CHAPTER 50

1.4K 96 16
                                    

CHAPTER 50

Sa pagbaba ng sasakyan ni Belle, inayos niya ang suot na pekeng bangs habang papasok sa bagong building kung saan ang isa pang negosyo ni Hugo at Mr. Tan.

“Dito ba siya Manong Boyet?”

“Oo Ma’am, dito na tayo dumaan para hindi ka makita ni boss. Transparent wall kasi ang conference room sa opisina na ito.”

Sa pagpasok ni Belle sa opisina ni Hugo, napanganga na lamang siya dahil sa sobrang laki at sobrang ganda ng paligid. Inilapag din niya ang ginawang pagkain para kay Hugo pagkatapos ay nilibot ang paligid hanggang sa mapunta siya sa swivel chair nito. Hindi nagkakamali si Belle na makita ang isang hubad na painting. Nakatalikod lang ito at balingkinitan ang katawan. “Bakit parang kapareho ito ng likuran ko?” pagtataka ni Belle.

Muli siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa couch ng opisina. Belle heard an unfamiliar voice. Kaya naman napagdesisyonan niyang magtago sa bookshelves ng opisina ni Hugo. Bahagyang sumilip ang dalaga hanggang sa makita niyang isang lalaki na dumiretso sa lamesa ni Hugo. Kitang-kita ni Belle na may idinikit ito under the table at sa iba pang parte ng opisina. Halatang nagmamadali ito at aligaga na may makakita. Paatras nang paatras si Belle upang hindi  siya makita ng lalaking hindi kilala.

Mula sa loob ng conference room, inip na inip na si Hugo sa mga pinag-uusapan ng mga kapwa negosyante. Hindi rin maganda ang pakiramdam niya dahil nandito rin ang CEO ng Plantera Incorporated na si Elias. 

"I'll keep my enemies closer," bulong ni Hugo hanggang sa inilabas niya ang cellphone.

"Boss, Ms. Annabelle visited your office. Ayaw po magpapigil. Naghihintay po siya sa loob ng opisina mo," a message from Manong Boyet.

Kunot noo naman si Hugo at sinimulan na buksan ang cellphone. Until he found out that someone was inside his office. Hindi niya ito kilala at lalo siyang nabigla dahil nagtatago si Belle sa likuran ng shelves. He immediately stood up. Tumakbo si Hugo papunta ng opisina dahil siguradong sasaktan nito si Belle.

From inside the office, napansin ni Belle na papalapit nang papalapit ang lalaki  papunta sa shelves. Hinugot ng dalaga ang lanseta na binigay ni Hugo sa kanya hanggang sa makarinig ng malakas na katok ang lalaki sa pintuan kaya naman mabilis itong tumakbo papunta sa bintana at tiningnan kung gaano kataas ang palapag. 

Napasilip si Belle dahil nakita niyang mukhang tatakas ito at tatalon sa bintana.

"San Jose!" Sigaw ni Hugo sa pintuan kaya nag panic ang lalaki na hindi kilala.

Naglakas ng loob si Belle na asintahin ang lalaki gamit ang kanyang lanseta kaya naman tumama ito sa hita ng lalaki. Tumakbo si Belle upang mabuksan ang pintuan dahil kailangan niya ng saklolo kay Hugo. Ngunit sa pagbubukas ng pintuan ni Belle ay inilabas ng lalaki ang isang silencer gun at pinatamaan sa tagiliran at balikat si Belle. 

Kasabay ng pagtama nito ang pagtalsik ng dugo kay Hugo at pagtalon ng lalaking tumakas sa bintana ng opisina. 

"Belle!" Sigaw ni Hugo at bumagsak ang dalaga sa sahig. Sinalo siya ni Hugo kaya naman hinawakan ni Belle ang balikat ni Hugo.

"I saw h—him…"

Unti-unting bumagsak si Belle at nawalan ng malay. Nanginginig ang buong katawan ni Hugo sa sobrang galit at binuhat si Belle palabas ng opisina.

"Hugo! What's happening?!" Sigaw ni Mr. Tan at ibang negosyante.

"Who is she? Anong nangyayari?!" Tanong ni Allan habang nagpapanggap sa ibang pagkatao.

Paulit-ulit na tinatanong ng mga tao sa opisina dahil tinakpan ni Hugo ang  mukha ni Belle.

"Belle, wake-up!" 

Mabilis na  nagmaneho si Manong Boyet pabalik sa bahay ni Hugo. Galit na galit ang binata at gustong-gusto niyang malaman kung sino ang may gawa nito.

"Charm!" Bungad ni Hugo mula sa kabilang linya.

"Sir, our team is inside your office. Inunahan ko na sila kanina dahil paparating ang mga Pulis. Nalaman din ni Vito at Jacob ang tungkol dito kaya  naman kaagad nilang tinawagan si Pulisya. Kaya naman nagmadali kami na unahan sa imbestigasyon ang mga ito.”

Hindi mapakali si Hugo habang hinihintay na magising si Belle. Manong Boyet successfully removed the bullet on her body.

"Sir… huminahon na po kayo."

"Paano ako hihinahon kung pati si Belle ay dinamay?! I need to find my fucking swiss knife! Ayokong malaman nila kung sino si Belle! Magiging mas peligro ang buhay niya! Belle was a product of syndicate, kaya kung sino man ang sindikato na gumawa nu'n sa akin, maaaring makilala nila si Belle by her finger print!"

"Sir, calm down."

"I don't wanna lose her. Please, aalis ako. Keep your eyes on her, she's not an ordinary lady, Manong Boyet. She is skilled, asintado si Belle."

Tumango si Manong Boyet kaya naman heto at at lumabas si Hugo upang pumunta ng warehouse. Tinipon ang mga tauhan at sinundan lahat ng mga access ng camera.

Panay ang pagsasaliksik ni Hugo hanggang sa nakita niya ang ipinadala ni Charm sa kanya. "Sir, he is related to scarred faces. And this is the address of their warehouse, Sir."

"Later at twelve in the midnight, we will go there. Wala kayong bubuhayin."

**

"PUNYETA! Bakit ka nagpahuli?!" Sigaw ni Henry.

"Sir, asintado ang babaeng nasa loob ng opisina ni Mr. Franklin Hugo."

"Palpak na nga tayo sa Cebu, pati ba naman dito?! I need to watch him! Maraming pera ang taong ito at kailangan natin mabantayan ang pera na pipirmahan niya sa negosyo ng Plantera!"

"Sir, pwede ko naman po malaman kung sino ang babaeng iyon. I only heard San Jose, pero hindi mismo ang pangalan niya."

"Find her finger print. Baka sakali na makilala natin ang tauhan niya. I think hindi lang isa ang kalaban ni Mr. Hugo. Mayaman siya at alam kong maraming kabungguan na negosyante iyan," Henry uttered.

Henry wants to ruin his brother's business including Mr. Tan. Alam niyang isang pader sa negosyo ang tulad ni Franklin kaya naman kailangan niyang makuha ang pera nito para sa pansariling negosyo. He wanted to beat his brother  dahil alam niyang kayang-kaya nitong maging katulad ng Black Umbrella.

"It looks like that woman inside his office is something special. Nakita ko na may regalo siya kay Hugo, parang nobya niya po,” dinagdag ni Tonio.

"Maybe, sayang at hindi mo nakita. Kundi pwede natin siyang gamitin. Anyway, find her finger print record. We can use her as his weakness."

Nagdaan ang gabi, pilit na bumangon si Belle at nakita si Manang Karing na nagbabantay sa kanya.

"Belle, magpahinga ka pa."

"Hindi… si Hugo? May pumasok po sa opisina niya, I saw him. Naglalagay siya ng recorder at camera sa paligid. Nasaan si Hugo?" Pagpapanic ni Belle.

"Huminahon ka. Kayang-kaya ni Hugo ang sarili niya. Makinig ka sa akin, pumarito ka lang sa bahay at okay lang si Hugo."

"I wanna see him," umiiyak Belle habang nakatingin kay Manang Karing. Para bang bumalik ang lahat sa nakaraan kaya naman tinakpan ni Belle ang tainga.

"Ayoko nang bumalik sa dati! I wanna see Hugo! Frank!" Paulit-ulit na sigaw ni Belle kaya naman na alarma si Manang Karing at tinawag ang ilan pang kasambahay.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon