CHAPTER 20

1.6K 79 13
                                    

CHAPTER 20

INABOT nang alas sais ng gabi at biglang napabalikwas si Belle mula sa kinahihigaan.

“Oh my gosh! Ilang oras na akong tulog sa office ni sir!” Napatayo ang dalaga at dumiretso sa bintana. Bumaba na ang araw at tiningnan din niya ang orasan. “Hindi na siguro siya darating. Sabi niya, hintayin ko siya,” mahinang sinabi ni Belle at kinuha ang bag upang siya’y tuluyang lumabas ng opisina.

Habang naglalakad ang dalaga, hindi niya  naiwasan na mapahawak sa kanyang sikmura. Nagugutom ang kanyang tiyan dahil mula pa kanina’y almusal lang ang kanyang kinain.

Panay ang tingin sa paligid ni Belle habang naghihintay ng masasakyan. Walang jeep ang dumadaan dahil puro taxi at private cars lamang. Halatang mayayaman ang nandito sa lugar na ito dagdag pa ang mataas na gusali.

“Makapaglakad na lang, kesa hindi makauwi. Kailangan ko talagang magtipid dahil napakamahal ng tuition fee sa gusto kong University.”

 Sa patuloy na paglalakad ng dalaga, napatingin na lamang siya sa isang fast food chain. Gutom na gutom ang dalaga kaya naman napagdesisyonan niyang kumain. Panay ang nguya ng dalaga at walang pakialam kung marumihan pa ang bibig niya ng ketchup.

“Hindi man lang ako binalikan, mukhang nakakatakot kasama itong si Mr. Frank. Sobrang laki siguro ng net worth niya.”

Masakit ang mga mata nang bumangon si Hugo. Napalingon na lamang siya at nakita ang mahimbing na pagtulog ng kanyang alagad na si Jamie. Maamo ang mukha nito at halatang ngayon lang nakapag pahinga. Napatingin si Hugo sa ceiling at pinikit muli ang mga mata hanggang sa maalala niya si Belle. 

Napabalikwas ang binata at dinampot ang jacket. “I forgot her, nakauwi na kaya siya?”

Bago lumabas ang binata, kinuha na muna niya ang kumot at tinakip sa katawan ni Jamie. Mabilis na lumabas si Hugo at habang siya ay naglalakad, he managed to call Gael.

“Sir? Kumusta ang pakiramdam mo? Jamie reported that you have a small wound, pero halos matamaan kayo ng sumingaw na gas?” sunod-sunod na tanong ni Gael habang ito ay nag-aalala.

“I’m okay. Tulog si Jamie. She looks tired, how are you? Hindi ba kayo naputukan ng mga Pulis?”

“No, sir. Pero nakakawala po ang mga sindikato. But it was confirmed in our hacked footage that it was the scarred face. Ang isa ay hindi namin kilala bukod kay Mr. Lee. Nagtanong din po si Don Vito pero kaagad din niyang binaba ang tawag dahil kay Cassandra.”

“Hayana mo si Vito. Baka mag-away pa sila ni Cassandra kapag nalaman niyang kasama pa rin si Vito, lalo na’t ang ilan sa mga hinahanap natin ang rason sa pagsabog sa dating kasal nila,” tugon ni hugo.

“Okay, sir. I’m heading to your office right now. Ang sabi sa akin ng concierge nandoon pa si Belle.”

“What?! Seriously?!” Na patakbo si Hugo sa fire exit hanggang sa makapunta siya sa kanyang sasakyan. Tinakpan lamang niya ang benda sa braso gamit ang leather jacket.

“Sir... she’s not around. Mukhang kakaalis lang,” dagdag ni Gael.

“Find her, she’s not yet okay.”

“Copy sir!”

Sa pagbaba ng linya, binilisan ni Hugo ang pagmamaneho upang mabalikan o hanapin si Belle. Tila nahiya ang binata dahil pinaghintay niya ito. Walang public utility jeepney sa lugar na ito na pwedeng sakyan ni Belle, pwera na lang kung sasakay ng taxi ang dalaga. Lalong hindi pa niya nagagawa ang kontrata nito para sa offered job opportunity in thirty days sa kanyang kumpanya.

Papalapit nang papalapit si Hugo sa lugar sa kanyang kumpanya hanggang sa masinagan ng ilaw mula sa sasakyan ang babaeng naglalakad sa kalsada. Tinigil ni Hugo ang sasakyan at doon niya narinig ang tawag mula kay Gael.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now