CHAPTER 23

1.8K 95 18
                                    

CHAPTER 23

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 23

“SIR, may balita po!” Bungad ni Allan at inilapag ang imbitasyon ng Tagaytay New coast bar para sa imbitasyon kay Presidential Candidate Jacob lalong kasama pa rito ang pamilyang Valentin.

“Can I ruin the party?” malokong sinabi ni Joseph habang nakangiti.

“Ilang tao ang i-dedeploy sa Tagaytay, para naman po makapaghanda kami ngayon.”

“Ikaw na ang bahala. Alam kong magaling ka sa ganyan bagay. I guess maraming mayayaman na babae ang nand’yan. Dalhan mo 'ko, sayang si Cassandra… gusto ko sana kaso may anak at buntis pa. I don’t like her anymore,” wika ni Joseph.

“Sure sir, may papatayin po ba kami?”

“Nope, hindi para sa ngayon ang pagpatay kay General Jacob, may iba akong plano para sa kanya. Bring body cam, gusto kong panoorin ang mga taong umiiyak kapag may bomba na sumasabog. I assumed, baka may trauma pa si Vito.”

“Masusunod sir!”

Dali-daling sumunod si Allan at kumuha ng sinkwenta katao para lamang manggulo. Hindi ito planado pero dahil sa kagustuhan ni Joseph na manggulo, napili niyang guluhin ang party ng nababalitaan na Presidential candidate.

Mula sa loob ng hotel room, tahimik si Belle habang nakahiga sa couch.  Magsimula nang pumasok sila sa kwarto na tinutuluyan nila Hugo, hindi na ito bumangon mula sa pagkakahiga. Muling lumingon ang dalaga at tiningnan kung gising si Hugo. Minabuting bumangon ni Belle upang tingnan ang mga damit na binigay sa kanya.

“Naku, ang init naman ng attire na ito,” reklamo niya dahil puro long sleeves at pantalon ang binili sa kanya. Hindi naman siya natigil kakahanap hanggang sa matagpuan ang isang kulay pula na blusa at isang isang pencil cut below the knee skirt. 

“Ay wow! Ang ganda naman nito,” kaagad kinuha ni Belle at damit at itinabi sa kanyang couch. 

Ilang segundo lang ay narinig niya ang pagkabig ng pintuan sa banyo.  “Parang pusa naman kumilos si Sir Frank, nakatayo agad papunta ng banyo?”

Mula naman sa loob ng banyo, sinimulan maligo ni Hugo upang ihanda ang sarili sa night party. Hindi rin niya inaasahan na nandito sila Vito at Jacob dahil ang pagpunta niya sa Tagaytay ay parte ng kanyang misyon sa pagtugis ng kalaban. 

Dumampot ng razor at nilinis ni Hugo ang bigote at balbas. Sa mismong banyo na rin siya ng suot ng simpleng damit. As usual, isang butas na pantalon at white t-shirt ang palagi niyang sinusuot.

Paglabas ng binata, naabutan lamang niya si Belle na nakaupo sa couch habang hawak ang ipad schedule niya. 

“S—si—” nautal at hindi natapos kaagad ni Belle ang pagsasalita dahil sa kanyang pag-angat ng ulo, nanibago siya sa mukha ng amo. 

“What?”

“Sir, kasi… ano, bukas babalik ka na rin ng Manila? Na iba kasi ang nakalagay dito?”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now