CHAPTER 65

1.3K 110 22
                                    

    CHAPTER 65

    KABA ang nasa dibdib ni Charm habang kaharap ang apat na gwardya na nagbabantay kay Belle.

    “Saan ko hahanapin si Ms. San Jose?! Nakakasiguro ba kayo na kasama niya si Joaquin ha?! Alam niyong unang bilin ni sir Hugo na huwag niyo siyang padidikitin kay Joaquin!”

“Ma’am pero nagalit Ms. San Jose sa amin. Tsaka anak naman po siya ni General Jacob.”

“Magdadahilan ka pa! Walang tiwala si Mr. Frank kay Joaquin dahil alam niyo naman ang background niya. He was an addict back then. At hindi tayo nakakasiguro kung lehitimo na siyang nagbago!"

Napatigil si Charm nang bigla niyang marinig ang tunog ng cellphone. Halos lumundag din ang puso niya dahil si Hugo ang tumatawag.

"Sir, magandang gabi po."

"How's Belle?"

"She's fine sir."

"Bakit hindi ako maka-access sa IP address? I can't watch her on my CCTV?"

"Ah, opo. Ako rin. Nasira po kasi ang connection ng IP kaya po inaayos pa. As soon as maging okay, sasabihan po kita."

"Okay. I put my trust in you, sa 'yo ko ipagbibilin si Belle. Sa ngayon, I need to find answers. Ayokong  humarap kay Belle nang walang isasagot sa kanya.  Alam kong walang pasabi lahat ng naging hakbang ko dahil ayokong mas mag-alala siya."

"Copy sir."

"Babalik kaagad ako once I'll find answers. Huwag kang magsasabi kay Manang Karing. And please, take good care of Jaica. She's my luck in business, my brothers likes her. Magaling si Jaica at gusto ko siyang alagaan at pag-aralin. She's an asset to my company. And please, huwag niyo siyang paharapin sa mga event na may mga media o kung meroon man, make sure ayusan niyo siya. Hindi siya pwedeng makilala ng nga sindikato, dapat maunahan muna natin sila na mapatay bago ang lahat."

"Copy sir. About kay Mr. Lee, nakuha na namin ang negosyo niya sa Pilipinas. Ang hinahanap na lang namin ang negosyo niya sa ibang bansa. Napaka yaman niyang sindikato. Halos lahat ng mga sindikato sa ibang bansa ay may shared stocks siya sa business. Please take good care sir, alam niyo naman pong pati international mobsters kalaban niyo."

"Yes. Thank you, Charm. I need to hang up."

Para bang mas dumagdag ang tinik sa lalamunan ni Charm dahil hindi pa rin niyang mahanap si Belle. Gusto niyang suntukin ang mga gwardya na nagbabanatay kay Belle sa paaralan pero hindi rin niya magawa dahil kalahati nito’y kapabayaan din niya.

“Halika! Samahan niyo ako sa bahay ni Mr. Jacob. Kailangan kong makausap si Joaquin!”

Kahit gabing-gabi na’y dumiretso pa rin si Charm sa bahay ni Mr. Jacob. Pinapasok  naman siya nito sa bahay kaya naman nagsimulang magsalita si Charm.

“What brings you here? Masyado ng gabi?”

“Sir, wala ng paligoy-ligoy pa. I need to see Ms. Annabelle. Kasama po siya ng anak mo.”

“What? Kung kasama naman niya, ibabalik naman niya si Belle.”

“No sir, nakikiusap po ako. Kailangan kong makausap ang anak niyo. Ayoko pong mawalan ng trabaho. Mr. Hugo doesn’t know about this. Siguradong magagalit siya.”

“Hindi niya kailangan pagselosan ang anak ko.”

Hindi napigilan ni Charm na umirap sa hangin. “Sir, please. I need to talk to him right now.”

Tumango na lang si Jacob pagkatapos ay kinuha ang kanyang cellphone. He dialed his number at sinet ito as loud speaker para naman marinig ni Charm.

“Dad?”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now