CHAPTER 27

1.7K 88 16
                                    

CHAPTER 27

Pagpasok ng bar ni Hugo at Belle. Naramdaman na lamang ng dalaga ang mainit na kamay ng binata na humawak sa kanya. Napakaraming tao at halos matabunan si Belle.

"Bilisan mong maglakad kung ayaw mong matabunan," reklamo ni Hugo.

"Sandali, ang lalaki ng hakbang mo. Hindi ako makahabol!" Malakas niyang sinabi dahil hindi sila gaano nagkakarinigan sa loob.

"Bakit kasi 4'11 ka lang?"

"Ha ano?" tanong ni Belle.

"Nothing! Walk fast!"'

Parang pinagalitan ng sariling ama si Belle kaya naman napasunod siya sa malaking hakbang ng binata. Mabilis lamang nilang narating ang rooftop at doon umupo si Hugo at Belle.

"What do you want to drink?"

"Tequila lang."

"Okay."

Habang hinihintay nila ang pagdating ng inumin, napansin na lamang ni Hugo ang mga kalalakihan na sumusulyap kay Belle. She's innocent, walang malay sa mga lalaking tila hinuhubaran ang kanyang katawan gamit ang mga mata. Sa sobrang inis ni Hugo, hinatak niya ang high chair ni Belle papalapit sa kanya.

"Bakit?!"

"Huwag ka nang sumayaw."

"Ha? Hindi naman ako sumasayaw ha? Napapa-indak lang."

"Same thing. Hindi mo bagay."

Napanganga na lang si Belle dahil pakiramdam niya'y pinagdidiskitahan siya ng amo. Tumaas ang kilay ng dalaga at kaagad kinuha ang sinerve na alak. Ginawang tubig ni Belle ang inumin at binagsak na parang lasinggero sa kanto.

Sa makalipas na ilang minuto na parehong walang kibuan.-

"Mag-comfort room lang ako," paalam ni Belle pero laking gulat niya nang tumayo rin si Hugo. "Ikaw din?"

"Oo."

"Eh mawawala ang pwesto natin kapag tumayo ka."

"So inuutusan mo ang boss mo?" Asar na tanong ni Hugo.

Napairap na lamang sa ere si Belle bago sumagot. "No, I mean baka kasi wala na tayong pwesto. Kapag balik ko, doon ka naman umihi. Edi tapos."

"Stop rolling your eyes, Annabelle."

Tikom ang bibig ni Belle bago muling sumagot. "Okay, sorry," kaagad tumalikod ang dalaga at sabay silang naglalakad papunta sa comfort room.

Hindi siya pinansin ni Hugo at nagmadali itong magsara ng pintuan.

"Ang lakas talaga ng tama ng lalaking ito... nakakainis!" reklamo ng dalaga. Inilapag lang ni Belle ang bag sa harap ng lababo at muling inayos ang sarili. Ilang saglit din siyang natunganga habang nakatingin sa salamin. Unti-unting umuukit ang matamis na ngiti sa kanyang labi hanggang sa napayuko ito.

"Bakit parang ngayon lang ako sumaya? Kahit nakakabwisit ang kasama ko sa trabaho. Mas maraming oras na napapangiti ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakawala ako sa loob ng kahon. Noon, si Jaica lang ang lagi kong kausap at nakakaaway. Pero ngayon, hindi naman pala nakakatakot na magtiwala muli."

Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Belle nang sumagi sa isip niya kung paano naging mahirap ang buhay niya sa loob ng tahanan. Lahat ng paraan ay ginagawa niya para magustuhan siya ng mga kapwa bata sa loob ng ampunan pero wala pa rin saysay dahil palagi siyang pinag-iinitan.

Mula sa huling pamilya na umampon sa kanya, ito pa pala ang mga taong nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang maliwanag na mukha ni Joseph at Henry. Pilit lamang niyang nilalakasan ang loob para sa patuloy na pagsisimula.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon