CHAPTER 35

1.8K 128 24
                                    

CHAPTER 35

GINABI sa pag-uwi si Jaica dahil sa dami ng cliente na kanilang inasikaso. Walang palya ang dalaga sa pakikipagusap sa mga dumarating na cliente dahil meroon siyang matatanggap na incentive kapag nakakuha siya ng mataas na benta.

"Jaica! Mauna na kami! Ingat ka ha?!" Paalam ng kanyang katrabaho. Tumango naman ang dalaga at nagsimulang maglakad. Panay ang tingin niya sa paligid hanggang sa magtaka ang dalaga dahil wala ang dalawang gwardya ni Hugo na nagbabantay sa kanya.

"Aba? Wala yata akong sundo?" Ngumiti lang si Jaica hanggang sa sumagi sa isip niya ang pagtatalo ni Belle at Hugo. "Ah oo nga pala… split na ang love birds na parehong mataas ang pride."

Nagpatuloy sa paglalakad si Jaica hanggang sa may humarang na dalawang lalaki.

"Oh! Kayo pala! Akala ko bang hindi niyo na ako susu— ah!"

Hindi nagkakamali si Jaica nang makita niya ang ilan pang kalalakihan ang kasunod ng mga ito. Kumaripas sa pagtakbo si Jaica dahil sa limang lalaki na gusto siyang dakpin.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Paulit-ulit niyang sinigaw. Nanghihina ang kanyang binti dahil sa sobrang pagod. Hanggang sa matagpuan niya ang basurahan ng mall. Pilit niyang pinagkasya ang sarili sa mabahong plastik at tinakpan ang sarili.

Pilit na pinipigilan ni Jaica ang hininga dahil ayaw niyang umiyak lalo na't ginapangan ang kanyang mukha ng ipis. Tiniis ng dalaga ang mga insekto na gumapang sa kanya upang hindi siya matagpuan ng mga ito.

"Pambihira! Paano tayo makakakuha ng pera nito? Wala pa sa sampung babae at mga bata ang nakukuha natin!"

"Lagot tayo kay boss! Sayang iyong dalaga kanina!"

"Pre! Pre! Nakuha ko iyong isang empleyado ng mall! Halika na! May mga barangay tanod na rumoronda!"

Muling nagtakbuhan ang mga kalalakihan at nagmadali na sumakay sa kanilang van.

Sa pagkakataon na ito, tumalon si Jaica mula sa itim na plastic bag at pinagpag ang sarili. Ni hindi na nandiri ang dalaga at tumakbo papunta sa lugar na may maraming tao. Nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa takot hanggang sa makuha niya ang cellphone upang tawagan si Belle, ngunit isang pagkakataon ang nagpatigil sa kanya 

"Ms. Jaica! Kanina ka pa namin himahabol!"

Humagulgol at magkabilang hinawakan ni Jaica ang balikat ng gwardya. "Tulungan niyo po ako! Parang awa niyo na!" 

Tila nakaramdam ng kaba ang mga gwardya sa nangyari dahil nahuli lamang sila ng pagsundo sa dalaga at ito na ang sinapit nito.

Diretso silang sumakay ng van at binigyan ng panlinis si Jaica. Hindi pa rin tumitigil ang labis na luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata 

"Ano po ba ang nangyari? Nahuli lang po kami tsaka nakarinig kami ng sigaw."

"Kuya, may mga kasamahan ako sa trabaho na kinidnap. Dumiretso tayo sa pulis!"

"Sige po! Kami na ang bahala!" Buong tapang na sinabi ng gwardya hanggang sa kinuha niya ang cellphone upang hanapin ang mga kopya nila ng CCTV footage sa kalsada malapit sa mall.

Pinanonood nila ang naging kaganapan hanggang sa malaman ng dalawang gwardya na kinuha ng limang kalalakihan ang katrabaho ni Jaica.

Nagkatinginan ang dalawang gwardya ng El Hombre kaya naman mas binilisan nila ang pagmamaneho upang maibalik si Jaica sa dormitory nito.

"Kuya, huwag niyo po akong iiwan."

"Opo, reported na po ito sa Pulisya," pagdadahilan ng gwardya kaya naman tumakbo si Jaica papasok ng dorm upang maligo.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now