CHAPTER 26

1.7K 91 10
                                    

    CHAPTER 26

   

    “Vip flight to Cebu.”

    Narinig ni Belle ang nag-iisang flight attendant na nagsalita kaya naman inayos niya ang sarili at inilapit ang gamit na bibitbitin. Napalingon na lamang si Belle kay Hugo at nakita niyang nakapikit pa rin ito. 

    “Ang gwapo… wala akong masabi sa mukha ng lalaking ito. Walang bad angle, ang bango ng hininga. Tsaka kahit pawisan yata ang bango pa rin. Walang pores at mas makinis pa sa akin. Bukod sa lahat, sana lagi na lang siyang tulog kasi ang bait niyang tingnan,” bulong ni Belle at bahagyang lumapit para mas titigan ang mukha ng binata.

    “Hobby mo talagang pagmasdan ako?”

    “Oh my gosh!” Tili ni Belle kaya naman napaatras siya at sumadsad ang puwitan sa upuan. “Hindi ha! Gigisingin sana kita!”

    “You don’t have to. Lagi naman akong gising,” tugon ni Hugo pagkatapos ay pinagtaasan niya ng kilay si Belle.

    Paglapag ang eroplano sa Cebu, laking gulat ni Belle na sinundo sila ni Charm kasama ang mga gwardya ni Hugo. Iritang-irita ang itsura ni Belle nang makita niya kung paano maging maarte si Charm sa harapan ni Hugo.

    “Napaka playboy talaga ni Hugo. Pulang-pula ang tainga sa sobrang lastod!” Bulong ni Belle habang pababa ng hadgdanan.

    “Ahh!”

    Isang malakas na kalabog ang pumukaw sa kanilang atensyon nang malaglag mula sa ikalawang baitang ng hagdanan si Belle. 

    “Belle!” Bulalas ni Hugo at ipinasa kay Charm ang hawak na laptop para lamang tulungan ang dalaga. “Goddamnit! Are you okay?” 

    “O—okay lang ako,” tugon ni Belle at hindi naman makatingin ng maayos kay Hugo. Pinilit niyang tumayo at pinagpag ang kamay.

    “Let’s go to the hoispital!” Malakas na sinabi ni Hugo kay Charm.

    “Naku, hindi na! Na-shoot naman ako sa maleta kaya okay lang ako. Promise, wala akong sugat.”

    “Hindi!”

    “Okay lang ng—” hindi natapos sa pagsasalita si Belle nang bigla siyang buhatin ni Hugo papasok sa kanilang service van. 

    Kitang-kita ito ni Charm at bahagyang tumawa dahil sa kinilos ng kanyang amo.

   

    Mula sa hindi kalayuan na lugar, nawala ang paningin ni Jamie kay Hugo at Belle nang matanggap niya ang tawag mula kay Gael.

    “What?” 

    “Are you okay? Bakit parang inis ang boses mo?”

    “I just hate how this highschool student acts in front of sir Hugo.”

    “Seriously? Anong nangyari? Nagseselos ka ba?” malokong katanungan ni Gael kaya naman nagdikit ang magkabilang kilay ni Jamie.

    “No! I am just protecting him from this woman. Ni hindi nga natin siya kilala at hindi pa siya ganoon kakilala ni boss para pagkatiwalaan.”

    “Even you… hindi ka rin naman niya ganoon kakilala but he put his trust on you. Hayaan mo lang si Boss dahil number one na ayaw niya ang pinakikialaman siya sa desisyon niya. I just called to check if you are okay.” wika ni Gael.

    Akmang sasagot pa sana si Jamie pero binaba na ng binata ang linya. Jamie decided to drive the car. Sinundan lang niya ang mga kasamahan na gwardya para bantayan si Hugo.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now