CHAPTER 43

1.8K 105 20
                                    

CHAPTER 43

"Because of that woman. I am always here to serve him. Lahat ng gusto niya ibibigay ko! Pero si Belle na kailan lang niya nakilala at wala naman ambag! Sige! Sabihin mo sa akin, Gael. Hindi ba't pinagtangkaan ka na rin niyang nakawan kaya wala ka rin tiwala kay Belle! Lahat alam ko kung paano siya pag eksperimentuhan! Her skills in jewelry? Hindi magagawa ng isang baguhan 'yan. She was well-trained under a syndicate at hindi niyo iyon malalaman!"

Paulit-ulit pinakikinggan at pinanonood ni Hugo ang video na pinadala ni Charm sa kanya. Napatingin si Hugo kay Belle na nakahiga sa kanyang dibdib.

"Who are you, Belle? Kaya ba napakarami mong peklat sa likuran dahil sa pinagmulan mong sindikato? How can I ask her about this. Hindi ganoon iyon kadali dahil lahat ng bata na nanggaling sa sindikato ay nakakaranas ng psychological problem o traumatic experience. Paano? Ni hindi recorded ang ang pangalan ng mga umampon sa iyo... except Joseph and Marga will be my lead."

Kunot-noo at dahan-dahan niyang inusog si Belle upang maihiga ng maayos. Ala una na ng madaling araw ngunit bumalik pa si Hugo sa kanyang laptop upang tingnan ang lahat ng research work tungkol sa El Asesino, Black Umbrella at El Padres. May pagkakahambing lahat ang nakalagay sa El Asesino laban sa Black Umbrella at El Padres.

"Ang former president ay kasamahan ni Tobias noon. Correct, they're related. Pero paano ang nag set up sa kasal ni Vito at Cassandra noon sa simbahan? Yes... yes they're related to the Priest. And Belle came from the orphanage."

Ngumisi si Hugo pagkatapos ay uminom ng alak. "Magkakasama lang kayo... hindi niyo ako mapaglalaruan. Makakahanap pa ako ng impormasyon sa inyo."

"Frank," tawag ni Belle habang ito ay nagkukusot ng mga mata.

Mabilis na sinara ni Hugo ang laptop at kinandong ang nobya. "Matulog ka pa."

"You look stressed."

"Sa trabaho lang naman."

Ngumiti si Belle pagkatapos ay hinalikan ang labi niya, her hands were going down to his pants. Napasinghap si Hugo dahil hinawakan ni Belle ang pagkalalaki niya.

"Belle, maaga pa tayo bukas."

"O—okay."

"Belle, can I ask you a question?"

"Hm? Yes?"

"I wanna know you more. I mean personally, from the roots. Nasaan na ang mga taong umampon sa iyo?"

"Hindi na mahalaga iyon, Hugo. Matulog na tayo."

"Gusto ko lang makilala ang babaeng para sa akin. Ako, ayaw mo ba akong mas makilala pa?"

"Kilala na kita, diba? Halika na," masungit na sinagot ni Belle dahil ayaw na ayaw niyang binabalikan ang nakaraan.

"She's ignoring something... may mali talaga sa kilos ni Belle," bulong ni Hugo.

Hugo followed her hanggang sa makahiga na sila sa kama. Hugo slowly touched her hips. Bumaba ito nang bumaba hanggang sa ang palad niya'y napunta roon. Napakapit si Belle sa unan habang pilit tinatago ang takot sa kanyang mukha.

"Paano ko sasabihin kay Hugo? What if he will not accept me? Dalawang lalaki ang bumaboy sa akin... paano?" bulong ni Belle.

"Are you okay? Bakit nanginginig ang katawan mo?" pagtataka ni Hugo at sapilitan siyang hinarap.

"Malamig."

"Sige na at matulog ka na."

Umiling si Belle pagkatapos ay niyakap si Hugo. "I want it... please continue, Hugo."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now