CHAPTER 32

1.7K 110 22
                                    


CHAPTER 32

Hindi mapakali si Hugo dahil lahat ng research papers niya tungkol sa sindikato ay pinagtutugma niya.

"Tang ina, sino ba kayo? Alam kong related ito kay Vito. Alam kong isa sa mga sakristan ang kasabwat dito!" Asik ni Hugo at basta na lang nilukot ang ilang papel na hindi niya maintindihan.

Asar na asar ang binata dahil hindi niya mapagtugma ang mga taong siguradong kasabwat ng Black Umbrella. Wala rin naman siyang magawa dahil ang banyaga na ex boyfriend ni Jaica ay hindi niya na naabutan ng buhay.

Hugo decided to open the black walls. Gusto niyang tingnan si Belle hanggang sa bumalandra sa kanya ang dalaga na nakaupo sa tapat ng bintana. Tumayo ang ang binata at lumapit sa makapal na salamin.

Belle is busy studying, hinahanda niya ang sarili sa pagpasok sa paaralan ng Madrigal. Alam niya ang kapasidad lalo na't hindi siya katalinuhan.

"Punyeta, bakit ba ang hirap ng Math? Nabobo na ako!" Bulalas niya at hiniga ang mukha sa lamesa. Tulala lang siya sa malaking salamin na kanyang binuksan noon.

Ipinikit ng dalaga ang mga mata hanggang sa hawakan ang labi. It flashes on her mind. The night with Mr. Hugo.

"Pero bakit parang walang nangyari sa kanya? Pagkatapos niyang mag good night kiss, hindi na siya sweet?"

Bumuntong-hininga si Belle at sinubukan tawagan si Jaica dahil alam niyang ito lang ang expert pagdating sa ganitong bagay.

"Hoy! Bakit ngayon mo lang ako tinawagan?" Bungad ni Jaica.

"Eh bakit hindi mo ako tawagan?" Angal ni Belle.

"Hindi ako nagloload, alam mo naman wala na akong katext," malokong tugon ng ni Jaica. "Napatawag ka? Kumusta ang Cebu? Maganda ba? Travel tayo ha!"

"Umuwi rin ako dahil nagkairingan kami ni Franklin."

"Wow? Iringan or LQ?"

"Gaga hindi," mahinang tugon ni Belle.

"Oh bakit sad ka? Okay ka lang ba? Hindi pa ako makauwi dahil hinihintay ko pa na buksan ang isang jewelry branch sa mall."

"Umuwi ka na. Wala akong makausap."

"Kayo na ba? Bakit nagkakaganyan ka?"

"Hindi ko alam? Kasi may nangyar—"

"Oh my gosh! Tinanggap mo ba ang embutido niya?!"

"Jaica naman!"

"Hindi nga?!"

Kinagat ni Belle ang labi at pasimpleng ngumisi. "Oo. Pero hindi ba unfair sa kanya dahil alam mo naman ang history ko."

"Unfair kung hindi mo sasabihin sa kanya. In a relationship, you need to be truthful. Teka? Paano ka niligawan? May pa-flowers ba?"

"Wala naman relasyon."

"Tang ina, isang sex lang?"

"Ano ba iyang bibig mo!"

"Hoy, Belle. Baka naman open relationship lang ang gusto niyan?!"

"Ano ba ang ibig sabihin nu'n?"

"Open relationship means, nobody owns your body. Pwede siyang makipagtalik sa iba, ganu'n ka rin. Kumbaga magkarelasyon lang kayo sa kama. Hindi by heart."

"Parausan niya ako?"

Bumuntong-hininga si Jaica. "Huwag ka na lang umulit. Belle, sa mundong ibabaw maraming magnanakaw. Maraming aabusuhin ka hangga't nararamdaman nilang kailangan mo sila."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now