CHAPTER 64

1.2K 102 14
                                    


CHAPTER 64

PUNO nang galit si Charm habang nakatingin sa inosenteng mukha ni Belle. Nagmanman ang dalaga sa eskwelahan dahil napagdesisyonan na nitong bumalik sa pag-aaral.

"I hate my boss. Bakit ba siya nagkakaganito kung hindi niya na mahal si Sister Myla? Hindi pa ba maliwanag sa kanya na niloko siya nu'n? Iniwan at nagkaroon ng bagong identity kasi ayaw siyang makasama? Ano pa ba ang Pinipilit niyang alamin sa ex niyang iyon? Paano si Ms. Annabelle. I like her more than that stupid Nun."

Tumapak ang ikahuling linggo ng Enero pero wala pa rin balita si Belle kay Hugo. Umuuwi nga siya sa bahay nito, pero hindi niya maramdaman ang pamilya na gusto nilang buuin. Mag-isa si Belle na bumibisita sa doktor, mag-isa na inaalagaan ang sarili at lalong walang kayakap sa tuwing binabagabag siya ng bangungot mula sa nakaraan.

Tila iniwan sa ere at walang makuhang sagot si Belle sa mga alagad ni Hugo. madalas na naiisip niyang umalis na lamang sa bahay ni Hugo dahil hindi niya alam kung tama pa ba na nandito siya.

"Mahal niya ba talaga ako? Bakit hindi siya bumalik? Walang pasabi?" biglang yumuko si Belle habang nakaupo ito sa cafeteria. Wala pa rin siyang laya kahit na wala si Hugo. Bantay sarado sa mga gwardya nito kaya naman pakiramdam niya'y isa pa rin siyang bilanggo.

"Belle?" Tawag ni Joaquin nang makita niya ang dalaga.

"Sir, bawal lumapit," seryosong sinabi ng gwardya na nagbabantay kay Belle.

"Shut up, she's not okay. Look at her, namumutla siya!" Pagpupumilit ni Joaquin hanggang sa ipinagtulakan siya ng mga gwardya.

"Pwede ba? Kaibigan ko si Joaquin. Hindi ako preso para bantayan niyo every second!" Asik ni Belle pagkatapos ay hinatak ang kamay ni Joaquin.

"Ma'am, alam niyo naman pong ginagawa lang namin ang trabaho. Maaaring magalit si —" hindi niya natuloy ang sasabihin nang biglang sumigaw si Belle.

"Shut up! Hindi ako preso para bantayan niyo. May sarili akong buhay. Anong palagay niyo sa akin anak ng Presidente para sundan kahit saan ako pumunta?! Magagalit si Hugo? Bakit nasaan ba siya? Bakit hindi siya ang nandito? Tigilan niyo ako dahil matanda na ako at alam ko ang ginagawa ako!" Sigaw ni Belle.

"Ma'am, trabaho po namin na banta—"

"Tumigil ka kung ayaw mong sumabog ang bungo mo!" Matapang na sinabi ni Belle.

"Come on, guards. I am the son of Presidential candidate Jacob. Wala akong gagawin masama kay Belle. Besides, she's my close friend."

"Let's go, Joaquin."

Hinatak lamang ni Belle si Joaquin hanggang sa makaakyat sila sa ika-apat na baitang ng gusali.

Akmang magsasalita si Joaquin upang kumustahin ang dalaga nang bigla itong yumakap sa kanya habang umiiyak.

"I hate him... I hate him for leaving me without any idea from what happened to our relationship," umiiyak si Belle habang mahigpit na nakayakap kay Joaquin.

"Leave him if you aren't happy. It's Franklin Hugo right? Hindi pa rin nga siya nagbago mula sa kwento ni dad from sir Vito."

Biglang lumayo si Belle ng konti at tiningnan si Joaquin. "What do you mean?"

"I am not here to make a mess, pero dahil sa mga naririnig ko noon na pag-uusap ni dad at Vito. Hugo is a womanizer. Sa makatotohanan nagkagusto rin siya kay Cassandra when they first met. You can leave him easily, Belle."

"I can't... hindi naman ganoon kadali kasi gusto ko rin marinig kung ano ang nangyari?"

"Where is he?"

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now