CHAPTER 48

1.6K 120 19
                                    

CHAPTER 48

A few days ago.

MULA sa Cebu, pagod na pagod kakasunod si Gael sa lahat ng lakad ni Jaica. Magmula lumipat ang dalaga rito para sa trabaho, halos libutin na nito ang buong bar.

“Napaka party whore naman ng babaeng ito. Hindi ba siya nagkakaroon ng hangover?” asar na sinabi ni Gael hanggang sa mapansin niyang pumasok si Jaica sa loob ng palikuran. Lumapit naman si Gael habang bitbit ang isang basong alak.

Mula sa loob ng banyo, isinara ni Jaica ang barrel vault upang walang makapasok sa loob. Binuksan ng dalaga ang bag hanggang sa inilabas niya ang asul na wig at itim na silk dress.

Mabilis na kumilos si Jaica at kinapalan ang make-up. She managed to pack her bag and hide it behind the cleaning supplies. Sa pagbubukas ng pintuan, isinubo rin ni Jaica ang chewing gum.

Nagmasid sa paligid ang dalaga hanggang sa kapain niya ang maliit na lanseta na nakatago sa kanyang hita.

“Hindi ako nagkakamali… pagkatapos ng ilang taon, kilalang-kilala ko pa rin ang mukha mo Henry,” bulong ni Jaica hanggang sa umupo siya sa tabi.

Ang paulit-ulit na pagpunta ni Jaica sa bar ay isang misyon para sa kanya. Dahil pagtapak niya ng branch ni Mr. Tan at Hugo sa Cebu, hindi siya nagkakamali na mamukhaan ang pamilyar na body built ng isang lalaki. He is all covered by black cloth. Lalong walang ikaliligaw si Jaica sa kaanyuan ni Henry, bukod sa sunog din ang katawan nito.

“I’m sorry, Belle. Kailangan ko talagang itago ito. Hindi ko alam kung bakit nakatuntong ang mga paa ni Henry sa negosyo ni Mr. Tan at Hugo. Alam ba ni Hugo ang tungkol dito? Kalaban ba siya? Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Isa rin siyang illegal tycoon? Mahirap magtiwala,” bulong ni Jaica hanggang sa mapansin niya ang lalaking naglalakad habang may kasama na mga gwardya at ilang mga babae papaakyat sa VIP area. 

Nagmadali si Jaica upang isingit ang sarili niya. Kinapa rin niya ulit ang lanseta kung nandito pa. Sa bilis ng takbo ni Jaica, hindi niya napansin na sumunod si Gael sa kanya. 

Pasimple at sinuot din ni Gael ang leather gloves upang gayahin ang mga gwardya na nakapalibot sa sinusundan ni Jaica.

“Ohh! Girls are finally complete!” Bulalas ni Mr. Lee habang nakaharap kay Henry.

“Sigurado ka ba sa mga babaeng ito? Lahat ba sila malinis? No HIV?” tanong ni Henry.

“Henry, hindi ko naman kayo binigo ni Joseph. I have the same treatment for both of you. If your brother likes children, ikaw naman ay bibigyan ko ng magagandang dalaga,” wika ni Mr. Lee.

Hindi nagkakamali si Jaica na marinig ang malakas na pag-uusap ng dalawa. Para bang nanigas ang mga paa ni Jaica na marinig muli ang katakot-takot na boses ni Henry. Para bang ibinalik siya sa nakaraan hanggang sa hindi niya maigalaw ang katawan. 

Tila nagdilim ang paligid at sigawan ng mga tao ang nangibabaw sa buong bar. Jaica felt rushed when someone covered her face using  plastic. Hindi makapang laban ang dalaga dahil sa sobrang takot niya. 

“Katapusan ko na ba ulit?” huling mga salita na kanyang sinabi bago tuluyang mawalan ng malay. 

“Cover him! Cover him!” Sigaw ng mga kalalakihan.

Isang malakas na putukan ng baril ang lumigid sa buong bar kaya naman hindi maiiwasan na magkaroon ng stampede sa loob. 

Naalarma ang ang mga kasamahan ni Gael kaya naman nang makuha nilang kumilos, naabutan nila si Gael na may bitbit na babae at isang plastic bag. 

“Sir? Anong nangyayari?”

“Search the area now! I need to secure Ms. Jai!”

Sumunod ang mga kasamahan ni Gael kaya naman mabilis na sumakay ang binata papunta sa kanyang sasakyan upang dalhin si Jaica sa mas tahimik na lugar.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now