CHAPTER 66

1.3K 111 21
                                    

CHAPTER 66

HATING gabi na nang lumabas ng opisina si Gael at Jaica. Pinahupa rin ng dalaga ang labis na tama ng alak. Hinayaan siyang magsuka ni Gael upang umayos din ang kanyang pakiramdam. 

At ngayon na naglalakad sila papunta sa parking space, abot langit ang ngiti ni Gael at Jaica sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.

But without knowing, dalawang mga mata ang nagbabantay sa kanilang dalawa. It was Allan, pilit niyang hinahagip sa kanyang paningin ang mukha ni Jaica. Hindi pa rin siya kuntento magmula napansin niya ito noong pinalabas siya ni Gael.

“Aba, may relasyon pala kayong dalawa,” bulong ni Allan pagkatapos ay tumingin  sa orasan. “Gabi na? Ano pa ang ginawa nila sa loob ng opisina? Hm… mukhang may naamoy ako…”

Mabilis na pinatakbo ni Allan ang sasakyan pabalik ng warehouse nila sa Plantera. Sa pagpasok niya sa opisina ng amo, nagmadali siyang umupo sa sariling laptop  kaya naman heto at nagtataka si Henry at Joseph sa inaasal ni Allan.

“Bakit ganyan ang itsura mo? May lakad ka ba? Bakit nagmamadali ka?” tanong ni Joseph.

“Sir, iba po talaga ang kutob ko sa bagong Sales Manager na iyan. Ang bata niya pa, iyon ang naririnig ko sa mga empleyado. Lalo na’t nakita ko pa sila na magkasama nu’ng isa sa mga alagad ni Hugo. Piyado ko may namamagitan sa kanila kaya naman may mataas na posisyon ang babaeng ito. Saka ang hirap niyang hulihin.”

Sa patuloy na pagsisiyasat ni Allan, isang litrato ang bumalandra sa isang kumpanya. It was Jaica including the investors and stockholders of the company. Pare-pareho na nagkatinginan ang tatlong lalaki hanggang sa umatras si Joseph at nagmamadali na kunin ang litrato sa ilalim ng kanyang lamesa.

“Zoom it in!” bulalas ni Joseph kaya naman naaligaga si Allan, mali-mali ang napindot nito kaya naman hinatak siya ni Joseph upang umalis sa upan. Pinalitan niya ito hanggang sa magpapalit-palit ang tingin niya sa litrato ni Jaica at Belle habang nakatingin naman sa litrato ng Sales Manager sa kumpanya ni Hugo.

“What’s her name?!” Sigaw ni Joseph hanggang sa makita ang ilang article tungkol sa youngest Sales Manager.

    “Jarissa Veronica Del Mundo the new Sales Manager of Hugo’s Group of Companies

   

    Umiling si Joseph nang paulit-ulit habang si Henry ay hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang kanyang nakikita.

    “This isn’t true. She’s Jaica, na ayusan at nagdalaga lang siya!” Bulalas ni Henry.

    “She’s fucking alive… it means Belle is still alive!” Sigaw ni Joseph at nanlisik ang mga mata nito pagkatapos ay kinwelyuhan si Allan. “Find her! Find that fucking whore! Hanapin mo kung paano siya nabuhay, kung paano sila nakatakas! You are fucking great, Allan!” Bulalas ni Joseph.

    Mas natakot si Allan dahil para bang nababaliw ang amo niya. Si Henry naman na nakaupo lang habang nakatingin sa mukha ng batang litrato ni Belle at Jaica. “She’s still alive,  I want to see her,” mahinahon na sinabi ni Henry pagkatapos ay tiningnan ang kanyang kapatid.

    “For what? Tatawanan ka lang nu’n, sunog ka na nga, wala kapang kamay. She will just underestimate you. Fallen Mafia boss ka na at sumasabit sa akin!” Mayabang na sinabi ni Joseph pagkatapos ay uminom ng alak. He also took his electric cigarette filled with cannabis. “I miss her so bad. Tandang-tanda ko pa kung paano siya makiusap sa akin, how she beg while I’m fucking her!”

Pinigilan ni Henry na magalit at nanatili itong nag-iisip ng kanyang hakbang. He can’t move dahil baldado siya. Ang kanyang binti ay apektado ng kumalat na lason. Noon ay akala niyang makakalakad pa siya, pero habang tumatagal, para bang nagiging paralisa ang kanyang katawan. 

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon