GIRLS LISTEN!

694 9 0
                                    


GIRLS LISTEN!

Sa mga babaeng nagpapakatanga sa kanilang mga jowa. Basahin nyo to ng mabuti mga besh!

Oo na sige na nagmahal ka na. Oo na sige na masakit na masakit na. Oo na sige na alam ko na yung feeling na hindi mo kaya. Pero bago ang lahat mahalin mo muna ang sarili mo besh. Minsan sa sobrang pagmamahal natin sa lalaki all out talaga tayo, as in to the point na wala ng matitira kaya kapag iniwan tayo parang di natin kaya. Ganun talaga tayo magmahal eh. Pero kapag nakikita niyo na binabasura at sinusuka na kayo, pwede bang huwag maging desperada?

Osige ipaglaban mo sya, ipagpilitan mo ang sarili mo ng minsan, pero kapag wala parin tigil na. Alam mo kasi kapag nagiging desperada kang ganyan imbes na maawa sayo ang lalaki, maiinis lalo yan at magpapahabol lalo. Huwag mong ibaba ang sarili mo besh ng dahil sa lalaki that is kung wala ka namang pinanghahawakan. And worst magpapakamatay ka para sa isang lalaki? Kacheapan! Masarap mabuhay besh!

Masakit? Di mo kaya? Assess mo nga ang sarili mo, pagmamahal ba yang umiiral sayo o masakit lang yang pride mo kasi hindi mo akalain na kaya kang ipagpalit? Ganyan talaga ang buhay besh, walang permanente. Hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan besh, and look at them, nasurvive nila diba? So malamang ikaw din.
Yang sakit na yan minsan it's all in the mind. Imbes na habul habulin mo ang lalaki, bat di mo ayusin muna ang sarili mo. Magpaganda ka, magpaparlor, bumili ng mga bagong damit, underwears. Kung pinagpalit ka sa iba ipakita mo na wala sa kalingkingan mo ang babaeng ipinalit sayo. Hindi yung ganyan ibababa mo ang sarili mo. Ayaw na nga sayo ipipilit mo parin ang sarili mo. Nakakapangit yan besh! Inuulit ko! NAKAKAPANGIT YAN!
Siguro dadating talaga sa buhay nating mga babae ang isang lalaki na makakapagparanas satin nyan, yung ipaglalaban natin sila, magpapakadesperada, magpapakababa para bumalik sila. Andun na ko diba. Pero huwag naman sana nating kalimutan na palaging una ang sarili. Pano ka mamahalin ng lalaking yan kung di mo mahal ang sarili mo.

Love yourself
2015
BSTM
EARIST

Secret Files PHWhere stories live. Discover now