CHAPTER 24

1.9K 98 22
                                    

CHAPTER 24

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 24

KABA ang labis na nararamdaman ni Hugo habang nakatingin sa maamong mukha ni Belle. Hugo took his old bag inside the walk-in closet. Napangiti na lamang siya nang mahugot niya ang lumang litrato kasama ang dating nobya.

“Sister Mylaflor, how are you now? Do you feel safe now? Ako… hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. I slept with plenty of girls but one thing is I wanted to avoid. I don’t wanna fall in love again… dahil baliktarin man ang mundo, ako at ako pa rin ang rason kung bakit lumalayo ang mga babaeng lumalapit sa akin. Including you, I was the reason why you died. Kundi ako hinanap ng mga Italyano sa simbahan, hindi ka madadamay. Walang mga Pari at Madre ang mamamatay kundi dahil sa akin. Paano pa kapag nalaman ng iba na ako ang lider ng El Hombre? Babalikan ako ng mga kalaban ni Dad. How can I have a normal life? I am afraid to fall in love… I am afraid that I will become the primary reason of her death.”

Parang batang iniwan at basta na lamang bumangon si Belle. Natatakot at ang unang tao na kanyang iniisip ay si Hugo.

“Sir Hugo… Hugo,” paulit-ulit na tawag ng dalaga hanggang sa marinig na ito ng binata. 

Mabilis na lumabas si Hugo at nakita niya si Belle na lumuluha habang nakaupo sa kanyang kama.

“Sir, gusto ko nang umuwi,” hagulgol nito.

“You need to stay here. Hindi safe sa bahay niyo, sa palagay mo mapoprotektahan ka ng mga tao roon?”

“Si Jaica, wala siyang kasama sa bahay.”

“Hindi ba’t nandoon siya sa boyfriend niya?”

“Uuwi ako,” pagmamatigas ni Belle pagkatapos ay tumayo na lamang ito bigla.   

Dahil ayaw paalisin ni Hugo si Belle nakapag-isip siya ng paraan para tumira at masubaybayan niya ang dalaga. “I can call her, my guards can call her to stay here for the meantime.”

Napaharap naman si Belle at mabilis na hinagkan si Hugo. “Thank you po talaga. Natatakot lang po talaga ako baka kasi magkaroon ulit ng pangyayari na ganoon. Ayokong magkahiwalay kami ni Jaica dahil siya na lang ang pamilya ko.”

Hinawakan ni Hugo ang magkabilang kamay ni Belle upang alisin ang pagkakayakap nito sa katawan niya. “You need to rest again. I will call my guards.”

Tumango naman si Belle pagkatapos ay pinagmasdan ang kilos ni Hugo habang sinusuot ang jacket  nito. 

“Aalis din po kayo?”

‘Can you please stop calling me po or sir? Do I look really old?” hindi makapagtiis na ugali ni Hugo kaya napagsungitan niya ito.

“So aalis ka Hugo?” masungit na tanong ni Belle.

Tumaas ang kilay ni Hugo at parang kanina lang na parang basang sisiw si Belle pero ngayon na napakatapang nito.

“I need to work.”

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon