CHAPTER 76

1.2K 112 16
                                    

CHAPTER 76

Nakarating sa pinaroroonan si Franklin ngunit naabutan niyang walang tao sa loob ng sasakyan ng El Hombre. Binuksan niya ito hanggang sa makita ang embroidered letter sa lampen at alam niyang galing ito kay Belle.

He heard a few gunshots kaya naman tumakbo si Frank upang tingnan ang kaganapan sa lugar na iyon.

"Sir Frank!" isang malakas na tawag mula kay Charm.

"Find her, please... Charm, I don't want to lose her," maluha-luhang sinabi ni Franklin.

"Yes, sir. We will end this war."

Ang pagpapalitan ng baril ay mula sa tauhan ni Joseph at Joaquin. Parehong nagkagatan ang magkabilang panig dahil buong akala nila na ang laman ng maleta na bitbit ni Belle ay isang makatotohanan na papeles at pera.

"Did you get it?!" Sigaw ni Joseph habang nakahiga sa likuran ng sasakyan.

"Yes, sir! May naiwan lang po akong isang envelope sa lamesa dahil dumami ang dumating na kalalakihan."

"Tarantado talaga 'yan! Sanay na sanay ang bugok!" sigaw ni Joseph habang pawis na pawis. Ramdam niya ang kirot sa pinatamaang parte ni Annabelle. "Mahuhuli ko rin si Belle! Dalian niyo nang makatakas pa tayo!"

Tila isang riot ang naging kaganapan sa Helena st. Kung saan umaagos ang dugo ng ilang sindikato habang si Franklin Hugo na nakita ang nagkalat na papel sa ilalim ng upuan at lamesa. Dinampot niya ito hanggang sa makita ang pangalan niya.

"These are my documents!" Bulalas niya at mabilis na binalikan si Charm.

"Sir, this place is empty! May dalawang logo ng tattoo rin ang nakita ko. Malakas ang kutob ko na dalawang sindikato ang naglaban dito para kunin si Belle."

"Did she betray me?" mahinang sinabi ni Franklin at inabot kay Charm ang nakalap na dokumento.

"What are these? Oh my goodness... mga kayamanan niyo ito... Paano niya nakuha?"

Umiling lamang si Franklin at sinimulan na bumalik sa kanyang sasakyan. "I will validate these documents if these are true. Baka nakita niya sa bahay ko ang mga orihinal. Magaling si Belle sa mga ganoong bagay. Pero... mahal niya ako at hindi siya tulad kay Myla na pinaglaruan lang ako," he eagerly answered and left a bitter smile in his face.

Nagmadali ang mga tauhan ni Franklin pabalik ng El Hombre. Inilabas din niya lahat ng dokumento na dinala ni Manong Boyet mula naman sa kanyang vault sa bahay.

"Sir, fake documents ang nasa crime scene," wika ng isang tauhan.

Tumango si Franklin hanggang sa mapatingin sila sa pintuan dahil sa ingay ng mga kalalakihan.

"What's happening outside?!" Asik ni Franklin pagkatapos ay lumabas silang lahat.

Natagpuan nila si Gael na bitbit si Jaica na duguan. "Manong Boyet, please help us," umiiyak na sinabi ni Gael kaya naman kaagad na tinulungan ang dalawa.

Halos sumabog ang utak ni Franklin kaya naman tinalikuran niya ang mga kasamahan. He couldn't control his anger until he took the table and threw it away. Napatili na lamang si Charm dahil sa sobrang takot.

"Sir! Kumalma ka!"

"Everything's ruined! I need to find Belle! I need to see her!" Sigaw ni Franklin hanggang sa dumugo na ang kamay niya kakasuntok sa pader.

"Enough! Hijo!" Sigaw ni Manang Karing. "Hindi mo siya maliligtas kung magiging ganyan ka! Pare-pareho tayong mamamatay kung hindi ka mag-iisip ng matino!"

Napaluhod na lamang ang binta habang lumuluha ang mga mata. "I just-I'm going to die if I lose her again."

"So stand up, hijo. She's waiting for you. Kami ang bahala kay Jaica. My daughter is here at hindi ka namin iiwan hanggang sa matapos ang labanan na ito."

Tumango si Franklin hanggang sa bumalik sa harapan ng monitor. Kinuha niya ang recorded tracker sa sasakyan ng El Hombre hanggang sa lumabas ang driver na sumama kay Belle noong pumunta ito sa tagong shop para ipeke ang mga dokumento niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Sigaw ni Franklin sa kanyang alagad.

"Sir, nakakatakot din po kasi si Ma'am. Hindi naman po ako nakuntento sa pagpunta niya roon. Heto at nakita ko rin po na may tinatago siya sa loob ng kwarto ng anak niyo."

Pinagdikit-dikit ni Franklin ang punit na papel hanggang sa makita ang waybill parcel na ipinadala kay Belle.

"So she was framed up by Joaquin. Her call logs were recorded on her phone," wika ng Franklin habang pinapakinggan ang naging conversation ni Belle kay Joaquin.

"She planned this, sir. Kasi hindi niya ito gagawin kung wala siyang balak makipagpalitan ng bala kay Joaquin. Well she's brave to face those syndicates," tugon naman ni Manang Karing.

Natigil sa pag-uusap ang lahat nang lumapit si Gael sa kanila. Bakas pa rin ang dugo sa kanyang puting polo at inilapag ang maliit na baril sa lamesa.

"The son of Jacob was the international leader who established the pornsite for human trafficking. Si Jaica ang isa sa mga nabiktima niya at kasama roon ang ex-boyfriend niyang banyaga. These are our answers."

"I know, I found it earlier. Naunahan lang niya tayo. Pinaglaruan niya ang magkapatid na si Henry at Joseph pagkatapos ginawang kasangkapan si Belle at Jaica. Even me... I saw these fake documents, gusto nilang nakawin ang kayamanan ko... but they can't dahil mismong pinag kopyahan ni Belle ay isang pekeng dokumento. Every legitimate document in my company is hidden underground. Kaya walang sino man ang makakkuha nu'n kahit patayin pa ako. And now, We need to get ready," wika ni Hugo pagkatapos ay tinawagan ang numero ni Joaquin.

Ilang segundo lamang silang naghintay hanggang sa sagutin nito ang linya.

"Ohh fuck!" Isang ungol ang bumungad sa telepono ni Franklin kaya bigla itong napatayo.

"Where is Annabelle?!"

"Oh, lumabas ka na rin. At least I confirmed that you aren't just a tycoon but a Mafia Boss."

"Where is Belle!"

"Hmm... she naked in front of me."

"You want my fucking money? Go and try me, hindi iyong gumagamit ka ng babae para lang gawin panangga sa akin. You are such a gay, Joaquin. Hindi mo ba ako kayang harapin?" pinahaba ni Franklin ang usapan upang makuha ni Charm ang location nito ganoon din si Joaquin.

"Sir, I got it!" mahinang sinabi ni Charm kaya naman tumango si Hugo.

"Okay, you don't need my money?" muling dagdag ni Franklin.

"Meet me in Plantera Incorporated," tugon ni Joaquin kaya naman binabaan siya ng linya ni Franklin.

Sa pagbaba ng linya, napatingin si Charm sa mapa at doon nakita na magkaibang organisasyon ang lokasyon nito.

"Sir, nasa dating lugar ng subdivision ni Marga ang nakuha kong address kay Joaquin sa Mountain Blue Heights. At ang binigay niyang address ay pagmamay-ari ni Elias Morales," wika ni Charm.

"That was one of the insane investors na gustong pumasok sa company niyo, sir!" Bulalas ni Gael.

"He's playing with me right now. I will go to the Plantera at ikaw mismo ang bahala sa village address na 'yan, Charm. Huwag niyo akong sundan at gusto kong tapusin n'yo ang labanan doon," utos ni Franklin pagkatapos ay tuluyang lumabas ng opisina bitbit ang kanyang baril. Hindi lang iyon dahil kasama rin ang kapirasong litrato ni Belle na kanyang kinuha mula sa lamesa.

"I will save you, Belle. No matter what happens, magiging magkasama pa rin tayo."

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now