CHAPTER 38

1.5K 104 25
                                    

CHAPTER 38

“NAGKALAT ang police report dahil nawawala ang tatlong binata na pinaghihinalaan na pusher ng isang paaralan. Ayon sa mga haka-haka, ito na ba ang mga sindikato na gusto na silang patahimikin dahil sa alanganin nilang pagsagot tungkol sa katotohanan?” 

Tawa nang tawa si Henry habang pinanonood ang kaibigan ng kanyang kapatid na si Joseph. Wala siyang magawa kundi pagtawanan ito dahil pumalapak sa pakikipagsanib pwersa nito sa Director ng paaralan.

“Napaka bobo talaga!” bulalas ni Henry.

“Oo nga po. Pero sino naman po kayang sindikato ang kumuha sa tatlong binata?”

Biglang nawala ang ngiti ni Henry nang biglang sumagi sa isip niya ang lalaking sniper. “Hindi kaya siya ang suspek? Baka isa rin itong sindikato na gustong maghariharian?!”

“Pero blanko po tayo sa lalaking iyon. Sirang-sira ang sasakyan na ginamit nila kaya wala akong makuhang ebidensya.”

“Maybe they’re related to El Asesino. Kailangan kong makausap si Dad!”

Tumayo papunta si Henry sa telepono upang tawagan ang kanyang ama.

"Why are you calling?"

"Dad,  bakit hindi mo kami tulungan ni Joseph dito? Nagsasarili pa rin siya ng organisasyon!"

"How can I help the both of you, kung pareho kayong gustong nasa itaas. I heard about the news regarding the three students."

Tumawa si Henry dahil sa sinapit ng kapatid niyang bigo sa partnership kasama ang Director ng paaralan. "Bigo na naman si Joseph."

"Be careful. Hindi natin alam kung sino ang kalaban ngayon. Wala akong nakalap na impormasyon kung kasapi ang El Asesino. I am still the most wanted, kaya kinakailangan kong magtago."

"But Dad? Paano ang organisasyon ng pamilya?"

"I can't handle the organization anymore. Wala na akong kapit sa gobyerno dahil sa takot nilang manalo si Jacob sa pagiging Presidente. Kapag nangyari iyon, washout lahat. Kaya naman lahat sila'y tumiwalag sa akin."

"Then, I need to kill Jacob."

"Mr. Calma needs to ruin his Presidency. Siya lang ang pag-asa natin na pwedeng utuin."

Pagkatapos mag-usap ng mag-ama, muling napalingon si Henry sa telepono.

"Tonio, pick up the phone."

"Yes sir.

Nagmadaling bumangon si Tonio at narinig ang isang computerized voice.

"Sir, someone is looking for you."

Kunot-noo na lumapit si Henry. "Yes, who is this?"

"Do you need girls?" Mula sa kabilang linya.

"Who the fuck are you?"

"I can help you with your problem. We can be partners."

Biglang pinatay ni Henry ang linya. "Who the hell gave my office number?! This is only exclusive to Joseph?"

"Wala po kaming ideya, sir."

"Delete the call history! Kapag ako na trace sa lugar na ito, I will kill you Tonio!"

Mula sa loob ng bahay ni Hugo, tulala lang si Belle habang pinanonood ang nasa balita. Nagwawala at panay ang iyak ng magulang ng tatlong binata na hinahanap pa rin ng Pulisya.

"Hindi po ba't, twenty-fours hours dapat bago hanapin?" Inosenteng tanong ni Belle kay Manang Karing.

"Oo, pero malakas ang kutob ko na dealer ng droga kumuha sa mga batang iyan."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now