CHAPTER 70

1.2K 96 12
                                    

   

    CHAPTER 70

    Tahimik lamang si Belle habang nakaupo sa kabisera kasama na kumakain sila Manang Karing, Manong Boyet, Jaica, Charm at Gael. Hindi pa rin dumating si Franklin dahil sa paalam nitong aayusin ang real estate at napag-iwanan niyang mining company.

    “Mauna na po kayong kumain. Sasabay na lang ako kay Frank.”   

    Tumango lamang sila Jaica, Gael, Charm at Manong Boyet ngunit si Manang Karing na hindi pa rin siya pinapansin. Mabigat man sa loob ni Belle na manatili pero nakiusap si Franklin na aayusin ang lahat. Hindi na rin komportable si Belle na na makasama ang ilang kasambahay na masama ang loob sa kanya. 

    Sa pagtapak ni Belle sa sala, sinalubong siya ng isang gwardya at inaabot ang isang document parcel.

    “Para kanino?”

    “Sa iyo po nakapangalan.”

    “Ah sige…salamat kuya.”

    Nagsimulang maglakad si Belle hanggang sa makapasok siya sa dapat na kwarto ng kanilang anak ni Franklin.

    Umupo si Belle sa sahig at sinimulan buksan ang parcel. Paunti-unti niya itong nabubuksan hanggang sa pumukaw sa kanyang atensyon ang hubad niyang katawan kasama ang lalaking takip ang mukha.

    “Sino ito? Kailan ito?”

    Pinagmasdan niyang maigi litrato hanggang sa maging pamilyar  ang kamay ni Joaquin. Biglang tumayo si Belle upang i-lock ang pintuan upang walang makapasok. She started to dial Joaquin’s number. Panay ang tunog hanggang sa sumagot ito.

    “Joaquin! Walang hiya ka! Wala akong naaalala na nakipagtalik ako sa iyo!” She shouted.

    “Wala? Ikaw ang may gusto niyan at pinapaalala ko lang sa iyo, Belle—na hindi kita pinilit. Sinugod ako ni Franklin dito at ngayon nasa ospital ang tatay ko dahil inatake sa puso!”

    “What? Hindi ko kasalanan iyan! Wala akong naaalala na pumayag ako sa iyo! Ano ba ang gusto mo? Bakit mo ako ginugulo? Hindi ba’t kaibigan kita?!”

    “Kaibigan? Your boyfriend started this fucking game! At ikaw ang na unang kumalantari sa akin! Ngayon na nasa ospital ang tatay ko, hindi pwedeng hindi ako makapaghiganti!”

    “Ano ba ang gusto mo?! Bakit mo pinadala ito sa akin?!”

    “Meet me in Helena street. I will give you the details at doon pag-usapan ang lahat.”

    “Teka! Hi—” hindi natapos sa pagsasalita si Belle dahil binabaan siya ng linya ni Joaquin.

    Nanginginig sa sobrang takot si Belle dahil kapag nalaman ito ni Franklin, siguradong makikipaghiwalay ito sa kanya.

    “Anong gagawin ko? Wala akong maaalala? Wala akong maalala na may nangyari sa amin? Is this a set up? Bakit hindi ko iyon naisip kaagad. Pinaglaruan na naman ako…” lumuhod si Belle at nilukot ang mga litrato.

    Kaaagd tumayo si Belle at naghanap ng pwedeng ipagtapunan nito hanggang sa nakita ang maliit na box at sinimulan niyang punitin. Nanginginig sa sobrang galit si Belle dahil hindi siya makapagsalita.

Halos lumabas ang puso ni Belle nang marinig niya sa labas ng kwarto ang boses ni  Franklin, kaya naman nagmadali siya at inilagay na lamang sa ilalim ng kama ang basura.

"What are you doing here?"

Biglang humarap si Belle at pinunasan ang pawis. "Ah—ah, I—I just want to rest."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now