CHAPTER 51

1.6K 109 24
                                    

CHAPTER 51

ALAS onse na ng gabi ngunit wala pa rin natatanggap na tawag si Gael kay Jaica, lahat ng empleyado ng mall ay nakuha na niyang bilangin, ngunit walang Jaica ang lumalabas.

"Sir, pumasok na kaya tayo?"

"After the guard, sa kaliwa ka, ako sa kanan. Once I turned off their cameras, we only have ten minutes to find Jaica."

Sumunod sa plano ang mga kasamahan ni Gael hanggang sa isa-isa silang pumasok. Gael has a copy of blueprint kaya naman kabisado niya ang bawat sulok-sulok ng mall.

Dumiretso sa Gael sa internal security at doon pinatulog ang nagbabantay until he rewind the footage from the moment Jaica entered the vicinity.

Tutok ang mga mata ni Gael sa paligid hanggang sa makita niya ang girls locker. May mga inilabas ang kaparehong uniporme ni Jaica sa back door at isa itong malaking basurahan. He reviewed the next footage hanggang sa makita niya na si Jaica ang inilagay sa compartment ng sasakyan. 

Gael took the IP address of the computers inside the mall para naman masundan niya ang iba pang nangyari. Mabilis siyang lumabas at sumakay ng van upang ikonekta sa laptop ang lahat ng nakalap.

“Boys, let’s go now!”

“Sir! Look at this!” bulalas ng isang gwardya na kasama ni Gael at isa rin itong nagbabantay sa street view ng mga camera.

“They will go back to Manila. This is an unknown private plane. Hindi natin alam kung saan ito lalapag.”

“Let’s book a flight now!”

Dali-daling kinuha ni Gael ang cellphone at sinimulan na tawagan si Franklin. 

“What do you want?” asar na tanong ni Hugo habang inilalagay ang mga bala sa magazine ng riffle.

“Sir, Jaica is missing. Sapilitan siyang isinama ng hindi kilalang grupo. I don’t know if they're related to the syndicate at the bar.”

“Fuck! Go back to Manila now! Do not book a flight, I will contact Charm for my private plane.”

“Copy sir!”

Sa pagbaba ng linya, inatras ni Gael ang booking ng plane ticket nila papuntang Manila kaya naman heto at bumalik sila ng dormitoryo para ihanda lahat ng kakailanganin pabalik ng Manila. Lahat sila ay may hawak na matataas na kalibre ng baril. Dagdag pa ang ilang bomba na nakasabit sa katawan nila.

Mula sa mansyon, ilang minuto lang nahimasmasan si Belle pero heto at binuksan niyang muli ang mga mata.

“Joseph… Henry…” angal ni Belle habang umiiling.

“Ano, hija? Are you okay?”

Belle is currently experiencing hallucination because of the drug they gave to her. Umiiling lang ito at tinataas ang kamay. “Hugo, baka po masaktan siya. My foster father… Joseph… baka sila ang kalaban niya… pati si Henry.”

Kunot noo si manang Karing at nilapitan si Belle para hawakan ang pisngi. She knew that Belle is hallucinating kaya ito ang pagkakataon niya upang tanungin ang dalaga. 

“What’s with your father?”
    “My foster parents Marga and Joseph… They adopted me. They hurt me… but Joseph raped me… he raped me, he killed his wife. He’s under— under a syndicate… kapatid niya si Henry. Please, I want to see Hugo.”

Hindi nagkakamali si Manang Karing na hinawakan ang recorder at kaagad pinadala kay Hugo ang kanyang narinig mula kay Belle.

Habang sinusuot ni Hugo ang hand gloves, natanggap niya ang ipinadala ni Manang Karing sa kanya. Pinakinggan niya ang boses ni Belle.

“My foster parents Marga and Joseph… They adopted me. They hurt me… but Joseph raped me… he raped me, he killed his wife. He’s under— under a syndicate… kapatid niya si Henry. Please, I want to see Hugo.”

