CHAPTER 57

1.3K 111 32
                                    

CHAPTER 57

SAKAY ng itim na van si Hugo habang hawak ang rifle gun papunta sa tinataguan ni Mr. Tan.

“Sir, si Mr. Tan ang rason kung bakit kinakalbo ang bundok ng Arayat sa Pampanga dahil sa mining at illegal logging ng mga tauhan niya.”

Hindi kumikibo si Hugo dahil isa lang ang nasa isip niya. It was Belle who’s waiting for him to come home.

“Okay ka lang ba, sir?”

“Yes… I just need to finish this mission earlier for Belle. She’s waiting for me.”

“Sir, pero walang kasiguraduhan kung makukuha natin siya kaagad?”

“We are two hundred, Charm. Makukuha natin si Mr. Tan or that fucking Lee… o kung ano pa ang pangalan ng huwad na iyon!”

Dulo papunta sa kabundukan ang lugar kung saan nagtatago si Mr. Lee o mas kilala sa tawag na Mr. Tan. Tinatago niya ang sarili gamit ang fake prosthetics upang makuha ang loob ni Hugo. His real estate in the Philippines is getting higher, mga mayayaman at bigating tao ang kumukuha sa kanya kaya naman alam niyang malaki ang income ni Franklin Hugo. 

Even his agenda regarding the most expenssive diamond  ay hawak  ni Hugo. Kaya gustong-gusto nilang makuha ang loob ng binata.

Nagkalat ang mga kababaihan sa hapagkainan dagdag pa ang mga sindikato na kumakain kasama ni Mr . Lee.

“Kumain lang kayo ng maigi dahil pagkatapos ng taon na ito, hudyat na para i-assassinate si Franklin Hugo.”

“Are we sure about that?” tanong ni Henry dahil imbitado sila sa pagsalubong ng pasko ni Mr. Lee.

“Of course, kukunin ko lang ang deal para sa sa mining industry, pagkatapos nu’n ay kailangan na niyang mamatay.  Malaki rin ang pagtataka ko sa kanya dahil ang nangyaring panloloob sa opisina niya ay nawala na parang bula ang balita, bukod pa sa nangyari kagabi,” pagtataka ni Mr.  Lee.

“What do you mean?” tanong ni Henry.

“Hindi ko alam kung may iba pang kalaban si Franklin dahil pati mga pulis ay hindi na bumalik pagkatapos ng pangyayari. Who ever planned that, mahusay siya,” tumatawang sinabi ni Mr. Lee.

“It was my right hand who did that,” maamong pag-amin ni Henry habang kumakain.

“Really?”

“Even the gunshots in his house,” dumagdag naman si Joseph.

“Ibang klase kayong magkapatid! Bakit hindi ko alam ang kilos niyo?”

“I am interested to his woman, look at her.” pinrisinta ni Joseph ang hindi ganoon maliwanag na litrato na nakuha ni Allan.

"Iba ka talaga, Joseph. I guess it's his girlfriend. Baka siya ang halos mamatay sa loob ng opisina ni Hugo. And I have high hopes that it’s his weakness. We can use her as a bate,” malokong sinabi ni Mr. Lee.

Nagtawanan na parang demonyo ang tatlong lalaki habang nakaharap sa kanila ang mga babae at ilang droga. This is how they celebrate Christmas eve.

Habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan, wala silang kamalay-malay na napapaligiran na sila ng El Hombre. Lahat ng strategic points ng warehouse at pinwestuhan ng mga tauhan ni Hugo. Lahat ay pawan nag-aabang sa sasabihin ni Hugo. 

“Sir, do I need to turn off the electricity?” tanong ni Charm mula sa radyo habang siya ay nakasabit sa isang mataas na poste.

“Let the game begin,” abiso ni Hugo kaya naman nagsimula mag-down ang system.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now