CHAPTER 72

1.4K 105 20
                                    


CHAPTER 72


HATING gabi nang magising si Belle dahil naramdaman niyang bumangon si Franklin. Napansin na lamang niyang pumunta ito sa secret room kaya naman kinuha niya kaagad ang cellphone upang lumabas papunta sa kabilang kwarto.

Nagtataka si Belle dahil hindi siya tinawagan ni Joaquin tungkol sa kanilang pagkikita sa Helena St. sinimulan niyang tawagan ang numero nito hanggang sa sumagot si Joaquin.

“I know you are excited to meet me. Gusto mo bang ulitin natin ang pagtatalik?” 

“Tarantado ka, Joaquin! Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan mo, at para matapos na ito!”

“Get his money for me.”

“What?! I will not do that!”

“Hindi mo gagawin o baka gusto mong ikalat ko ang sex video nating dalawa.”

“Wala akong pakialam kung sisiraan mo ako dahil wala na akong dignidad noon pa! Hindi ko sasaktan si Hugo at hindi ko siya nanakawan!”

“Really? Even Jaica’s happiness? Hindi ba’t sa Lunes ang pinakahihintay niyang event?”

“Anong sinasabi mo?! Huwag mong idamay si Jaica!”

“Jarissa Veronica Del Mundo? You know that she’s a famous pornstar. Kung sino-sinong foreigner ang customer niya. Kapag lumabas iyon, lahat ng pinoprotekhan mo ay masisira.”

Napakagat ng labi si Belle habang iniisip ang dapat gawin. Gusto niyang magwala at magalit pero wala siyang bibig upang gawin ito. “S—sige… papayag ako. After this tigilan mo si Jaica at Frank. You can kill me after this.”

“No, I will not do that. You will marry me.”

“What? Anong sinasab—” hindi natapos ang pagsasalita ni Belle nang patayan siya ng linya ni Joaquin.

Napahawak na lamang siya sa dibdib nang makita ang iniwan nitong mensahe.

“I need the original certificates and his money. After that, we can live happily ever after, Annabelle.”

Ilang sandali lamang ay nakarinig ng yabag si Belle kaya naman kaagad niyang tinago ang cellphone sa loob ng drawer.

“What are you doing here?” tanong ni Hugo.

“Wala… I just missed our child.”

Nagtagis ang panga ni Franklin at akamang magsasalita ngunit pinangunahan siya ng halik ni Belle.

She pushed him going to bed at nagsimula na mag-alis ng damit si Belle.

“Are you okay? Hindi mo kailangan gawin kung nalulungkot ka lang.”

“I love you, Frank. Gusto kong malaman mo na hinding-hindi ko kaya na lokohin ka. Hindi ko kaya na saktan ka. Ayokong saktan ka nang kahit sino.”

“What are you saying? Wala naman makakagawa nu’n sa akin. Wear your clothes, malalamigan ka na.”

“Gagawin ko ang lahat para hindi na ako maging pabigat sa iyo.”

“Belle… kung ano man ang iniisip mo, leave everything to me.”

Niyakap na lamang ni Belle si Franklin habang tumatakbo sa isip niya ang lahat ng mga plano na dapat niyang gawin. 

“Hindi na ako magiging mahina. Kailangan ko rin lumaban.”

Kinanukasan maagang dumating ang isang sulat sa bahay ni Franklin. Kinakabahan si Belle dahil pakiramdam niya’y galing ito kay Joaquin.

“Para sa akin ito?” he asked Gael.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now