CHAPTER 68

1.4K 115 26
                                    



CHAPTER 68

GALIT na nag-uumapaw ang naging reaksyon ni Jaica pagkatapos niyang malaman na nawawala si Belle.

“Please don’t do this Jaica! Magagalit si Sir, pwede niya kaming patayin!” Pakikiusap ni Charm.

“Eh kung si Belle ang mamatay?! Hindi niyo alam kung gaano kapeligro na…” hindi makuhang masabi ni Jaica ang hinaing. “Fuck! Charm! Galing kami sa kamay ni Henry at Joseph. Kami ang kinababaliwan nila noon! Lalo na si Belle! Kapag nangyari iyon, siguradong kukunin nila ang isa sa amin! Ngayon, sabihin mo sa akin? Paano ako hihinahon kung nawawala ang kaibigan ko?!”

Hindi nagdalawang isip si Jaica na kunin ang kanyang cellphone at sinimulan na tawagan si Hugo. Kinakabahan si Gael at Charm dahil pareho silang nagsinungaling sa dapat isagot sa kanilang amo noong hinahanap nito si Belle.

“Jaica? Napatawag ka?” bungad ni Hugo mula sa kabilang linya.

“Nawawala si Belle! Bakit iniwan mo siyang mag-isa! Bumalik ka rito at hanapin ang kaibigan ko! Kapag hindi mo iyon ginawa, pasasabugin ko ang ulo ng dalawang gwardya mo!” Sigaw ni Jaica pagkatapos binalibag ang cellphone at inagawan ng baril si Gael.

“Please, Jaica. Gagawin naman namin ang lahat!” Bulalas ni Charm.

“Jaic, give me the gun. Please…” pakikiusap naman ni Gael.

“Hanapin niyo siya!” Sigaw ni Jaica at sinabunutan ang sarili dahil sa sobrang pag-iyak.

Ito ang naging paraan para agawin pabalik ni Gael ang baril. Niyakap niya ito at sinumulan buhatin.

“Nagmamakaawa ako, Charm. Hanapin mo si Belle. If not, at kung may mangyaring masama sa kanila ng anak nila ni Hugo. Kilala mo si Franklin… Ibang-iba siya… demonyo ang batang iyon kapag nagagalit. Wala siyang kinikilala. Natatakot din ako para sa inyo,” umiiyak na sinabi ni Manang Karing.

*******

MAGARGO ang pagkakaayos ng bakuran ng bahay ni Joaquin. Nabigla naman si Belle dahil nandoon si Joaquin habang iniihaw ang pagkain.

“Oh, you are awake! Come here!”

“Bakit ang dami naman pagkain? Birthday ko ba?” malakong tanong ni Belle hanggang sa hawakan ni Joaquin ang kanyang kamay.

“Just enjoy the night. Nakikita ko naman sa mga mata mo ang labis na kalungkutan kahit na nakangiti iyang mga labi mo.”

Pasimpleng kinagat ni Belle ang ibang labi at nakita ito ni Joaquin. He wants to kiss her, pero heto at iniwasan niya ng paningin si Belle. 

Kalaunan ay sumama si Belle sa lamesa kung saan nandoon ang pagkain. Tahimik ang paligid at tanging orange juice lamang na binigay ni Joaquin ang kanina pa niya iniinom. Para bang nawili si Belle sa pag-inom nito hanggang sa nilingon niya ito. Napasinghap na lamang si Belle dahil nakaramdam siya ng pagkakahilo. 

“Are you okay, Belle?” tanong ni Joaquin hanggang sa tumayo si Belle.

“I feel… d—dizzy. Joa—” tuluyang bumagsak si Belle sa bisig ni Joaquin. 

Binitiwan ni Joaquin ang kanyang alak pagkatapos ay dahan-dahan na binuhat si Belle papasok ng kwarto. Sa pagbaba niya rito, bahagyang lumislis ang kanyang bestida kaya naman para bang nasisilaban ang binata at para bang gusto niyang hawakan ang hita nito.

Makalipas ang ilang minuto, para bang nasa alapaap si Belle. Iba ang kanyang nararamdaman at init na init din ang kanyang katawan. 

“Hmm… ahh…” isang mahinang ungol ang kumawala sa kanyang bibig. 

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now