CHAPTER 46

1.5K 115 13
                                    

CHAPTER 46

HINDI pinalampas ni Hugo ang pagkakataon na makasama si Belle habang siya ay may misyon. Charm is out for her work habang si Hugo na nakuhang sulitin ang oras na kasama ang nobya.

Long drive, same clothes worn going to the coldest place in the Philippines. Kahit pagod at walang tulog, pinanindigan ni Hugo na magbiyahe paakayat ng Sagada para lamang bisitahin ang antic pottery shop dito. Gusto rin niyang sorpresahin si Belle dahil alam niyang isa ito sa paborito ng dalaga. 

Napalingon na lamang si Hugo nang makita si Belle na mamaluktot. She's still wearing her thin nighties dress and jacket from Hugo.  He can’t control himself to touch her lap. Hinimas niya ito kaya naman nagising si Belle.

“Frank, bakit ang lamig?” tanong ni Belle habang ang isang mata ay nakabukas at ang isa naman ay nakapikit.

“We’re going to Sagada.”

“Seriously?! Kanina ka pa nagdi-drive? Ni hindi mo man lang ako ginising? Sana naman nagpamaneho ka na lang sa driver mo para nakapagpahinga ka.”

“I’m okay as long as you feel great.”

Ang lamig sa katawan ni Belle ay napalitan ng paunti-unting pag-akayat ng mainit na dugo. Gusto niyang kiligin dahil sa sinabi ni Hugo. Kaya naman heto at ginilid niya ang mukha at kinagat ang ibabang labi. “Ang sarap niyang papakin… ang sweet,” bulong ni Belle habang pangiti-ngiti.

“Are you hungry? Stop over na muna ba ako?”

“Hindi na, ituloy mo na ang pagmamaneho para kapag dating natin doon ay makapagpahinga ka na kaagad.”

Sumunod lamang si Hugo sa sinabi ni Belle. After a few minutes, nakarating din sila ng hotel and lodging. Napatingala na lang si Belle dahil sa ganda ng paligid. Mas tahimik ito kumpara sa Tagaytay pineapple farm. Malamig din ang simoy ng hangin, walang usok sa paligid lalong natatanaw nila ang magandang puno pati na ang bundok. 

Belle wants to cry while looking at the sunrise. This is her first time appreciating nature with Hugo. 

“Napaka layo ko kay Henry at Joseph. Lumayo ako sa lugar kung saan nagsimula ang bangungot ng buhay ko. I wish I could stay here for good. Mas tahimik dito kumpara sa Tagaytay. Para bang nasa paraiso ako,” bulong ni Belle.

“My queen,” tawag ni Hugo pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang balikat habang siya’y nakatalikod.

    “Hmm?”

    “Let’s go inside, nakahanda na ang breakfast,” aya ni Hugo pagkatapos ay nag-iwan ng halik sa kanyang leeg.

    Sabay na naglakad ang dalawa papasok sa isang isang lumang bahay na may tatlong palapag. Halatang ni-renovate lang ito at preserve pa ang mga lumang gamit.

    “Mr. and Mrs. Hugo, handa na po ang almusal,” wika ng isang matandang lalaki pagkatapos ay iniwan sila sa loob ng bahay.

    Napasinghap na lamang si Belle nang maramdaman muli ang labi ni Franklin sa kanyang leeg. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng jacket dahil pakiramdam niya’y muli siyang bibigay.

    “I’m glad that we are together,” wika ni Hugo.

    “Oo nga, may panahon tayong dalawa. Walang nagbabantay na guards, parehong malaya,” tugon ni Belle pagkatapos ay umiwas dahil pakiramdam niyang mas uunahin niyang almusalin si Hugo kesa sa pagkain na nakahapag sa lamesa.

    “Come, sit on my lap,” aya  ni Hugo kay Belle habang tinatapik-tapik pa nito ang binti.

    “Dito na lang. Nakakahiya, baka naman pumasok si Manong.”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now