CHAPTER 30

1.9K 127 36
                                    



CHAPTER 30

"Belle," he stopped.

Napasinghap si Belle nang hatakin siya ni Hugo palabas.

"Saan mo ako dadalhin?"

Pinagtinginan si Belle ng mga bouncer hanggang sa makalabas na sila ng Red Light District.

"Hoy! Saan mo dadalhin ang anghel ko!" Bulalas ni Donya dahil pumukaw din ito sa kanyang atensyon.

Walang pakialam si Hugo at basta na lang niyang pinapasok ng sasakyan ang dalaga. He drove the car until Belle started to talk.

"Saan mo ako dadalhin?"

"Just shut up."

"Shut up?! Hoy, malay ko ba kung anong gagawin mo sa akin ha?! You just kissed me twice! Tapos pabitin-bitin ka! Bading ka ba ha? Bakit sa tuwing hahalik ka titigil ka? Trial and error ba kung bakla ka ba o hindi?!"

Biglang pumreno si Hugo sa isang madilim na kalsada kaya halos tumilapon si Belle mula sa kanyang kinauupuan.

"Sira ulo ka ha? Eh kung lumabas ako sa bintana ng sasakyan mo? Mapapalitan mo ba ang buhay ko?!"

"You are so fucking loud? Can you please zip your mouth for a little while dahil pareho tayong mamamatay kung guguluhin mo ako!"

Natulala na lang si Belle dahil halos lamunin siya ni Hugo. Heto at padabog na umupo ang dalaga. Wala siyang pakialam kung tabingi na ba ang wig niya, kumalat ang eyeliner pati na ang lipstick.

A few minutes later, napapikit na lang si Belle dahil nararamdaman pa rin niya ang pagkakahilo. Dumagdag pa ang malubak na dinadaanan nila ni Hugo.

"Bakit ba bako-bako?"

Hindi kumibo ang binata at muli na naman itong pumreno kaya halos lumipad ang dalaga.

"Fuck you, Franklin Hugo!" Sigaw ni Belle kaya napaharap ni Hugo sa kanya.

"What? What did you say?"

"I said, fuck y—"

Belle didn't continue what she wanted to say. Hugo threw a deep and a warm kiss on her lips. 

"Hmm, ano ba?!"

"Just… just please. Don't get mad at me."

"Get mad? Sinong hindi magagalit sa iyo? Ano ako bote para pagpraktisan mong halikan ha? Ibalik mo ako dahil may tatlo pa akong customer!"

"No… no customer. Tigilan mo ang trabahong 'yan."

"Who the hell are you? Wala kang karapatan diktahan ako sa gusto kong gawin! Kahit ilang lalaki pa ang bilangin ko, wala kang pakialam!"

"Then count me in! Kung nagbibilang ka pala, isama mo ako!"

Natigil muli ang dalaga kaya mas lalong nahumaling si Hugo na halikan siyang muli. 

"Belle? Hello? Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka lumaban? Bakit hinahahayaan mong halikan ka niya?" Bulong ni Belle sa sarili.

Hugo pulled her closer until he lifted her going above on his legs. Kinandong niya ito at biglang inatras ang frontseat kaya naman nasubsob pa lalo ang dalaga sa katawan ni Hugo.

"Frank," tawag ni Belle habang pinagmamasdan niya ang mga mata nito. "Ibalik mo ako sa Red Light."

"Kung pinoproblema mo ang mga nagbayad sa iyo. I can pay for your time just to stay with me. "

"They paid me to serve them drinks. Not being paid for sex. May konting dangal ako sa sarili hindi tulad ng inaakala mong pagnanakaw ko sa mga gamit mo."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon