CHAPTER 37

1.5K 109 17
                                    

CHAPTER 37

Matamis ang ngiti ni Hugo habang sinusuot ang itim na gloves pati ang jacket. Siya na mismo ang kukuha sa anak ng direktor ng paaralan. 

Charm is one of his trustees. Bukod kay Gael. Ngunit walang ideya si Jamie na isang undercover agent si Charm sa ilalim ng El Hombre Mafia.  Mas matanda ito kay Hugo pero kung ituring siya ni Hugo ay parang nakababatang kapatid. Siya rin ang  nagmamaniobra sa mga negosyo niya na nakapangalan sa iba’t ibang pangalan. 

“Gael, how’s Jamie?”

“She’s inside the room. Hindi pa kumakain.”

“Bakit ganito umasta si Jamie. Sooner or later, I will kill her.”

“I’m sorry sir.”

Pumasok si Hugo sa loob ng kwarto ni Jamie. Halatang nagulat ang dalaga at tinago ang hawak na mga papel. “Boss, kailangan po ba akong sumama?” tanong ni Jamie.

Hindi muna nagsalita si Hugo at nilapitan si Jamie hanggang sa mapaupo ito sa kama.

“Sir, bakit po.”

“Follow my instructions, Ms. Jamie. Betray me once, I will end your life.”

“I will not betray you. Everything you want, gagawin ko naman.”

“Really? Sumama ka sa akin,” bulong ni Hugo sa tainga niya.

“Yes sir.”

Mabilis na nagpalit ng damit si Jamie at upang sumama sa misyon ni Hugo. Nagtataka rin si Gael dahil hindi siya isinama ng amo. “Sir, hindi niyo po ako kailangan?”

“I need you to find something… something inside her room.”

“Copy sir.”

Mabilisan ang kilos at pumasok ng Indigo Light Bar sila Hugo. Puno ng kalalakihan at nagmatyag ng husto si Jamie.  Magkasama sila ni Hugo dahil gustong malaman ng binata kung paano ito magtrabaho.

“Sir, I found the three guys.”

“Remove your clothes, you know what to do.”

Tumango lang ang dalaga at sinimulan iladlad ang buhok. Hinatak din ni Hugo ang leather jacket niya hanggang sa tumambad ang magandang hubog ng pangangatawan nito. 

Pinagmasdan lamang ni Hugo kung paano makipaglaro sa kalaban si Jamie hanggang sa nailagay niya ang pampatulog.

“Back up, bring them to the car now,” utos ni Hugo hanggang sa malinis nilang nailabas ang tatlong binata. 

“You have a nice body, Jamie,” malokong sinabi ni Hugo kaya naman napangiti ang dalaga.

“T—Thank you po.”

“But next time, bilisan mo ang pagkilos.”

Pagbalik nila ng warehouse, isa-isang binaba ng sasakayan ang tatlong binata. Lumapit si Hugo sa promotor ng pagtulak ng droga hanggang sa hindi niya inaasahan na magising ito. 

“Ahh!” Sigaw ni Hugo dahil naramdaman niya ang lanseta na tumusok sa tagiliran.

“Sir!” Bulalas ni Jamie ngunit pinigilan siya ni Hugo.

“Papatayin kita!” Sigaw ng binata at akmang ibabaon pa kay Hugo ang lanseta. 

Tinulak lamang siya ni Hugo at hinayaan na mahiga sa sahig. Gusto man nitong lumaban  pero napakalakas ng kamay ni Hugo hanggang sa suntukin niya ang pisngi nito.

“You just left a small wound on my buddy, my dear,” maamong sinabi ni Hugo habang nakangisi.

Nasaksihan ni Jamie at Gael kung paano manlisik ang mga mata ni Hugo. “Huwag kang lalapit Jamie. Hayaan mo siyang makipaglaro sa mga adik na iyan.”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now