CHAPTER 73

1.3K 106 11
                                    

CHAPTER 73


ALAS SINGKO ng hapon at nanatili pa rin si Belle sa loob ng isang lumang computer shop kasama ng isang gwardya ni Franklin. Tinutukan niya pa ito ng baril para lamang sumama sa kanya.

“Ang tagal mo nang hindi bumabalik, Anna. Kumusta ka na ba?” tanong ng matanda habang ginagawa ang mga kanyang inuutos.

“Busy po sa trabaho. Okay na ba manong? Baka kasi maabutan ako sa bahay.”

“Diyos ko. Akala ko nagbago ka na, hanggang ngayon pamemeke ng dokumento pa rin ang trabaho mo,” mapangasar na sinabi ng matanda.

“Hangga’t buhay po ang computer shop niyo rito sa Manila, magpapagawa pa rin ako nang peke. Please lang dapat makatotohanan ‘yan. Mas mataas ang presyo ko sa iyo.”

“Pambihira. Oo naman, basta ganito. Unang layer hanggang second layer, mga pekeng pera iyan. Ang nasa laylayan naman ng maleta ay peke rin na pera. Basta huwag mong ipagagalaw o ipahahalungkat dahil siguradong timbog ka.”

Tumango naman si Belle habang pinagmamasdan ang husay sa paggawa ng pekeng mga land title, bank certificates at iba pang kaperahan ni Hugo. 

“Oh, ito. Tapos na. Nasaan na ang bayad ko?” tanong ng matanda.

Kaagad naman inabot ni Belle ang sampung libo na kanyang hiniram kay Jaica. Walang kuskos balungos at diretso sa sasakyan si Belle. 

“Ma’am, ano po ang laman ng maleta.”

“Punyeta naman! Kanina ka pa nagtatanong. Regalo ko nga kay Frank! Pwede ba, ipagdrive mo na ako!” Sigaw ni Belle upang hindi na magtanong ang driver.

Para bang nagdarasal si Belle habang papalapit sila sa mansyon ni Franklin. Pinapanalangin niyang wala pa ito sa bahay hanggang sa makita niyang wala pa rin ang sasakyan nito.

Dali-dali na bumaba si Belle at inilagay sa bakanteng kahon ang maleta upang hindi mahalata. Segurista ang dalaga na hindi malalaman ni Franklin ang kanyang ginawa.  Dumiretso siya sa kabilang kwarto at doon inayos lahat ng kanyang bibitbitin sa pakikipagkita niya kay Joaquin.

“Alam kong may mga hidden camera si Franklin dito. Hindi niya dapat malaman ang lahat ng ito. I promise, tutulungan kita. Tatapusin ko lang ang pag-uusap namin ni Joaquin.”

She made a plan for Joaquin’s downfall. Plano niyang ibigay lahat ng ipinagawang pekeng dokumento pagkatapos ay isuplong ito sa Pulis. Ni hindi man lang iniisip ni Belle ang kapakanan niya kung mapamahak man siya. Tanging nasa isip lamang niya ang matimbog si Joaquin.

“Where is Belle?” bungad ni Franklin kay Manang Karing.

“She went there. Maraming bitbit.”

Tumango nama si Franklin hanggang sa makita niya si Belle na nagliligpit.

“Why do you always stay here?” tanong ni Franklin.

“I missed our child,” diretsong tugon ni Belle kaya naman nag-iba ang itsura ni Franklin.

He became sad, bahagya rin itong yumuko hanggang sa hawakan ang magkabilang kamay ni Belle. 

“Paano ang kaso sa iyo?” tanong ni Belle.

“I’m sorry. Nang dahil sa akin, hindi mo matuloy ang pag-aaral mo. Dapat graduating ka na.”

“Okay lang. Wala naman pinipiling edad ang pag-aaral. Paano ang kaso sa iyo?”

“I can make a way. Huwag mo na akong intindihin dahil kaya ko ang sarili ko. After this, gugustuhin mo bang sumama sa akin sa ibang bansa?”

“Kahit saan ka pa magpunta,” she answered. “I will not escape even if we will go to hell.”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon