CHAPTER 39

1.5K 113 35
                                    

CHAPTER 39

Mula lunch break hanggang sa pagkatapos ng oras ng klase ay hindi tinantanan ni Joaquin si Belle. Hindi pumasok ang binata sa kanyang last subject dahil hinintay lamang niya si Belle sa labas ng silid nito.

It’s a little bit awkward for her dahil kakapasok lang niya ng eskwelahan ay pinaguusapan na siya ng mga kaklase niya. Napag-alaman din na anak ito ni former General Jacob. Kaya naman heto at pinagtitinginan at inaalam kung saan nagmulang pamilya si Belle.

“Hinintay mo pa talaga ako?”

“Of course, gusto ko sanang makiusap.”

“Ano iyon? Basta huwag lang acads! Kinakausap ko pa ang sarili ko na maging matalino!” Malokong tugon ni Belle.

Tumawa si Joaquin at ginulo ang buhok ni Belle. “Samahan mo lang ako sa mall. Kailangan ko kasi ng pang regalo sa kaibigan ko.”

“Lalaki ba o babae?”

“Babae, kasing laki mo. Kaya ikaw ang naiisip ko. Halika na,” pagmamadali ni Joaquin pagkatapos ay hinatak ang kamay ng dalaga

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating sila ng mall. Parang bata si Belle dahil kung ano-anong pagkain ang inabot ni Joaquin sa kanya. 

“Sigurado ka ba na may pagbibilhan ka? Bakit ginawa mo naman akong elementary sa mga chocolates?”

“Baka kasi magutom ka… come here,” muli niyang hinawakan ang kamay ni Belle kaya naman heto at natapat sila sa jewelry store. Napanganga si Belle nang mapansin niya ang pinapangarap na birthstone.

“Do you like this one?" tanong ni Joaquin nang makita si Belle na pinagmamasdan ang isang opal birthstone bracelet.

“Eh, oo ang ganda. Kaso ang mahal naman. May napili ka na ba?”

“Gusto mo ng opal accessories?”

“Oo, kaso tsaka na kapag birthday ko ulit.”

“Ulit? Kailan?”

“Ngayon Oktubre lang.”

“Really? I will buy this one for you.”

“Ha! No! Huwag, okay lang ako. Hindi mo kailangan bilhin iyan!”

“Are you sure? Mukhang gustong-gusto mo kasi.”

“Hindi, sige na you go there at maghanap ng bibilhin mo. Dito lang ako,” paalam ni Belle at pinagtulakan si Joaquin.

Sumunod ang binata at nagpatuloy sa paghahanap ng mga alahas. Si Belle na paikot-ikot sa paligid hanggang sa matulala sa isang napakagandang wedding ring. Napangiti siya at tiningnan ang kamay.

“What if Hugo asks to marry me? Bagay kaya ito sa akin? Ugh… hindi mas maganda kung simple lang. Tigilan ko na ang pagiging materialistic,” bulong ng dalaga hanggang sa natulala siya sa ere. Iniimagin niya na siya’y naglalakad papunta sa altar habang hinihintay ni Hugo. “Parang fairytale, he’s not a Prince but he looks like one,” buntong-hininga ang nailabas ni Belle at isang mapait na ngiti. 

“Belle!” Bulalas ni Jaica.

“Oh my gosh!”

“Ano ka ba?! Kanina pa kita tinatawag, tulala ka sa ere ha!”

“Ay dito ka pala?”

“Hello? Lutang ka?”

Tumingin si Belle sa karatula at doon nakita ang pangalan ng shop. Nagkakamot ng ulo ang dalaga habang nakangiti. “Hindi ko napansin.”

“Belle, look at this!” Tawag ni Joaquin. 

Napatingin ang dalawang dalaga hanggang sa matulala si Jaica sa binata. “Sino ‘yan, Belle?”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon