CHAPTER 85

1.5K 118 9
                                    

CHAPTER 85

INIP na inip at panay ang tanong ni Jaica kung ilang kilometro pa bago sila makarating mg Sagada province. Asar na asar din si Gael dahil sa kakulitan ng asawa.

"Darating tayo roon."

"Pinagbubuwisitan mo ba ako?" Asar na tanong ni Jaica.

"No, of course not."

Nang dahil sa preno na napakalakas, halos mahampas si Jaica sa harapan ng sasakyan.

"Gael naman!" 

"Umusok! Nasiraan pa tayo!" Reklamo niya pagkatapos ay bumaba ng sasakyan upang tingnan ang umuusok na makina.

"Kainis namam! Bakit ngayon pa ito nasira?!" Reklamo ni Jaica.

"Jai, kung magbubuwisit ka lang wala talagang mangyayari."

Dahil sa biglang pag-alis ni Franklin pagkatapos ng  kanilang kasal, they asked Manong Boyet pero hindi ito nagsalita hanggang sa malaman nilang binitiwan muli ni Franklin ang pagiging Pari sa Espanya upang magpakasal kay Belle.

"Bakit kasi napaka masikreto ni Manong Boyet?! Ang tagal-tagal kong iniiyakan si Belle!" Paghihimutok ni Jaica habang umiiyak sa harapan ng asawa.

"Don't cry magkikita kayong muli. Just wait, okay? Aayusin ko ang sasakyan."

Habang nasa kalagitnaan ng pag-aayos si Gael, biglang may tumigil na isang van.

"Gael! Jaica!" Bulalas ni Charm kaya naman nagulat ang mag-asawa.

"Charm! Isama mo na kami!" Pagmamadali ni Jaica.

"Jaica, how about my car?!" Reklamo ni Gael.

"Tara na! Nakasunod ang El Hombre! Dali!" Pagmamadali ni Charm kaya naman kumaripas sa pagtakbo si Jaica upang kunin ang gamit sa loob ng kotse pagkatapos ay nilipat sa van.

Lahat sila'y nagmamadali na makita si Belle at Hugo. Nabalitaan ito ni Vito at Cassandra pati na rin si Jacob.

Alam nilang lahat ang kondisyon ni Belle kaya bilang pambawi ni Jacob, siya mismo ang naghanap ng corneal transplant para kay Belle. Walang alam si Franklin na ang kaibigan niya sa espanya ay kinausap si Jacob para sa operasyon ni Belle.

Lahat ay gagawin ni Jacob dahil alam niyang si Joaquin ang naging dahilan kung bakit ito nangyari kay Belle.

Nilalamig ang mga katawan kasabay ang labis na kaba nang sila'y bumaba ng sasakyan. Nakita nila ang pottery shop na tinuro ni Manong Boyet hanggang sa natagpuan din nila ang nakagarahe na sasakyan ni Franklin.

"Dali! Belle! Belle!" Tawag ni Jaica hanggang sa lumabas ang dalawang bata sa pottery shop.

Natigil silang lahat dahil sinalubong sila ng kambal at kasunod nito'y si Sita.

"Manong Boyet!" Bulalas niya at niyakap ang matanda.

"Naku! Parang kailan lang at napaka laki na nila?! Si Belle at Sir?" Tanong ni Manong Boyet.

"Hindi ko alam, ang sabi lang ng mga kapitbahay buhay na buhay si Belle habang masaya na tumatakbo."

"Ate Sita, sino po sila?" Tanong ni Franco.

"Kaibigan ng magulang mo. Aba'y teka! Tara na at pumunta sa bahay."

Belle and Franklin finally reached the abandoned bus in Sagada. 

"Ang lamig, I'm getting cold," wika ni Belle kaya naman hinawakan ni Franklin ang kanyang kamay.

"Are you ready tomorrow? We are going to the USA for your operation."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now