CHAPTER 83

1.6K 141 31
                                    

CHAPTER 83

"Saan po ba siya pumunta?" Paulit-ulit na tanong ni Belle kay Sita at panay naman ang iwas nito.

"Eh malay ko ba?"

Ilang araw na hindi nagparamdam si Franklin kay Belle pero si Sita na siyang kasama ni Belle ay alam kung nasaan si Franklin.

Sinabihan ni Franklin na ayaw muna niyang biglain si Belle kaya heto at panay na lang ang pagbabantay niya kay Belle. Kitang-kita niya ang dedikasyon nito sa pagtatrabaho kahit na may kapansanan ito.

Habang nakaupo si Franklin sa damuhan, sinubukan niyang tawagan si Manong  Boyet 

"Hijo, bakit ngayon ka lang tumawag?"

"I knew it… she's blind."

"Pasensya na at hindi ko talaga siya napilit na magpa-transplant."

"I asked my friend for her surgery. Iyon lang ang maibibigay ko sa kanya. And… we have kids. Franco and Filip."

Napatakip ng bibig si Manong Boyet dahil narinig niya ang hikbi ni Franklin. He became fragile  when it came to Belle. "I missed  her so bad. Gusto kong sabihin sa kanya. At alam kong kilalang-kilala pa rin niya ako."

"Of course. She will never forget how she really loves you."

Napalingon si Franklin nang makita niyang naglalakad si Belle. Kaya naman mabilis niyang binabaan ng linya ang matanda.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Franklin.

"Juan! Nand'yan ka pala?! Ilang araw kitang hindi nakita… I mean nakausap. Pasensya na talaga dahil nasungitan kita. Bigla lang talaga akong nagiging masungit minsan naninigaw."

"Okay lang, Belle. Anong gagawin mo?"

"Ah, bonfire. Ipapakisuyo ko kay Ate Sita na sindihan kasi darating ang mga anak ko mamaya."

"Really?!" Bulalas ni Franklin kaya kunot noo ulit si Belle. Napansin ito ni Franklin kaya naman pasimple siyang umubo. "Ah talaga? Pwede bang sumama? Masyado nang malamig. Malapit na ang pasko," tugon ni Franklin.

"Oo naman. Huwag ka lang sana mabwisit kasi makulit ang mga anak ko."

"Anak natin," wala sa wisyong sinabi ni Franklin.

"Ha, ano?"

"Ah wala. Sige at tutulungan na kitang magbuhat."

Nagsibak ng kahoy si Franklin at si Belle na nakaupo habang kumakain lang ng mani. Hindi niya man nakikita ang nangyayari, pero nararamdaman niyang dapat pagkatiwalaan ang lalaking kaharap niya.

"It reminds me of him… ang boses niya. Ganoong-ganoon kay Frank. Kumusta na kaya siya? May pamilya na kaya siya? Siguro meroon na, sa gwapo niyang iyon. Imposible na wala siyang makuha na malinis at propesyonal na babae," bulong ni Belle.

Mula kay Franklin, napagod naman ito kakasibak ng kahoy hanggang sa mapaupo sa damuhan. Kinuha niya ang pahabang damo at nirolyo na parang singsing.

"I wish I could put this ring in your fingers. Pakonti-konti masasabi ko rin lahat ng gusto kong sabihin. Gagawa ako nang paraan para makakita ka ulit. Dito rin pala tayo magkikit, Belle. Kung saan ipinangako ko sa iyo na pakakasalan kita."

Lumipas ang ilang oras, nakuhang makatulog ni Franklin sa labas. Si Belle na hindi niya naramdaman na papalapit sa kanya. Kapa nang kapa si Belle hanggang sa mahawakan niya ang binti ni Franklin kaya kaagad siyang umiwas.

"Bakit ikaw pa ang nakapa ko?" nagkakamot ng ulo si Belle hanggang sa para bang may nagpaisip sa kanya na muling lapitan si Franklin. 

Dahan-dahan na hinawakan ni Belle ang braso ni Franklin papunta sa  mukha nito ngunit bigla niya itong naramdaman hanggang sa hatakin niya  ito kaya napahiga siya sa dibdib nito.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now