CHAPTER 69

1.4K 115 18
                                    


CHAPTER 69

LUMIPAS ang ilang oras, nakarating sila ng bahay pero hindi pa rin malapitan ni Gael at Charm ang magkaibigan na nasa loob ng kwarto.

"Hindi ko alam kung ano ang sasapitin ko, Gael. Ilang oras na lang nalalapit na ang pag-uwi ni sir."

"Let's wait for him. Alam kong hihintayin niya tayo."

"But I am afraid that he will kill us."

"Hindi niya iyon gagawin, Charm."

Mula sa loob ng kwarto, hawak lamang ni Jaica ang kamay ni Belle. Lumuluha pa rin ito habang nakatingin sa bintana. Halos tatapak na sa twenty-hours na walang imik si Belle. Hindi siya nakakaramdam ng antok at kahit anong pagod.

"Belle, magpahinga ka kaya."

"Jaica. Gusto mo ba ang buhay natin ngayon?"

"Honestly yes, pero may kulang dahil hindi ka rin naman masaya."

"Jaica... hanggang ngayon ba parte pa rin ako ng misyon? From Henry at Joseph, misyon na babuyin at ibenta sa kahit kanino? Para maging sex slave? Pagkatapos ngayon kay Hugo na isang misyon para mahanap si Henry at Joseph? Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil alam kong sisisihin niya ako sa nangyari. Kesyo stubborn ako, matigas ang ulo. Pero hindi niya ba napapansin na palaging ako ang nag-aadjust sa ugali na meroon siya? Sa mga gusto niya na palagi ko na lang sinusunod? Para bang palaboy ako na namamalimos sa kanya para pansinin, bigyan oras."

"Stop crying your heart out. Mabibinat ka na. Hindi ka pa okay, Belle."

"If you want to stay in this life. Ayokong iwan ka pero hahayaan kita kasi masaya ka. Kasi ito ang matagal mo nang gusto. You reached your dreams, Jaica. Gusto ko na lang mamuhay ulit at magsimula," wika ni Belle pagkatapos ay bumangon upang kunin ang bag at gamit.

Pinigilan naman siya ni Jaica pero hindi nagpatinag ang dalaga. "Belle, please? Sasama ako kung aalis ka."

"Jaica, may sarili kang buhay. Huwag mo akong intindihin."

"Belle, magkapatid tayo, magkaibigan tayo."

"Uulitin ko. May sarili kang buhay at ayokong isama ka sa mga pagkakamali ko. Please, just respect m-"

Hindi natapos ang pagsasalita ni Belle nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito'y si Franklin. Biglang napaatras si Jaica at mabilis na tumakbo palabas. Na unang inalis ni Belle ang mga mata at yumuko. Ang kaba sa puso niya'y lalong umugong nang marnig ang malakas na pagsara ni Franklin sa pintuan.

"Anong sinabi ko sa iyo?!" Sigaw ni Franklin pagkatapos ay nilapitan siya nito para hatakin ang braso. "You lost our baby, Belle! Lahat ginagawa ko para sa atin. Para hindi na maging magulo ang buhay natin! But look what you did?! Saan ka pumunta?! Sino ang kasama mo?!"

"Bitiwan mo ako."

"Fuck, Belle! Napaka makasarili mo!"

"Makasarili? Sino sa atin ang self -centered? I almost forgot myself! Hindi ako ganito! Hindi ako parang tanga na naghihintay sa isang tao na balikan ako. Hindi ako isang tuta na iiwan sa sulok pagkatapos babalikan kapag kailangan lang galawin! Franklin, alam kong may kasalanan ako dahil tumakas ako kasama si Joaquin. Ano ba ang option ko? Magkulong sa bahay mo habang wala akong ni isang ideya sa kung anong nangyayari sa iyo?!"

"Joaquin? You were with him... funny. Unang beses pa lang sinabi ko sa iyo na huwag kang sasama sa kanya dahil hindi ko siya pinagkakatiwalaan!"

"Hindi mo siya pinagkakatiwalaan pero siya ang nasandalan ko noong nangungulila ako sa iyo! Bakit hindi mo aminin Hugo? I am just one of your fucking missions!" Pumalag si Belle at pinagsusuntok ang dibdib ni Hugo. "Sabihin mo ang totoo! Mula pa noong katorse ako inaalam mo na kung sino ako dahil sa pagnanakaw ko sa pera mo para kay Cassandra. Sabihin mo! Hindi ka makakapagsinungaling sa akin dahil kitang-kita ko kung paano mo imbestigahan ang pagkatao ko! My conscience is bugging me... kahit baliktarin ko pa ang mundo... kahit magalit ako sa iyo, ako pa rin ang sisisihin mo dahil magnanakaw ako at kasalanan ko na mawala ang anak natin!"

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon