CHAPTER 6

10.7K 160 1
                                    

CHAPTER 6

KUHANG-KUHA at naisahan ni Belle ang dalawang lalaki na tumingin sa isang matandang nakasuot ng kulay asul. Kumaripas sa pagtakbo si Belle habang bitbit ang leather bag na ito. Mabilis na pumunta si Belle sa lugar kung saan sila magkikita ni Jaica. 

Nanginginig ang tuhod ni Belle dahil sigurado siyang ilang milyong piso ang hawak niya.

"Belle! Belle! May nakuha akong cellphone, itatago ko!"

"Jai! Tingnan mo ito!"

Kaagad sumilip si Jaica at doon nakita ang limpak-limpak na salapi.

"Saan mo nakuha iyan?"

"Sa gwapong lalaki. Tumakas na kaya tayo? May pera na tayo—"

Natigil sa pagsasalita si Belle nang makita niya ang gwardya na papalapit sa kanila.

"Belle? Jaica, oras na!"

Tumabi si Jaica kay Belle pagkatapos ay tinago nila sa likuran ang leather black bag.

"Teka? Ano iyan?!"

"Huwag!" Sigaw ni Belle nang magsimulang hatakin sa kanya ang bag.

"Asan na?!"

Muling hinablot at nasubsob ang dalawa sa semento.

"Putang ina! Ang daming pera!" Bulalas nito kaya naman kaagad niyang sinenyasan ang kasama upang hatakin ang dalawang bata papunta sa truck kung saan sila isinakay.

Para bang kinaladkad na pusa ang dalawang babae at basta na lang initsa sa loob.

"Masisiyahan sila Boss! Kung kanino man ito, siguradong  matutuwa si Sir Henry!"

Nanlambot ang binti ni Belle nang makuha sa kanila ang perang ninakaw. Galit na galit ang dalaga dahil hindi nila nakuhang isahan ang gwardya.

Pagdating sa warehouse, tinulak ang dalawang dalaga sa harapan ni Henry. 

"Sir! Big fish!" Bulalas ni Tonio at inilapag sa harapan ni Henry ang pera.

"What?! Kanino galing ito?!"

"Sagot!" Sigaw ni Tonio.

"Nakita ko lang sa gwapong lalaki doon sa Casino," mahinang sagot ni Belle.

"Gwapo? You like the man you saw?"

"Gago ka ba? Pera ng ninanakaw ko hindi pagtingin sa kunsino!" Sigaw ni Belle.

Tumawa ng napakalakas ni Henry at inilabas ang limpak-limpak na salapi. Paisa-isa niya itong binilang hanggang sa bumulaga sa kanya ang limang milyong piso.

"Both of you, will eat whatever you want. Pagkatapos, magnanakaw kayo ulit."

"Na naman? Mahuhuli na kami!" Reklamo ni Jaica.

Mariin na sinakmal ni Henry ang mukha ni Jaica kaya naman na alarma si Belle.

"Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko!"

Ngumisi si Henry at tumingin kay Belle. "Kung hindi mo lang kaibigan si Belle at hindi ka nakakuha ng ganitong pera, baka pinatay na kita. Masyado ka nang suwail, Jaica!" Asik ni Henry at pabalang na binitawan ang kanyang mukha.

Pinalabas ang dalawang dalaga at dinala sa kusina kung saan nakahapag ang masasarap na pagkain. Hindi nila makuhang kainin ang nasa lamesa dahil ang gusto nila ay ang tunay na kalayaan.

"Nanghihinayang ako. Sana hindi ko na lang ninakaw kay pogi," bulong ni Belle kay Jaica pagkatapos ay tinusok ng tinidor ang manok.

"Hayaan mo na. Baka sakaling magkita kayo ng lalaking iyon, pwede ka niyang tulungan."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now