CHAPTER 1-

17.3K 268 21
                                    

CHAPTER 1
 

   “Malandi  ka na malikot pa ang kamay mo!” Sigaw nito at malakas na sinampal ang mukha ni Belle.

    “Tama na po! Nasasaktan ako!” Pakikiusap niya ngunit wala pa rin tigil ang babae kakahatak sa kanyang buhok hanggang sa halos mahalikan na niya ang semento.

    “Marga! Marga!” Sigaw ng isang lalaki. Dahil sa kakamadali nito, initsa na lamang niya ang bag sa gilid at kaagad na nilapitan ang asawa habang sinasaktan ang bata. “Marga! Bakit mo naman sinaktan ang bata?!”

    “Malandi iyan! Kaya pala nawawala ang mga make up, ninanakaw niya!” 

    “Hindi ako magnanakaw! Ni hindi nga po ako makapasok sa kwarto niyo pagkatapos pagbibintangan mo ako na parang ninakaw ko ang lahat ng gamit mo?! Huwag po kayong gumawa ng butas para po ibalik ako sa ampunan!" Matapang niyang sinigaw.

    “Aba, punyeta ka at wala kang respeto! Napaka kapal ng pagmumukha mong bata ka!” Muli niyang hinablot ang buhok ni Belle at nilampaso. Ni hindi man lang ito nagpaawat sa kanyang asawa.

    “Marga! I said stop!”  Pilit na niyang binuhat ang asawa at inalayo sa bata. “Hindi tama na saktan mo ang bata ng walang konkretong ebidensya! Tandaan mo na inampon na natin!” Sigaw ni Joseph. 

    “Joseph, ayoko na ng batang iyan! Ayoko sa mga malilikot ang kamay at maagang lumalandi! Totoo nga ang sinasabi sa ampunan! Nagkamali lang ako na ampunin ang batang iyan!"” Sigaw niya at pinagbagsakan ng pintuan ang asawa.

    Naiwan na lamang ang dalaga na nakaluhod sa sahig habang nakayakap sa kanyang tinuturing na ama. 

    “I’m sorry, Belle. Pagsasabihan ko ang mama mo.”

    “Kung sasaktan niya po ako ulit, mas gugustuhin ko na lamang tumira sa bahay ampunan muli! Kesa sa pagtyagaan ko po na ganituhin niya ako!”

    “Sssh, tahanan na. Dito ka lang at hindi kita ibabalik sa ampunan. Ito na ang tahanan mo kaya naman hinding-hindi ka na mag-iisa.”

    Hinaplos ni Joseph ang kanyang pisngi at inalalayan papunta sa kwarto. Kumuha rin ito ng suklay at sinuklayan si Belle.

    “Salamat po dahil tinuturing mo akong anak,” nahihiya niyang sinabi habang nakayuko.

    “You are my responsibility. Lalong masipag ka naman din sa bahay. Maligo ka na pagkatapos matulog na rin, okay?” tumayo si Joseph kaya naman sumunod si Belle papunta ng banyo.

    Narinig niya lamang ang pagsara ng pintuan kaya naman sinimulan niya ng maligo.

    Sa pagbabalik ni Joseph sa kwarto nilang mag-asawa, naabutan niya na lamang itong nag-aayos.

    “Saan ka pupunta?”

    “Emergency meeting.”

    “Ha? Hating gabi na?  Huwag ka nang magpuyat dahil mas lalo tayong pagagalitan ni Doc. Paano tayo susubok na magkaroon ng anak kung palagi ka na lang nagpapagod.”

    “Wow? So ako ang may problema? Ako lang? Ikaw din naman ang may pagkukulang!”

    “Marga, buong araw akong pagod sa trabaho. Huwag ka naman gumawa pa ng away. Kaya nga nag-ampon tayo para maging tahanan itong bahay natin. Para maramdaman natin na pamilya tayo.”

    “Aalis ako! Ayoko na sa batang iyan! Mag-aampon ka na lang katorse anyos pa! Gusto ko sanggol hindi iyang may kati sa balat! Malay ko bang naglalandian kayo kapag wala ako?!”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon