CHAPTER 78

1.3K 119 28
                                    

CHAPTER 78

DUWAG at gusto nang tumakas ni Joaquin sa loob ng Plantera pagkatapos niyang makita lahat ng toxic waste sa paligid.

“Umalis na tayo! Ikamamatay natin ang mga kemikal dito!” Sigaw ni Joaquin.

Tinakpan siya ng mga gwardya hanggang sa mapansin niya ang warehouse tracker sa village. Kulay pula lahat ng marka hanggang sa makita niyang pinulbos ang nagsisimula pa lang niyang warehouse sa Pilipinas.

“Fuck! He found me! It can’t be! It can’t be!” Paulit-ulit na sigaw ni Joaquin pagkatapos ay dinampot ang baril upang makipaglaban. 

Dahil sa bomba na sumabog, nangalahati ang batalyon niyang dala. Kaya naman heto at kuyog mula sa Plantera Incorporated guards ang nangyari.

“We need to escape!”

“Sir! Sir! That’s Annabelle!” Bulalas ng isang gwardya habang nakatutok ang binocular kay Belle.

Inagaw naman ni Joaquin ang binocular hanggang sa makita niya si Belle na hawak ang isang mataas na kalibre ng baril. He was amazed on how she handle guns. Puno rin ito ng dugo sa katawan hanggang sa mapansin siya ng dalaga.

Hindi nagdalawnag isip si Belle na paulanan ng bala ang pwesto nila Joaquin. Asintado man o hindi ay para pa rin niyang nilaro ang baril.

“Fuck! Umalis na tayo!” Sigaw ni Joaquin at nagmadali na tumakbo. But suddenly, nagkamali ng tapak ang kanyang mga kasamahan. Sumabog muli ang kanilang lugar kaya naman tumilapon kay Joaquin ang nagliliyab na mga kagamitan.

“Ah! Ah! Fuck!” Sigaw ni Joaquin habang nasusunog ang kanyang katawan. “Fuck! Help!” Sigaw ni Joaquin nang paulit-ulit.

Nakuhang makapagsuot ni Belle ng damit mula sa mga uniporme ng gwardya ni Joseph. Tinakpan din niya ang mukha upang siya’y makalabas. Natakot si Belle dahil pwedeng maging sanhi ang nasusunog na katawan ni Joaquin na makalapit sa isang malaking tangke na hindi pa apektado ng sunog. Isang malaking hazzard red mark ang nakalagay dito kaya naman gusto niyang patayin si Joaquin upang hindi na ito makalapit.

“Ahh!” Tili ni Belle dahil nadaplisan siya mula sa isang kalaban. Hindi nagpatinag ang dalaga hanggang sa muli siyang pinatamaan da binti.

    “Belle!” Sigaw ni Franklin.

    Pumalibot sa buong Plantera ang El Hombre at doon nakita ni Franklin si Belle na gumagapang. El Hombre helped her to shoot the mobsters behind her. Akmang tatakbo si Franklin pero pinigilan siya ni Charm nang makita si Joaquin na dumikit sa hazzard septic tank. 

    “Sir! Sasabog po ito!” Sigaw ni Charm.

    “Belle! I can’t!” Asik ni Franklin at nilingon si Belle na pilit tumayo. Ika-ika ang dalaga para lamang maisalba ang buhay ni Frank upang hindi na madamay sa pagsabog. 

    “No! Huwag ka nang lumapit!” sigaw ni Belle pagkatapos ay tinutukan ng baril si Joaquin. 

    It triggers the tank at bumagsak ang nasusunog na katawan ni Joaquin dito kaya nagsimulang sumabog ang planta.

    El Hombre guards including Charm and Hugo are affected. Tumilapon silang lahat dahil sa sobrang lakas nito.

    “Sir! Charm!” Sigaw ni Gael at lakas loob na hinatak ang amo pati si Charm.

    Mabuti na lamang at covered ang katawan nilang lahat at hindi ganoon kalubha ang epekto ng toxic waste na sumabog.

    Walang malay na isinakay sa van si Franklin at Charm pagkatapos nu’n ay nilisan nila ang lugar.

EL HOMBRE MAFIA: Franklin HugoWhere stories live. Discover now