CHAPTER 33

1.9K 104 22
                                    

CHAPTER 33

Paglabas ng banyo ni Belle, nakita na lang niya si Hugo na nakahiga.  Ayaw na sana niyang tumabi pero tinawag siya ni Hugo.

"Come here?"

"Dito na lang ako."

"Okay."

Inirapan at tinulugan lamang siya ni Hugo. Nanatili namang nakahiga si Belle sa couch hanggang sa maramdaman niya ang labis na antok.

Kinabukasan, sabay-sabay silang kumain pero wala pa rin sa tamang timpla si Belle. She wants to celebrate her birthday, magsaya kasama si Jaica at Donya pero hindi naman niya magawa.

Kung ano-ano ang pinag-uusapan ng lahat hanggang sa tawagin ni Jacob ang pangalan niya.

"Ms. San Jose."

"Ah, yes po?"

"You know what, my son is taking up his second course at Madrigal?"

"Son?" Sabat ni Hugo.

"Si Joaquin po?" Tanong ni Belle.

"Yes! Nagulat nga ako dahil nagbagong buhay na. Sa katunayan, hindi ko siya kasundo. Laking ibang bansa siya at doon na rin nagtagal ang pamumuhay sa rehab," pagtatapat ni Jacob.

"So your son was a drug addict?" Tanong ni Hugo.

"Yes. Kasalanan ko naman dahil napabayaan ko siya. But now, I am happy that he wants to make his life better. And I am glad na magkikita kayo sa Madrigal, palagi ka niyang kinukwento sa akin kung kailan ka raw pwedeng makita ulit."

"Talaga po? Pwede naman po! Lalong doon na ako mag-aaral!"

"Madrigal is one of the prestige schools in Philippines kaya maswerte ka kung doon ka rin makapagtapos, Belle," sabat naman ni Cassandra.

Napansin ni Vito na naging seryoso at tahimik si Hugo kaya naman hindi rin niya napigilan na makisama sa mga sinasabi ni Jacob.

"You can be friends with Joaquin, Belle—habang kinikilala mo pa ang mga tao sa Madrigal," wika ni Vito.

Ni hindi man lang nag-iwan ng opinyon si Hugo hanggang sa makauwi sila ni Belle o makasakay sila ng sasakyan pabalik ng bahay.

"F—Frank, pwedeng ibaba na lang ako sa Madrigal?"

"For what? Next monday pa naman ang pasok mo?"

"Gusto ko lang maglibot para mafamiliarize ko."

"Baka hanapin mo lang si Joaquin."

"Eh ano naman sa 'yo?"

Biglang napatingin si Hugo dahil narinig pala ni Belle ang sinabi niya. Hindi rin nakasagot ang binata dahil mata sa mata siyang tinititigan ni Belle.

"I can't be a possessive guy. We don't have relationship. Lalong naggagamitan lang naman kami. She can satisfy me, and I can give her material things. Nothing else," bulong ni Hugo.

Parehong walang kibo ang dalawa hanggang sa makarating na sila ng Madrigal University. Ngumiti lang si Belle pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.

Mula sa loob, naiwan lang si Hugo habang mahigpit na nakahawak sa manibela. 

"Fuck."

A few minutes ago, habang tinatahak ni Hugo ang kalsada, nabigla na lamang siya nang marinig ang tawag mula kay Gael.

"Boss."

"Yes?"

"Please, let's meet in the warehouse."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now