CHAPTER 62

1.3K 97 14
                                    


CHAPTER 62

Mula sa loob ng El Hombre, inilapag sa laboratoryo ang mga buto na kanilang nakalap. Hugo wore his lab gowns at sinimulan na ilabas ang mga kemikal na gagamitin upang mahanap kung kaninong DNA ang kanilang nakuha. 

“Sir, mga kailan po natin ito malalaman?” tanong ni Charm.

“Overnight, I will not sleep without answers. Hindi ko pwedeng basta tigilan ang tungkol sa pagkatao ni Belle. I want to dig her history at kung paano mahuhuli si Henry at Joseph.”

Mas lalong humanga si Gael at Charm sa husay ng kanilang amo. Si Hugo ang gumawa ng lahat na eksperimento para lamang makuha ang identity ng mga buto na ito at DNA na pwedeng tumugma sa mga taong kilala o recorded sa system ng El Hombre.

Tumakbo ang orasan sa alas sais ng umaga, tulog na tulog si Gael at Charm sa lamesa habang si Hugo na nakatingin pa rin sa harapan ng computer. 

He finally took the DNA at kinakailangan na lamang niya itong hanapin sa system. Panay ang pagtapik ni Hugo sa lamesa hanggang sa tumigil ito ng kusa nang lumabas ang dalawang identity na tumutugma sa DNA result nito.

“Sir, hindi po talaga kayo natulog?” tanong ni Gael habang nagkukusot ng mga mata.

“Bakit po ganyan ang reaksyon niyo?” tanong ni Charm at unti-unti silang lumapit sa pwesto ni Hugo.

Hindi gumagalaw si Hugo hanggang sa makita nilang namumuo ang luha sa mga mata nito. 

“Oh my gosh,” bulong ni Charm at papalit-palit ang tingin niya sa computer monitor at sa reaksyon ni Gael. 

“Tell me, this isn’t true… may mali sa lab test na ginawa ko. Hindi ito magiging totoo,” mahinang sambit ni Hugo pagkatapos ay tumayo.

Buong akala ni Gael at Charm na magiging mahinahon si Hugo, pero heto at bigla niyang binuhat at swivel chair at binato sa preserved skeleton ni Jamie. 

“Sir! Huminahon po kayo!” Bulalas ni Charm.

“It means she was alive… pero bakit hindi nagpakita sa akin si Myla!” Sigaw ni Hugo habang umiiyak sa sobrang galit.

This is the third time they saw Hugo. Nanumbalik ito sa trauma na kanyang inabot mula noon na namatay ang magulang, pagkamatay ni Myla at ngayon na isang rebelasyon ang kanyang nadiskubre.

“Sir, nag-imbestiga po si Manong Boyet sa pagkamatay ni Sister Mylaflor. Tinupok po sila ng apoy, kaya hindi rin po ako makapaniwala na si Marga at Myla ay iisa,” kinakabahan na paglalahad ni Gael habang nakatingin sa mga mata ni Hugo.

“I left her in the hand of a syndicate! At si Joseph pa! Bakit nag-iba ang itsura ni Myla under the name of Marga? Para ano? Para hindi ko siya mahanap?! Tell me!” Sigaw ni Hugo.

Napaatras na lamang si Charm sa sobrang takot dahil tinulak ni Hugo si Gael. Kung ano-ano rin ang mga tinapon nitong gamit sa paligid hanggang sa napatingin si Charm sa mga gamot. Nakita niya ang pampakalma at pasimpleng kinuha. 

“Huwag kayong lalapit sa akin! Don’t—fuck!” Muling sigaw ni Hugo pagkatapos ay bumunggo ang sugat niya. Tila umagos sa buong katawan ni Hugo ang kirot kaya naman ito ang nakuhang pagkakataon ni Charm upang turukan ng pampakalma si Hugo.

“Charm!” Bulalas ni Hugo. He couldn't control his anger until he finally sat down on the floor.

“Call Manong Boyet now, Gael!”

Para bang hihikain si Gael kaya naman lumapit si Charm at kinwelyuhan siya upang magising sa katotohanan. Bigla itong tumakbo upang tawagin si Manong Boyet.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon