CHAPTER 55

1.5K 108 15
                                    


CHAPTER 55

PAGOD na nakauwi si Hugo pagkatapos nilang planuhin ni Gael ang dapat gawin. He commanded his people to be vigilant at all times. Hindi lang iyon dahil nag deploy din si Hugo ng tauhan sa mga kalat na daan, dahil alam niya ang utak ng sindikato. Sa mataong lugar ito madalas gumawa ng gulo.

Pagpasok ni Hugo sa mansyon, namangha siya na makita si Belle na may hawak na Christmas decors. Mag-isa lamang ito at inaabot ang Christmas tree na pinabili pero wala rin siyang balak gamitin.

"Ang liwanag naman ng bahay, paskong-pasko," panimula ni Hugo at nag-iwan ng halik sa kanyang labi.

"Late na nga ang decoration! Special day iyon diba? Birthday mo?"

"Who told you?"

"Manong Boyet. Ilang taon ka na?"

"Walang tanungan ng edad. Kumain ka na ba?"

Tumawa si Belle. "Hindi pa, gusto ko rin bigyan ng lights ang terrace para naman magkaroon ng buhay ang bahay mo."

"My home is alive because of you. Ikaw talaga ang ilaw ng tahanan ko, Belle," humiga si Hugo sa sofa pagkatapos ay pinagmasdan lang si Annabelle. He's very tired. Isang buong araw din siyang hindi nakapag pahinga dahil sa problemang hatid sa kanya ng trabaho.

"Anong nangyari sa pagsabog ng warehouse ng sindikato? May kinalaman ka ba doon?"

"Wala... wala akong alam. Hindi naman ako ganoon ka bigtime," pagsisinungaling ni Hugo.

"Sigurado ka? Ayaw lang kitang madamay. Lalong hindi ka naman kasapi sa gobyerno para gawin 'yan."

"Our justice system in the Philippines is weak. Kung noon pa magaling ang mga nasa pamahalaan, hindi tatagal ang mga sindikato sa bansang ito. Kung hindi sila nadadaan sa under the table transactions, walang mga kumag na magtatangka na kunin lahat ng mga inosente sa bansa. Even real estate, kaya tingnan mo at maraming nagbabaha sa paligid, kasi kahit ilegal na tayuan ng mga establisyemento ang isang lugar, kapag nagbayad ang negosyante, walang magagawa ang mga tao kung 'di mag-adjust kapag may sakuna."

"Hindi ba't real estate ang business mo? Edi ginagawa mo rin iyan?"

"I will not do that, Belle. Legal ang proseso ng business ko. I will not let anyone ruin my name for an illegal process.."

"Napaka talino mo naman, lalo akong na-inlove," malokong sinabi ni Belle at pinahiran ng glitters ang mukha ni Hugo.

"By January, you need to be ready dahil graduating ka na. Sigurado ka na bang education ang kukunin mong kurso?"

"Yes, gusto kong maging guro. I want kids, Hugo. Gusto ko na maging maalam sila dahil dadalhin nila iyon hanggang sa pagtanda. Kaya nga heto habang bakasyon, nag-aaral pa rin ako dahil gusto kong maging matalino."

"You changed a lot. Not like the Belle I used to know."

"Syempre naman! Bigatin ang boyfriend ko pagkatapos ako, walang alam?"

"May alam ka, sadyang hindi lang ganoon karami."

Tumawa si Belle at pinapak ang labi ni Hugo. "When will I get pregnant, Hugo?"

Umawang ang matamis na ngiti sa labi ni Hugo dahil sa katanungan ni Belle. "Soon? Huwag mo nang isipin iyon. Kung may mabuo man pagkatapos ng maraming beses na nangyari sa atin, that's a gift from God. Tandaan mong hindi ka lang isang beses nagrerequest sa akin," tumawa nang nakakaloko si Hugo kaya naman namula ang mukha ni Belle.

"Kapag wala?"

"Sa 'yo naman ito diba? Kahit kailan mo gusto pwedeng-pwede."

Mula sa hindi kalayuan na lugar dinig ni Manang Karing ang pinag-uusapan ng dalawa. Nagtaka rin siya dahil may alam si Belle sa ilang tinatrabaho ni Hugo.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoDär berättelser lever. Upptäck nu