Mas lalong umapaw ang galit na nararamdaman ni Hugo. He’s correct. Lahat ng nararamdaman niya against Annabelle’s foster father at ang pangalan sa email ni Mr. Tan ay iisa lang.

“I will fucking end your lives! Henry and Joseph”

Tumapak ang orasan ng ala una ng madaling araw. They’re all complete including Gael. Sinundan nila ang tracker from Charm kung saan isa itong daan papunta lumang warehouse.

Hugo doesn’t know that he will bomb the first ever warehouse at si Henry ang naninirahan dito. 

“Hindi kaya’t nandito si Jaica?” tanong ni Gael.

“We aren’t sure about that. Pero ang kasiguraduhan dito, the man who entered my office is  located here,” tugon ni Hugo.

Mabilis na pinalibutan ng mga tauhan ni Hugo ang paligid. Lahat ay pawang nagpapahinga na sa warehouse na luma kaya naman nakakuha sila ng  pagkakataon na palibutan ito ng gas. Tahimik na bumagsak ang kalaban hanggang sa… “Kalaban! Kalaban!” 

Isang lalaki ang sumigaw ng paulit-ulit kaya naman biglang tinapunan ng lanseta ni Charm ang lalaki upang tamaan sa leeg.

Mula sa opisina ni Henry, nakita niya ang nangyari. Batalyon ng kalalakihan ang sumugod kaya naman. “Takbo! Mauubos tayo!” Sigaw ni Henry at kinuha ang baril at isang maleta lulan ang bagong kuha na pera sa mga maliit na sindikato. 

“Tonio! Ano ba? Lumabas ka!”

Ika-ika na lumabas si Tonio sa laboratoryo dahil pinag-aaralan niya kung kaninong fingerprint ang nasa lanseta.

“Sir, dadalhin ko pa ito!”

“Hindi na! Halika na at mauubos tayo! Kailangan na nating tumakas!”

Nagkabarilan at halos umagos ang dugo sa paligid ng lumang warehouse. 

“Gael! Si sir?”

“Hindi ko alam?! Biglang nawala!”

“Hanapin natin! Walang suot na bulletproof iyon!”

“Wait, I will go to their office!” Bulalas ni Gael at doon nakita ang opisina ni Henry. Kumuha lamang siya ng isang bag na nakita sa gilid at inilagay lahat ng dokumento pati  ang laboratoryo kung saan pinag-aaralan ang fingerprint ni Annabelle sa swiss knife.

Sa likuran dumaan si Hugo at doon niya nakita ang lalaking puno ng lapnos ang buong katawan. Hindi rin niya ito mamukhaan dahil parang si Tristan lamang ito. 

Inasinta ni Hugo ang lalaking ika-ika kung maglakad sa ulo kaya naman sumabog ang utak nito sa harapan ni Henry.

“Tonio! Tonio! Putang ina! Sino ka?!” sigaw ni Henry.

Gumilid lamang si Hugo at pinatamaan si Henry sa hita pagkatapos ay sa t’yan. Ngunit nangpapatamaan niya na ito sa ulo, pinrotektahan na ito ng gwardya.

“Bomb the warehouse now, immediately!” utos ni Henry.

Hugo didn’t notice that he’s near toxic waste. Naglakad lamang siya pabalik upang kunin ang sasakyan para sundan sila Henry ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari. Isang patibong ang halos kumitil sa kanyang buhay.

Umalingawngaw sa buong paligid ang pagsabog. Napasigaw si Charm at sinundan ang pagsabog.

“Sir! Sir!”

Tinakpan ni Charm ang ilong dahil sa napaka baho ng sumisingaw. As she found out, gumagapang si Hugo habang duguan ang mukha nito. 

“Sir Franklin!”

“C—Charm.”

“Help! Gael, our big boss!”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now