CHAPTER 19

1.6K 74 12
                                    

CHAPTER 19

 HINDI pa rin mawala-wala sa parte ng katawan ni Allan  ang labis na sakit dahil sa pagkakabaril niya mula sa hindi kilalang lalaki.

“Bilisan mong kumilos, Allan! Napaka tanga mo naman kasi at hindi ka man lang naglagay ng maraming tao sa itaas ng gusali!” Bulalas ni Joseph habang naglalakad sila papasok sa pier one.

“Sir, hindi ko rin talaga inaasahan na may tao roon.”

“Well, hindi ko rin inaasahan na tanga ka. Dalian mo! Dahil inip na inip na akong makita ang bago nating pagkukunan ng pera!”

“Yes, sir… kailangan natin maunahan si  Henry.”

“Tanga ang kapatid ko, nagpapakaduwag pa rin kaya nagtatago tulad ng tatay ko,” tugon ni Joseph.

Tumuloy sa paglalakad si Joseph hanggang sa makasakay na ito loob ng cargo ship.

Laking gulat ito ni Joseph nang makita niya si Henry habang nakikipagkamay sa kanyang kasosyo.

“Henry!” Masaya niyang pagbati ngunit sa likod ng matamis na ngiti ay gusto na niyang kitilin ang buhay ng kapatid.

“Hey!” Halatang nagulat si Henry dahil hindi niya alam na nandito rin ang kapatid.

“What brings you here? Buong akala kong nagtatago ka pa rin sa ilalim ng saya?”

Umigting ang panga ni Henry at bigla niyang tinutukan ng baril ang kapatid.

“Whoa! Whoa! Chill brother! Magagalit si Mr. Lee.”

“What are you thinking?! Do not ruin my party!” Bulalas ni Mr. Lee.

“I’m sorry, he was just a cry baby. Let’s enjoy the bidding,” Saad ni Joseph at naunang maglakad.

Kung titingnan sa labas, isang ordinaryo at lumang barko ang kaayusan nito. Pero hindi alam ng nakakarami na isa itong luxury cargo ship lulan ang baril, droga, pekeng mga alahas na ginagamit upang ipuslit ang droga at mga babaeng sinasama sa bidding upang ibenta sa mayayamang banyaga.

Sa pagpasok nila sa loob. Napakaingay ng mga kalalakihan dahil sa mga babaeng akala mo’y sinabit at hayop kung ibenta. Ang iba ay labag sa kanilang loob at ang karamihan ay kinidnap lamang ng mga sindikato.

“So why are you here, Henry? Kumikilos ka na ba para naman ba kumita rin ang small time business smo?”

“Do not fucking underestimate me, Joseph. Kaya kitang patayin.”

“Come on! Alam kong hindi mo iyan kaya dahil ngayon, ang minamaliit mo ay mas malaki na sa iyo ngayon. I can step down your face right now, nakakahiya lang kay Mr. Lee.”

Nagpipigil ng galit si Henry at tiningnan na lamang ang mga kababaihan na binebenta sa kanilang harapan.

Mula sa isang mataas na gusali. Hawak-hawak ni Hugo ang sniper gun habang nakadapa. Pinanonood niya ang kaganapan sa nalaman nilang cargo ship na nagtatago upang hindi mapaghalataan na isa itong ilegal.

“Sir, our brothers are coming.”

“Okay be careful.” naging tugon niya kay Gael.

Tinatanaw at inaalam ni Hugo kung saan parte nagmamaneho ang kapitan ng barko. Para bang nililibot niya ang buong paligid gamit lamang ang binocular.

“Gotcha!”

With his eagle eye, Hugo is focus to shoot the target. Isang matandang kapitan na ninigarilyo ang kailangan niyang pigilan bago tuluyan silang makalaot.

“Three, two one,” bulong ni Hugo.

With just one click, bumulagta ang matandang kapitan kaya kitang-kita ni Hugo ang labis na pagkakagulo sa loob ng barko.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now