CHAPTER 12

8.8K 199 20
                                    

CHAPTER 12

KINALADKAD papasok sa compartment ng sasakyan ang bangkay ng pusher at doon ay nagsimulang umalis ang dalawang gwardya ni Hugo upang dalhin ito sa warehouse.

"Boss," mahinang tawag ni Gael kay Hugo nang makita niya itong nakahelmet habang nakaupo sa motor.

"Secure the area and search for those kids. Mga college students ang nagtutulak."

"Copy sir! Ah, si Jamie po nasa loob ng Red Light."

"Good, nang masubukan kung matinik nga ba iyan s—

Hindi natapos ang pagsasalita ni Hugo nang marinig niya ang sigawan at takbuhan sa loob ng bar. Napatakbo ang dalawang binata upang pasukin ang magkabilang entrance.

Papasok si Gael at Hugo habang ang mga tao sa loob ay naglalabasan.

"Nagkakagulo na!"

"Labas! Baka madamay pa tayo!"

"Baka may Pulis na dumating!"

Ilan sa mga sinisigaw ng mga lumalabas na kabataan kaya mas lalong na alarma si Hugo. Habang si Gael na nahuli ng kanyang mga mata si Jamie na tinumba ang dalawang lalaki.

"Jam!" Bulalas ni Gael at hinatak ang hood ng dalaga palabas ng bar.

"Gael, sila ang nanggugulo!" Pagmamaktol nito.

"Kundi ka ba naman sira ulo, bakit ka nakipagrambulan sa first day of duty mo kay Sir Hugo?!" Panenermon ni Gael hanggang sa makalabas silang dalawa.

"Hinihipuan nila ang mga waitress doon. Tsaka nakita ko na nilalagyan nila ang bulsa ng mga kababaihan doon ng drugs."

"You stay here, pupuntahan ko si Boss! Baka mapano pa iyon, wala man lang bullet vest! Magmasid ka!" asik ni Gael pagkatapos ay tinulak siya papasok ng kotse.

Nagmadaling tumakbo si Gael papasok ng bar ngunit naharang na siya ng mga bouncer.

"Sarado na po. Darating po ang Pulis."

Hindi nakapagreklamo si Gael at tumalikod na ito para hanapin ang amo.

"Saan ba nagsuot si Sir? Wala man lang proteksyon sa katawan. Kahit kailan nakakakunsumi," nagkakamot ng ulo ni Gael dahil parang ipis na mahirap hanapin si Hugo.

Kapag may misyon ito, madalas siya mismo ang bumabali sa plano lalo na't pinangunahan na ito ng galit.

**

"OKAY ka lang ba?" tanong ni Jaica.

"Siguro, eh kasi naman at nagkagulo pa sa loob dahil sa mga fourth year students sa school."

"Schoolmate mo sila?"

"Oo, mga notorious talaga sila. Natapilok tuloy ako," reklamo ni Belle at paulit-ulit na hinihilot ang kanyang paa.

"Naku, Belle! Namamaga iyang paa mo!" Malakas na sinabi ni Donya at nilapitan ang dalaga.

"Malayo po sa bituka. Kaya ko naman umuwi. Tsaka kasama ko naman po si Jaica."

"Eh? Hindi ako makakauwi may booking ngayon."

Tumaas ang kilay ni Belle. "Siguraduhin mo lang na walang sakit iyan kikitain mo ha!" Sigaw ni Belle.

"Ano ka ba? Matanda na iyon kaya pa-masssage-massage lang," malokong sinabi ni Jaica kaya naman tumawa si Donya.

"Kilala ko ang cliente na iyon, hindi naman siya bastos," pagtatanggol ni Donya.

"Hay, ewan ko po sa inyo. Uuwi na ako," asar na tumayo si Belle at basta na lamang niyang hinatak ang wig.

"Sige at mag-iingat ka," paalam ni Jaica.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now