“Who the fuck investigated this shit! Hindi dapat ito lumabas!” Sigaw niya pagkatapos ay pinagbabagsak lahat ng gamit sa paligid.

“Sir! Sir!” Sigaw ng babae niyang alagad.

“What the fuck do you want?!”

“Sir, mission failed to kill your father. Hindi po nagawa dahil dumating si Don Vito.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now